15

912 Words
3rd Person's POV; "Kailan ka pa dumating?" Walang emosyong sambit ng binatang si Racer ng pagpasok niya ng nagsisilbing hide out ng Halcon "Boss wala man lang bang kamusta?" Nakangising sambit ng lalaki bago tumayo mula sa kinauupuan at lumabas sa kadiliman. "Stop playing me around Basil hindi ka nakakatuwa." Walang emosyong sambit ng lalaki bago lumapit sa bar counter at kumuha ng alak. "Boss hanggang ngayon ba naman ang sungit mo pa din ilang taon din tayo hindi nagkita." Nakangusong sambit ng nangangalang Basil bago sundan ang lalaki at umupo sa bar counter na parang bata. "Katulad ng sinabi mo nahirapan akong hagilapin sila pero nagawa ko naman." Seryosong sambit ng binata bago damputin ang can ng beer na nasa gilid niya at laklakin. "Ilan sakanila nakakuha ng maayos na pamilya,yung iba katulad mo nagawang mag stand alone at umangat." Dagdag ng binata bago ngumisi sa kawalan at tingnan ang lalaki. "Now i know bakit ganun na lang ang takot ni Mr.Aragon." ani pa ng binata bago natatawang ibaba ang hawak na beer at bumaba sa bar counter. "Nakagawa talaga siya ng mga halimaw." Pangising ngisi na sambit ng binata bago maglakad palabas. "Nasa table mo na yung nga envelop kahit yung mga hindi mo inutos ginawa ko na like pictures at personal infor nila." Pahabol pa ng binata bago lumabas ng silid. "I just wondering kung anong klase ng mga tao sila ngayon." Bulong ng lalaki bago laklakin ang hawak nitong bote. Amber Lacson's POV; Mula dito sa veranda sa kwarto ko matama kong tinititigan si Racer na nakatayo sa pinakagitna ng garden. Nakatagilid at nakatingin kung saan habang may hawak na alak at sigarilyo ganito siya tuwing gabi bago matulog. 'Ano kayang iniisip mo ngayon?' Parang tanga kong tanong habang nakatingin kay Racer. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ko ang pagtingkad ng kulay berde nitong mga mata dahil sa buwan. 'Ang ganda.' Ani ko sa isip ko habang pinapasadahan ng tingin si Racer. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Rinig kong tanong ni Maki mula sa likuran ko hanggang sa naramdaman kong tumabi siya sakin at tiningnan ang tinititigan ko. "I want to keep him Maki." Bulong ko na kinatingin ni Maki sa pwesto ko. "Ramdam na ramdam ko ang pagod at sakit na nararamdaman niya pero wala akong magawa." Dagdag ko habang nakatingin kay Racer na nakatingin sa kawalan. "Mahirap protektahan ang isang taong sarili na ang kalaban Amber." Sagot ni Maki na kinatahimik ko. Kahit ang lapit lapit ko kay Racer nakikita ko siya at nalalapitan feeling ko ang layo ko pa din at ang taas niya. Yung tipong gusto ko siyang abutin at hawakan pero wala akong magawa kung hindi titigan siya at antayin na siya mismo ang lumapit sakin. 3rd Person's POV; Hindi maiwasang matawa ng mga tauhan ng binatang si Racer na nakatokang magbantay sa dalaga ng makita ang lima sa nagsisilbing boss nila na tinuturuan sumayaw ng dalagang si Amber. "Pft ahahaha ayoko na ang sakit na ng katawan ko!" Tawa ng dalagang si Maki na halos mahulog sa kinauupuang bench ng makita ang pagkembot ng limang lalaki. "Lagay niyo ang kanang kamay niyo sa gilid ng ulo niyo then yung isa sa tummy niyo then move your hips." Nagpipigil ang tawang sambit ng dalagang si Amber habang dinidemo ang sayaw. "Putangna si Basil feel na feel hahaha." Komento ni Maki habang hindi na makahinga sa katatawa ng mapagmasdan ang apat na lalaking sumasayaw maliban kay Basil na feel na feel ang pagikot ng bewang. "Anong nangyayari?" Napatingin ang lahat sa binatang nasa pintuan ng mansyon habang nakatingin sa mga tauhang nasa gitna na agad napaayos ng tayo ng makita ang leader. "Oww hi Racer hihi nagzuzumba kami." Sagot ni Amber ng patayin ni Maki yung speaker na agad na inayos ang sarili ganun din ang mga bantay na mabilis na yumuko. "They look a f*****g epileptic patient than zumba dancers." nakapokerface na komento ng binata na kinareklamo ng limang lalaki. "Ikaw ang aga aga ang sungit sungit mo nagkakatuwaa---." "Hey babe goodmorning." Napatingin ang dalaga sa babaeng papalapit na may kasunod na mga tauhan na nakapako ang tingin si dalagang amber na agad hinarangan ng limang lalaki dahil sa kasuotan na meron ito. "Biglan sumama ang hangin dito tara na nga sissy amber dun na tayo aa garden sariwa dun ang hangin at HINDI POLLUTED!" Ani ng dalagang si Maki bago yakapin ang braso ng dalaga na kinatawa ng binatang si Basil na kinatigik sandali ng babaeng si Naomi na nakapako ang tingin sa binatang si Basil na naglalakad paalis at sinundan ang dalawang babae. "What are you doing here Naomi?" Nakapoker face na tanong ng binata na kinatingin ng dalaga sa lalaking nakahilig sa pintuan. "Nothing wala ka kasi sa opisina mo kaya tumuloy na ako dito." Malambing na sagot ng babae. "Sabado ngayon gusto ko makapag pahinga kung about nanaman yan sa investors galing sa japan sa lunes ko na sila haharapin." Walang emosyong sambit ng binata na kinacross arm ng dalaga bago bahagyang itaas ang kilay nito sa binata. "Im not your freaking secretary Racerbaby girlfriend mo ako at hindi ako pumunta dito dahil sa company mo duhh." Pagtataray ng dalaga bago tuloy tuloy na pumasok sa mansyon at lampasan ang binata na walang emosyong nakatingin sa kung saan. "Boss---." "Bantayan niyo si Amber." Putol ng binata sa grupo ng binatang si Terrance na nakatayo pa din sa labas ng pintuan na naghihintay ng utos bago pumasok sa mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD