3rd Person's POV;
"Young lady hindi gaganti ang d**o kahit ilang beses mo pang bunutin yan." Komento ng binatang si Terrance habang nakaupo sa upuang bato na hindi kalayuan sa dalaga.
"Tinutulungan ko lang si Manong gardener." Bagsak ang balikat na sagot ng dalaga na kinatinginan ng apat na lalaki maliban sa binatang si Basil na nakatingin kung saan.
"Kayo muna bahala kay Young lady may univited tayong bisita sasalubungin ko lang." Paalam ni Basil habang nakapamulsahang naglakad palabas ng garden na nagdudugsong sa field.
"Boss kailanga---."
"Dito lang kayo." Putol ni Basil habang ngumunguya ng bubble gum.
Patuloy lang sa paglalakad ang binata hanggang sa makarating siya sa napakataas na pader na may kalayuan sa gate at walang kaano anong tinalon yun.
"Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyong tanong ng binata habang nakatingin sa babaeng nakahood na puti na nasa kabilang bahagi ng kalsada.
"Nothing i just want to warn you na one of this days kukunin ko na ang kapatid ko at sabihin mo yan sa demonyo mong amo." Walang emosyong sagot ng babae bago walang tingin tinging tumalikod at naglakad papaspk ng kagubatan.
"Kapatid?" Bulong ng binata habang nakakunot ang noong nakatingin sa likod ng bulto ng dalaga na naglalakad palayo hanggang sa mapansin nito ang nakaburdang disenyo sa suot nitong kasuotan.
"Disenyo ng kalahating buwan." Bulong ng binata na kinatigil nito sandali.
"Lacson."
Amber Lacson's POV;
"Kung hinahanap mo si Racer wala dito." Walang ganang sambit ko habang nakaupo sa swing ng garden.
"Mukha bang si Racer ang pinunta ko dito?" Mataray na sagot nung Naomi na kinaangat ko ng tingin.
"Kung ako sayo babalik na ako sa isla na pinanggalingan ko dahil ako na nagsasabi wala kang magandang naidudulot kay Racer sakit ka lang sa ulo niya." Nakacross arm na sambit ni Naomi na kinahigpit ko ng kapit sa kadenang hinahawakan ko.
"Hindi ikaw si Racer para paalisin ako dit---."
"If iknow naman inutos mo yun sakanya hindi niya ginusto." Putol ni Naomi na kinagat ko sa gilid ng labi ko.
"Wag mong bigyan ng kahit na anong kahulugan ang binibigay niyang atensyon sayo dahil hanggang kapatid ka lang naalala niya lang sayo ang kakambal niya na pinatay ng sarili niyang ama." Dagdag ni Naomi na kinalamig ng katawan ko.
'Namatay ang kakambal ni Young Master Phantom nung 5 years old pa lang siya at sa mismong harapan niya sinunog ng buhay ni Lord Aragon si Young Lady Venom ang kauna unahang pinanganak na babae sa mga Aragon.'
"Naawa lang siya sayo kaya binibigay niya lahat ng gusto mo sama mo pang wala kana din na pamilya at like duhh ang panget ng tyura mo." Panlalait pa ni Naomi pero imbis pansinin siya nanatili na lang akong nakayuko habang inaalala lahat ng ginawa ni Racer sakin.
'Kaya ba nasabi niyang mahalaga ako?dahil naalala niya yung kakambal niya sa katauhan ko?.'
'Pareho kami ng kakambal niya na natupok sa apoy ang pinagkaiba lang nailigtas niya ako at ang kakambal niya ang namatay.'
'Kaya ba nung niligtas niya ako sa nasusunog na attic umiiyak siya.'
"Hanggat nandito ka posibleng nasa peligro din ang buhay ni Racer like duhh alam ko kung sino at ano ka kasalukuyan ka ding hinahanap ng gobyerno at ng underground dahil sa mga kapatid mo at sa pamilya kung nasan ka nanggaling...ano na lang mangyayari kung malaman ng lahat na isang Aragon si Racer lahat mg pinaghirapan niya mawawala and worst papatayin siya ni Mr.Aragon." dagdag pa ni Naomi na kinalamig ko ng todo.
'M-mamatay?'
Hindi ko alam kung anong meron sa mga kapatid ko, kung ano ang underground at kung anong meron sa pamilya ko at gobyerno pero isa lang ang pumasok sa isip ko.
'Racer.'
Maraming alam si Naomi kaysa sakin at siguradong sinabi yun sakanya ni Racer ibig sabihin lang nun pinagkakatiwalaan niya si Naomi at naiintindihan ko si Naomi ayaw niya lang mapahamak si Racer.
'Katulad ng dati...pabigat pa din ako kay Racer.'
Napangiti ako ng mapait ng pumasok ang ideyang kailangan ko na talagang magpakalayo layo masyado ng malaki ang mundo para samin ni Racer.
Kaya siguro pakiramdam ko ang layo layo ni Racer dahil sa katotohanang isa lang akong dakilang dummy ng nawala niyang kapatid.
Gusto niyang bumawi at mawala ang guilt niya kaya andito ako.
Hindi ko alam pero sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng sobra sakit sa loob ng dibdib ko na parang paulit ulit pinupunit at pinipiga.
---
Sobrang tahimik nakakabinging katahimikan.
Nakapikit lang ako habang dinadama ang malamig na hangin na humahampas sa pisngi ko habang nakatingala at pinakikinggan ang mahihinang ingay sa paligid.
"Ito na siguro yung oras." Bulong ko bago idilat ang mga mata ko at tahimik na ibaba ang tingin ko mula sa veranda.
'Mukhang ito na yung hint na kailangan ko na talagang umalis umaayon kahit ang pagkakataon dahil wala si Racer at ang kalahati sa mga tauhan nito.'
Napahawak ako ng mahigpit sa suot kong kulay abong hood na binigay ni Racer bago sumampa sa railing at tumalon pababa ng makitang wala ng bantay sa baba dahil sa tatlong minuong palitan ng mga tauhan.
Sapat ng oras yun para makatago ako at makarating sa gate ng hindi napapansin.
"Im sorry." Bulong ko sa hangin bago mabilis na tumalon sa puno na malapit sa pader at mabilis na umakyat para makasampa sa pader.
'Ayoko ng maging pabigat pa sayo Racer mas mabuti na din siguro ito. Bumalik ako sa lugar kung saan ako nararapat at alam kong hindi yun dito.'
'Sa ngayon hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na basta makaalis ako dito, makalayo sayo.'
Someone's POV;
Natanggal ko ang suot kong headset ng maramdaman ko ang bigat ng hangin habang matamang pinagmamasdan ang taong nanakbo palabas ng mansyon.
"Interesting." Nakangising bulong ko habang nakacross arm na nakaupo sa sanga ng puno at nakatingin sa baba kung nasan yung babae na walang kaano anong tinalon ang punong at mabilis na sumampa sa pader.
"100% sure na magwawala si Griffin oras malaman niyang natuto ng maglayas ang little Gem niya."