18

925 Words
Racer Griffin's POV; "Nahihirapan ka nanaman ba matulog anak?" Napatingin ako kay mama ng makita ko siyang nakatayo sa pintuan ng mansyon at matamang nakatingin sakin. "M-Mama kasi---." "Hindi mo kailangan magexplain... anak kita... alam ko ang lahat." Kalmadong sambit ni mama bago lumapit sa pwesto ko dala ang isang towel. "Mama may super powers po ba ako?" Inosenteng tanong ko kay mama na kinatawa niya ng mahina bago lumuhod sa harap ko at marahang sapuin ang pisngi ko "Lahat ng tao may super power baby." Nakangiting sambit ni mama. "Katulad ko i have my powers too."dagdag ni mama na kinakinang ng mata ko. "Talaga mama?! Anong power---." "Thats called power of love baby lahat ng ina may power na katulad ko para sainyong mga anak." Putol ni mama na kinakurap ko. 'Power of love?' "Ang mga katulad niyong bata dahil nagsisimula pa lang kayong mamulat at mabuhay sa mundong ito responsibilidad naming mga ina ang punuin kayo ng pagmamahal ng higit pa sa kailangan niyo." Ani ni mama na kinasimangot ko. "Mama hindi ko po kayo maintindihan kaya ba ng powers niyo na labanan ang mga bad guys katulad nung sa t.v?" Tanong ko kay mama na kinangiti nito. "Hindi baby." Nakangiting sagot ni mama na kinasimangot ko. But i have a power para labanan ang mga bad gu---. "Anak makinig ka kay mama." Napatingin ako kay mama ng marahan niyang haplusin ang buhok katulad ng palagi niyang ginagawa. "Anak ito tatandaan mo palagi... sa ngayon hindi mo pa ako naiintindihan dahil bata ka pa pero paglaki mo wag na wag mo itong kakalimutan, sa mundong ito wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal hindi yun nakakapatay pero kaya ka nung pahinain at palakasin emotionally and physically." Bulong ni mama na kinatigil ko. "Naiintindihan kita dahil malakas ka sa edad mong yan matalino kana,malakas,maliksi at wala kang bagay na hindi mo kayang gawin pano pa pag naging adult kana diba?" Dagdag ni mama bago ngumiti at salubungin ang tingin ko. "Malawak at mataas ang future na nakikita ko sayo Phan." Bulong pa ni mama hanggang sa mawala ang ngiti nito at mapalitan ng sobrang lungkot na expression. "Mama sad ka ba?" Nalulungkot na tanong ko na kinailing ni mama. "Sino bang ina ang hindi matutuwa kung bata pa lang ang anak niya nakikitaan na niya ng magandang future." Sagot ni mama bago ngumiti at punasan ang pisngi ko gamit ang towel na hawak niya. "Itatak mo ito sa isip mo baby okay?" Ani ni mama na kinatango tango ko. Ayokong malungkot si mama gusto ko lagi siyang masaya. "Walang gusto si mama na kahit ano sayo baby." Bulong ni mama bago ngumiti. "Gusto ko lang mabuhay ka at lumaki kang may puso." Dagdag ni mama bago mahinang tapikin ang kaliwang dibdib ko. "Kahit na anong pagdaanan mo dumating man sa puntong maubos ang pagmamahal na binigay at tinanim ko sayo ito tadaan mo... may isang darating na tao na pupuno ulit diyan at bibigyan ka ng pagmamahal na walang hinihinging kapalit... hindi dahil sa responsilidad o ano dahil sa ikaw ang pinili niyang pagbigyan ng pagmamahal na yun ng hindi mo hinihingi." --- "Balita ko nawawala yung babae mo." "What are you doing here?" Walang emosyong sambit ng binata habang nakaupo sa ibaba ng gilid ng kama at pinalilibutan ng mga basyo ma alak. "Hindi mo ba nakikita ang sarili mo Phantom?" Gusot ang mukhang sambit ng dalaga bago humakbang papasok ng kwarto at buksan ang ilaw. "Hindi porket binigyan ka ng utos ni Kuya L na bantayan kami pwede ka ng mangialam." Walang buhay na sagot ko bago laklakin ang hawak kong beer. "Bakit ba umalis ang alaga mo?" Out of the blue na tanong ni Lucy na kinayukom ng kamao ko. "Hindi ko alam." Walang emosyong sagot ko bago pumikit ng madiin at sumandal sa gilid ng kama. "I give her everything Lucy wala akong maisip na rason paraan iwan na lang niya ako bigla." Nagdidilim ang anyong sagot ko bago laklakin ang hawak kong beer. "Binigay mo lahat?" Ulit ni Lucy habang natatawang nag cross arm at tingnan ako. "Pare pareho talaga kayong magkakapatid ang mamanhid niyo." Ani ni Lucy bago tumalikod at naglakad palabas pero bago sumara yung pinto nilingon ulit ako ni Lucy. "Sa tingin ko hindi na mabibili ng pera ang kailangan ngayon ng alaga mo kaya umalis siya." Dagdag ni Lucy bago isara ang pinto. 3rd Person's POV; Tahimik lang naglalakad ang babae habang hindi alam kung saan ba siya pupunta. "Hindi ko alam pabalik ng isla." Bulong ng dalaga habang naglalakad at tumitingin tingin sa mga taong nasasalubong. "Ito pala ang mundo sa labas ng mansyon." Nakangiting sambit ng dalaga hanggang sa mapako ang tingin niya sa napakalaking bulletin board na nasa gilid ng kalsada. "Wow." Hindi maiwasang humanga ng dalaga ng makita ang litrato ng binata na nakabusiness suit. "Sikat pala talaga si Racer kahit saan ako tumingin makikita ang mukha at pangalan niya." Bulong ng dalaga habang ginagala ang paningin at makita ang mga magazine at dyaryo ma hawak ng ilang nakakasalubong na tao. "Kahit sino hinahangaan at tiningala siya ang galing." "Boss siya yung babae." Ani ng lalaki na nakatayo sa gilid ng kotse habang hawak ang isang earpiece sa tenga at hindi inaalis ang tingin sa dalagang makatayo sa gilid ng kalsada na kasalukuyang iniikot ang paningin sa paligid. "[Wag niyong tanggalin ang paningin niyo sa babae at kung magkaroon kayo ng pagkakataon patayin niyo na agad.]" Ani ng isang boses. "Copy." Bulong na sagot ng lalaki habang nakangising nakatingin sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD