CHAPTER 7

1001 Words
Felix's POV Habang nagkaklase hindi ako makapag-focus sa discussion dahil kung ano - ano ang pumapasok sa isip ko. Ni hindi ko nga alam kung matutuwa o maiinis ako e. Oo nga at mukhang okay naman kami ni Lana kahit hindi pa kami nagkakausap dahil maayos naman kaming nakapagusap kanina pero di ko maiwasan na mainis. Paano ba naman kasi, napakagaling ng kaibigan ko na wala nang iba kung hindi si Dean. Kung ano - ano ba naman ang pinagsasasabi kanina kay Lana samantalang mag-uusap palang sana kami ng tungkol sa nangyari kahapon. Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip ko 'yon at di ko namalayan na nakatingin na pala ko ng masama sa katabi ko na si Dean, dahil naiirita ako sakanya. Nakaramdam siguro siya dahil dahan dahan pa siyang lumingon sa akin at bahagya pa siyang nagulat na ikinatawa ko. "Oh, bakit ang sama mo makatingin diyan?" Nagtatakang tanong sa akin ni Dean habang nakakunot pa ang noo niya. "Nagtatanong ka pa talaga ano? Napakadaldal mo bwisit ka" Inis na sabi ko sakanya. "Ahh, naiinis ka dahil inunahan kita?" Nang-aasar na tanong ni Dean sa akin. "Hindi ko naman natuloy yung sinasabi ko dahil binatukan mo ko e" Nagrereklamo na dugtong ni Dean sa tanong niya sa akin kanina. "Dapat lang 'yon sayo dahil sa kadaldalan mo" Natatawang sagot ko sakanya. "Pero pre, mukhang okay naman ah?" Biglang pag-iiba ni Dean ng usapan. "Ang alin?" Nagtatakang tanong ko sakanya. "Kayo ni Lana. Kasi kanina napansin kong normal naman kayo mag-usap at mukhang hindi naman siya naiilang. Akala mo nga walang nangyari kahapon at saka mukha din namang hindi niya naintindihan yung huli kong sinabi kanina" Pagpapaliwanag ni Dean at natawa pa siya sa sarili niya dahil sa huli niyang sinabi. "Hoy dalawang siraulo na kanina pa daldal ng daldal, pwede makinig na muna kayo? Pag kayo nasita at napagalitan pagtatawanan ko talaga kayo" Biglang pabulong na sabat ni Cole sa usapan namin ni Dean. "Ito naman, sana hinayaan mo nalang at hindi mo na pinagsabihan yung dalawa na yan. Hinihintay ko nga silang mapansin at mapagalitan e" Sita ni Avin kay Cole habang tatawa - tawa pa. "Baliw ka talaga ano? Sana hindi ka nalang ulit pumasok ngayong araw" Nang - aasar na sabi ni Dean kay Avin. Hindi ko na sinagot yung sinasabi ni Dean kanina at tinawanan ko nalang sila Cole at Avin at nakinig nalang ulit sa discussion. Mabuti nga at hindi kami napansin na nagdadaldalan dahil nasa bandang likod naman kami at hindi naman kalakasan ang boses namin nila Dean habang nag-uusap. Pagkatapos ng discussion saktong pagkalabas ng teacher namin sa room ay bigla akong kinausap ni Cole. "Pre, anong meron sainyo ni Lana? Narinig ko binanggit siya ni Dean kanina e" Tanong ni Cole sa akin. "Wala" Simpleng sagot ko sakanya dahil wala naman talaga. "Hindi nga? Talaga ba? Ikaw ha, kahapon mo lang nakilala bet na bet mo na kaagad hinay - hinay hoy" Pang - aasar sa akin ni Cole. "Wala naman nga. Inaya ko lang siya na mag-picture kami nung nag-timezone kami nila Dean kahapon. Hindi ba nabanggit ni Dean sainyo?" Nagtatakang tanong ko sakanya. "Ahh, nabanggit lang kasi sa amin kahapon ni Avin na nag-gala daw kayo pero hindi naman sinabi kung saan" Sagot ni Cole at nag-cellphone na siya pero maya - maya, bigla siyang umayos ng upo at tumingin sa akin na para bang natauhan siya. "Bakit? Napapano ka?" Nagtatakang tanong ko sakanya. "Teka, sinabi mo ba na nag-picture kayo ni Lana?" Biglang tanong ni Cole sa akin. "Oo, nakikinig ka ba talaga sa mga sinasabi ko" Sagot ko sakanya. "Pumayag si Lana?" Tanong ulit ni Cole na mukhang hindi parin yata nag-sisink in sakanya yung mga sinasabi ko. "Oo nga ano ka ba" Natatawang sagot ko sakanya dahil nakakatawa na yung itsura niya dahil parang hindi siya makapaniwala. "Grabe ka hoy sabi ko hinay hinay ka lang e!" Biglang sigaw ni Cole sabay akbay sa akin at pinaghahampas pa ako. "Hoy manahimik ka nga" Biglang sabi ko sakanya dahil baka mapansin ni Lana na pinapagusapan namin siya, nakakahiya. Nanahimik naman si Cole pero nang-aasar padin dahil patingin tingin siya sa akin habang tumatawa. Maya maya lang ay nagtanong siya. "Eto pre last na promise, may gusto ka ba kay Lana?" Tanong ni Cole. "Hindi ko alam" Simpleng sagot ko sakanya. "Ay, delikado ka na" Nang-aasar na sabi ni Cole. "Pinagsasasabi mo" Natatawang sagot ko sakanya dahil kung ano - ano na naman ang sinasabi niya. "Pero Felix, mabait naman 'yon si Lana. Madali rin siyang pakisamahan. Kahit yung mga kaibigan niya ganun din naman, kaya hindi ako nagtatakang nagkainteres ka sakanya. Kaya kung magkainteres din siya sayo, ang swerte mo. Kaso nga lang kung gugustuhin mo na ligawan siya baka mahirapan ka" Natatawang sabi ni Cole. "Bakit naman? Hindi pa ba siya nagka-boyfriend?" Curious na tanong ko kay Cole. "Makapagsalita ka akala mo naman nagka-girlfriend ka na. Pero nagka-boyfriend na si Lana, last school year nga lang 'yun e. Pero kung magtatanong ka ng tungkol sa nangyari sa relasyon nila na 'yon, si Lana nalang siguro ang tanungin mo pag naging close na talaga kayo. Hindi din kasi maganda ang nangyari sakanila kaya hindi tama na sa akin manggaling yung kwento tungkol don" Pagpapaliwanag ni Cole sa akin. "Ay oo nga pala, huwag mo din pala sana sabihin na nabanggit ko yung tungkol doon ha? Kahit kay Dean at sa iba pa nating mga kaibigan lalong lalo na sa mga kaibigan ni Lana" Dugtong ni Cole sa sinabi niya kanina. "Oo, naiintindihan ko naman kahit hindi mo na ako paalalahanan" Natatawang sagot ko sakanya dahil halata sa itsura niya na malalagot talaga siya sakanila pag nalaman nila na nabanggit niya 'yun sa akin. Pagkatapos namin mag-usap ay sakto naman na pumasok na sa room yung teacher namin para sa susunod na subject. Habang nagkaklase, hindi ko sinasadya na mapatingin kay Lana at mapa-isip ng kung ano - ano tungkol sa hindi sinasadyang nabanggit ni Cole sa akin kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD