3rd Person's POV;
"Kung natatakot ka sa binabalak ko ipapatay mo na ako ngayon." Walang buhay na sambit ng dalaga sa lalaking nakatayo pa din sa gilid niya ng makaalis at makapag paalam ang kapatid.
"Bakit sinabi yun? Alam mo ba ang ginagawa mo?" Nanggigil na tanong ng binata.
Imbis umimik umayos ng upo ang dalaga at ngumiti ng malapad sa binata.
"Nakapag desisyon na kasi ako hinding hindi ako aalis sa tabi mo sasamahan kita kahit na anong mangyari." Nakangiting sambit ng dalaga bago salubungin an berdeng mata ng binata.
"Hindi ko maipapangako kay ate na mapapabago kita pero oras na tumama ang pagpepredict ni ate sa mind set na meron ka ngayon gagawin ko ang pinangako ko Racer." Balewalang sambit ng dalaga bago tumingin sa labas ng bintana.
"Gusto mong malaman kung anong winish ko talaga nung araw na yun Racer?" Ani ko habang inaalala ang gabing yun.
"Winish ko nun ang tahimik na buhay kasama ka, makasama ka Racer." Bulong ng dalaga na kinabato sa kinatatayuan ang binata.
"Hindi ko kailangan ng mamahaling mga bagay Racer mga luho... ikaw ang gusto ko Racer kaya nga sumama ako dito kasi gusto ko matupad yun." Dagdag ng dalaga na kinangiti nito ng mapait.
"Pero kasabay ng pagtapak ko sa syudad ang pagharap ko sa katotohanan na sobra ng lawak ang mundo mo kaysa sakin..sobrang taas mo na wala akong magawa kundi tingalain kana lang." Ani pa ng dalaga bago lingunin ang binatang si Racer.
"Sabi nina Terrance sinusunod mo lahat ng gusto ko diba?pano kung sabihin kong ikaw ang gusto ko." Ani ng dalaga na kinatawa ng mahina ng binata bago humakbang palapit sa dalaga at umupo sa tabi nito.
"May choice pa ba ako?" Tanong niya ng binata na kinailing ng dalaga bago ngumiti at pasadahan ang mukha ng binata.
"Wag mo na ulit uuliting iwan ako Little one." Ani ng binata bago marahang haplusin ang sunog na bahagi ng mukha ng dalaga.
"Dahil mababaliw ako pag nawala ka at hindi ko na alam kung sa panonh paraan ko papaikutin ang mundo ko." Bulong ng binata na kinangiti ng dalaga.
---
"Basil anong nangyari sa mukha mo?" Tanong ng dalaga ng makita ang binatang pumasok sa kwarto niya na halos hindi na makilala dahil sa pasa sa mukha at ilang bali sa katawan.
"Wala Young lady may halimaw lang na bigla akong sinunggaban dahil sa tinakas ko daw ang prinsesa niya." Nakangiwing sagot ng binata habang paika ikang umupo sa sofa katabi ng binatang si Terrance na nagbabasa ng magazine.
"Nasa ospital na tayo dre try mo na din magpacheck up." Suhesyon ng binata na kinibit balikat ng lalaki bago magsindi ng sigarilyo.
"Malayo sa bituka." Sagot ng lalaki bago tumingin sa dalaga na nakaupo sa hospital bed at nakatingin sa dalawang binata.
"May naalala akong dapat kikidnap sakin anong nangyari pagkatapos ko mawalan ng malay?" Tanong ng dalaga na kinaangat ng tingin ng binatang si Terrance.
"Wag mo ng alalahanin yun Young lady siguradong sa oras na ito nasa harap na ng husgado ang mga demonyong yun." Ani ni Terrance na kinakunot ng noo ng dalaga.
"Husgado?ipapakulong ba sila?"
---
"R-Racer anong g-ginagaw---ackkkk!" Daing ng dalagang si Naomi ng pagbukas ng mansyon wala siyang kaano anong sakalin ng binata at ingat.
Kasunod ng paglabas ng mga tauhan ng dalaga ang pagpapaulan nina Drake ng bala sa loob ng mansyon.
"Binalaan na kita Naomi...wag na wag mong kakantiin si Aki." Nagdidilim ang anyong sambit ng binata habang mahigpit ang pagkakahawak sa leeg ng babae.
Pero bago pa ito mawalan ng hininga binitawan na ito ng lalaki dahilan para mapasalampak ito sa sahig.
"Naomi!" Sigaw ng matandang Buenaventura bago dali daling bumaba pero bago pa ito makalapit.
Napahiyaw sa sakit ang matanda ng matumba ito ng walang kaano anong putulin ng binatang si Basil ang katana na hawak dahilan para mapaluhod ito sa sahig at sumigaw sa sobrang sakit.
"P-Papa." Nahihirapang sambit ng dalaga habang halos gumapang ito palapit sa katawan ng ama.
"Ito ang nangyayari sa mga tumatraydor sakin Naomi...panoorin mo." Walang emosyong sambit ng binata bago hilahin ang buhok ng babae at iharap sa pwesto ng ama na kasalukuyang pinaliliguan ng gasolina ni Renzo.
"I can be your Savior and protector babe kaya kong maging good boyfriend sayo kung gugustuhin mo pero...iba ng usapan pag yung babaeng pinakamahalaga na sakin ang kinanti mo." Nakangising bulong ng binata.
"AHHHHHH!" Sigaw ng matanda na kinaiyak ng dalagang si Naomi ng nakita nito harap harapan ang pagliyab ng ama.
"Oops sorry nabitawan ko yung lighter." Pangisi ngising sambit ng dalagang si Maki.
"Mga hayop kayo!mga demonyo!" Sigaw ng dalagang si Naomi ng bitawan siya ng binata at masubsob sa sahig.
"Sa ngayon pagbibigyan kita Naomi na mabuhay dahil kahit papano may konsiderasyon ako sa naging relasyon natin pero oras na galawin mo ulit ang alaga ko...pasensyahan na tayo isusunod kita sa ama mo." Walang emosyong banta ng binata bago maglakad palabas ng mansyon kasunod ang mga tauhan.
"H-Hindi pa tayo tapos at sisiguraduhin kong sa pagbabalik ko papatayin ko kayong lahat dudurugin ko kayo katulad ng ginawa niyo sakin." Nagdidilim ang anyong sambit ng dalaga habang nakatingin sa nasusunog na katawan ng ama.