19

1049 Words
3rd Person's POV; "Gabi gabi kana lang nainom iho." "Nanay Teresita." Bulong ng binata bago umayos ng upo at salubungin ng tingin ang ginang na umupo sa upuang nasa harap niya at matamang tiningnan ang bote ng alak na nagkalat. "Simula ng mawala si Amber at dumating ka dito yan ng bote ng alak ang kasama mo." Komento ng ginang na kinatahimik ng binata. "May pagkakamali ba ako Nanay Teresita? May sinabi ba si Amber na galit siya sakin?" Tanong ng binata bago yumuko at tingnan ang bote sa harapan. "May pagkukulang ba ako? May hindi ba ako naibigay sakanya para bigla na lang niya ako iw---." "Iho ano bang klaseng tao ang pagkakakilala mo sa alaga ko?" Tanong ng ginang na kinatahimik ng binata ng ilang segundo. "H-Hindi ko alam basta ang alam ko lang pag may gusti siya sinasabi ni---hindi na ngayon." Bawi agad ng binata na kinangiti ng ginang. "Hindi na kayo mga bata Iho hindi na siya yung Amber na iniwan mo dito." Ani ng ginang na kinaangat ng tingin ng binata. "Hindi na mga materyal na bagay ang kailangan niya ngayon hindi na siya nagagandahan sa mga kulay at makikinang ba bagay na binibigay mo kaya nga sumama siya sayo diba? Dahil hindi na siya kuntento sa bagay na nakikita at nahahawakan niya." Makahalugang sambit ng ginang. "Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ng binata na kinailing ng ginang bago dumampot ng isang bote. "Isipin mong ito ang boteng ito si Amber." Ani ng ginang. "Kung may sarili itong buhay at bote naman siyang alak pero pilit mo siyang pinupuno ng tubig sa tingin mo matutuwa siya?" Tanong ng ginang na kinatahimik ko. "Hindi tubig ang kailangan ni Amber katulad ng binibili mo kung saan saan malinis man yun at natural mabili mo man yun ng mataas ng halaga tubig pa din yun at hindi yun ang makakapag kumpleto sa bote ng alak na ito at kay Amber." Dagdag ng ginang. "Katulad ng alak kailangan ni amber ng masusi at kakaibang mga sangkap para makagawa ng masarap at malasang alak ganun din si Amber kailangan niya na ng pagmamahal,alaga,tiwala at kasama at lahat yun hindi na mabibili ng pera mo." Ani ng ginang na kinabato ng binata sa kinauupuan niya. "Iniwan niya ang tahimik na lugar ito para sayo, sumama siya sayo kahit alam niya ang mga posibilidad at katotohanang haharapin niya sa mundo mo sinakripisyo niya ang karangyaan at katahimikang binigay mo dahil sa bagay na gusto niyang ibigay mo hindi ng bulsa mo" dagdag pa ginang. "Kaya kung hindi mo kayang ibigay yun sakanya mas mabuting hayaan mo na si Amber iho, masyadong malawak ang mundo mo sa simple at maliit na mundo ng alaga mo kung hindi mo kayang ibigay yun kay Amber hayaan mong mahanap niya yun sa ibang tao." Ani ng ginang bago tumayo at naglakad paalis. "Sakit nun." Komento ni Terrance ng marinig ang mga sinabi ng ginang. "Pero yun talaga ang makakabuti sakanilang dalawa lalo na kay Amber." Sabat ni Maki na kinatahimik ng apat na lalaki. --- "Guys!kinokontak tayo ni Basil, natrack ko na siya!" Sigaw ni Floid na kinatingin ng apat na nakaupo sa sofa. "Sinabi niya bang kasama niya si Amber?" Tanong ng dalaga habang naglalakad palapit sa binata. "Hindi pero siguradong alam niyang hinahanap natin siya at pupunta tayo dun." Ani ni Floid. "Drake puntahan mo si boss sabihin mo nakontak na si Basil at pupunta tayo kung nasang impyerno ang hayop na yun." Ani ni Terrance bago tumayo at magdial ng number. "Fourth kailangan namin ng tauhan dito sa mansyon magpadala ka." Utos ng binata ng sumagot ang nasa kabilang linya. "Basta kailangan namin dito! pag hindi ka pa kumilos makakarating ito kay boss at ikaw ang ipapasunog ko ng buhay tangna ka!" Bulyaw ng binatang si Terrance bago patayin ang tawag. "Floid saan ang exact location?" Tanong ni Renzo bago tumayo at damputin ang baril na nasa coffee table. ---- "A-Ano ng gagawin ko?" Nanlulumong sambit ng dalaga bago umupo sa gutter ng kalsada at tumingin sa mga taong nadaan. "Ubos na ang pera ko sa pagdodown ng pera sa mga paupahan nagugutom na din ako at hanggang ngayon wala pa akong nahahanap na trabaho." Naiiyak na tanong ng dalaga sa sarili. "Ayoko naman ng bumalik pero pag ako bumalik tatanggapin pa kaya ako ni Racer?" Nag aalalang sambit ng dalaga hanggang sa umiling iling ito at sumubsob sa gitna ng mga tuhod. "Hindi ako babalik ayoko ng makagulo kay Racer." Bulong ng dalaga bago mahigpit na hawakan ang damit sa harap ng kaliwang dibdib niya. "Mas magiging masaya siya pag si Naomi ang kasama niya, safe at bagay silang dalawa." Dagdag pa ng dalaga hanggang sa---. *Screeeeeechhhhh!* Napaangat ng tingin ang dalaga ng may humintong kotse sa harapan niya at may mga lumabas na black in men. "Sino kayo?!bita---argghh!" Daing ng dalaga ng may lalaking sumuntok sa sikmura ng dalaga para hindi ito makapalag at maisakay sa kotse. 'Yung babae nakidnap!' "Umalis na tayo bil---ahhh!" Napatili ang mga tao sa paligid ng makita nilang may napakagwapong lalaki ang bigla na lang sumulpot at walang kaano anong putulin ang ulo ng isa sa mga balak kumidnao sa dalaga. "Tauhan ni Mr. Griffin patayin niyo!" Sigaw ng lalaking nasa loob ng kotse habang hawak ang katawan ng dalagang walang malay. "Sawa na ba talaga kayo sa buhay niyo ha?" Nakangising sambit ng binata habang pinaiikot ang katana nito sa isang kamay at walang kaano anong iwasan ang mga bala. "Argh!!" Daing ng isa sa dalawang lalaki ng iwasiwas ng binata ang espada nito at tumalsik kung saan ang dalawang paa ng lalaki. "Demonyo ka!" Sigaw ng lalaking nasa likuran ng nangangalang Basil bago tumakbo at sasaksin nito ang binata mula sa likod ng sa isang iglap nahati ito sa dalawa na kinatili ng mga tao sa paligid at kinatakbo ng mga ito papalayo. "Demonyo! Demonyo!" Sigaw ng lalaking galing sa loob ng kotsw bago nanakbo patawid ng kalsada pero bago pa tuluyan itong makalayo may humaharurot na motor na bigla na lang dumaan at binangga ang lalaki. "Killing in public ha?" Bulong ng taong nakasakay sa motor bago tanggalin ang suot nitong helmet pagkahinto nito sa hindi kalayuan. "Ikaw nanaman." Walang emosyong komento ng binatang si Basil ng makita ulit ang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD