20

970 Words
Amber Lacson's POV; "Baby dito ka lang sa attic ah wag na wag kang lalabas kahit na anong mangyari." Bilin ni mama na kinatango ko bahagya habang yakap ang paborito kong teddy bear. "M-Mama nasa sina Ate?" Natatakot na tanong ko kay mama dahil sa ayaw ko sa madilim na lugar. "Nagtatago na din sila baby safe na sila basta baby shh ka lang baka makita ka ng papa." Nakangiting sambit ni mama na kinahagikhik ko. Naglalaro kasi kami ng hide and seek at sina papa ang taya kung sino daw ang hindi niya mahuli may libreng ice cream. Dahil sa love love daw ako ni mama tinulungan niya ako magtago hihihi. Tahimik lang akong nakaupo sa pinakasulok ng attic ng---. *bang*bang*bang* Napatakip ako ng tenga ng sunod sunod ako makarinig ng sobrang lakas ng ingay at galabugan galing sa baba. "M-Mama." Natatakot na sambit ko ng makarinig ako ng mga sigaw at yabag sa ibaba. "Hindi ako makakapayag akin si Aki." Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko ng makarinig ako ng ingay. "Hindi sayo ang kapatid ko Mylord." Ang boses na yun dahan dahan akong bumangon na kinangiwi ko ng makaramdam ako ng hilo at sakit hanggang sa tumama ang mga mata ko sa lalaking nakatalikod sakin at sa harap nito ang isang babae na may kasuotang kulay puti. Matagal na ang panahong lumipas pero kahit kailan hinding hindi ko makakalimutan ang tyura ng mga...kapatid ko. Pero anong nangyayari bakit nakatutok ang baril nina Maki kay ate at nakatutok naman ang espada ni ate kay Racer. "A-Ate." Bulong ko na kinalingon nilang lahat sakin. "Aki...matagal kitang hinanap." Ani ni Ate bago tumakbo palapit sakin at niyakap ako ng mahigpit na kinaiyak ko. "A-Akala ko nawala kana." Ani ni ate bago humiwalay at marahang haplusin ang pisngi ko. "Ate pasensya na." Naiiyak na sambit ko bago yumakap ulit kay ate. Ilang taon pa lang ako ng mapahiwalay kina ate simula ng masunog ang mansyon at magising ako sinabi ni Racer na safe sina ate dahil niligtas sila ng mga kapatid niya. Gusto kong bumalik sa lugar na yun pero sabi ni Racer baka patayin ako ng lord Aragon pag nakita pa ako dun kaya mas minabuti kong magtago at umasa na magkikita kita din kami. "Sasama kana sakin Aki aalis na tayo wag kang mag alala ako na bahala sayo." Ani ni Ate na kinatigil ko. 'Sasama na ako kay Ate?' Sasagot ako ng may taong humila sa magkabilang balikat ko at mapalayo kay Ate. "Akin na si Aki at hindi ako papayag na bigla bigla niyo na lang kunin sakin si Aki." Malamig na sambit ni Racer na kinalakas ng t***k ng puso ko. "Kailangan ko si Aki hindi ako papaya---." "Tama na ang ilang taon mong pagtatago kay Aki Lord Phantom hindi isang bagay si Aki para angkinin mo na lang ng ganun ganun." Nanggagalaiting sambit ni Ate bago tumayo ng ayos at malamig na tingnan si Phantom sa likuran ko. "Kahit na sinong babae makukuha mo Mylord at hindi ako papayag na maging isa sa nga collection mo ang kapatid ko." Nanggigil na sambit ni Ate. "I have my power at money kayang kaya kong protektahan si Aki at ibigay lahat ng gusto niya." Malamig na sambit ni Phantom na kinayuko ko. "Money?Power?as expected sa isang Aragon na katulad mo." Walang emosyong sambit ni Ate bago pagak na tumawa at tingnan ako. "Nakikita mo ba kung gaano kakitid ang utak ng taong sinamahan mo Aki? One of this years sa mind set niyang ganyan magiging katulad ng demonyong yan ang hayop niyang ama." Nanggigil na sambit ni ate. "Anong sabi m---." "Tama na!" Naiiyak na sigaw ko ng makitang tutukan ng baril nina Terrance si Ate. "Amber." Bulong ni Maki bago ibaba ang hawak nitong baril. "Yun din ang nakikita ko ate." Bulong ko hanggang sa maramdaman ko ang pag alis ni Racer ng kamay niya sa balikat ko. Aalis ito ng hawakan ko ang kamay niya na kinalingon nito pero imbis salubungin ang tingin niya tiningnan ko si Ate. "Pero hindi ko hahayaan mangyari yun ate." Dagdag ko bago hawakan ng mahigpit ang kamay ni Racer. "He have a power and money kung anong meron siya wala ako ate alam ko yun." Nakangiting sambit ko bago tapikin ang kaliwang dibdib ko. "Pero ako meron nito at ramdam na ramdam ko na ang pusong ito matagal ng naka belong sa demonyong sinasabi mo at gusto kong bigay ito sakanya na alam kong wala siya." Dagdag ko bago salubungin ng tingin si Ate. "Mahina ang ulo ko,hindi ako maganda,mahina ang katawan ko at wala akong kayang gawin ate...pununong puno ako ng insecurities." Bulong ko bago ngumiti. "Pero si Racer kahit kapatid lang ang tingin niya sakin na dapat hindi ko binibigyan ng motibo ang ginagawa niya, sumasaya ako ate kasi ramdam na ramdam ko ang halaga ko kahit na simpleng yakap at nagiging human teddy bear niya ako sa gabi sobrang saya ko na kasi feeling ko may halaga ako." Dagdag ko bago lumingon kay Racer at salubungin ang mga berde nitong mga mata na sa unang pagkakataon nakita ko ng emosyon. "Sa maling sulok ka nakatayo Racer, nagkaugat at tumubo pero Racer sasamahan kita...wala na akong pakialam kung ano mang mangyari in future." Ani ko bago huminga ng malalim at ngumiti. "I have my own light now and I dont ever mind kung maubos yun sayo." Dagdag ko bago harapin si ate. "Kung pipiliin ni Racer ang daan na tinahak ng tatay niya in future ate...nangangako ako." Ani ko na kinalaki ng mata ni ate. Dahil ang salitang pangako sagrado para saming mga Lacson. "Ako na ang papatay kay Racer...at sa sarili ko." Dagdag ko na kinasinghap lahat ng tao sa silid na kahit na si Racer naramdaman ko ang panlalamig sa mga palad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD