CHAPTER 8

1021 Words
Lana's POV Pagkalabas ng teacher namin after discussion nag-aya na din kaagad sila Lope na pumunta na sa cafeteria. Hindi ako sumama sakanila dahil may baon akong egg sandwich na ginawa ni mama kanina kaya nag-decide nalang sila na sila nalang ang pupunta at bibilisan nalang daw nila para may kasabay akong kumain. Pagkalabas nila ng room kinuha ko muna ang cellphone at earphones ko dahil makikinig muna sana ako ng music nang may biglang tumabi sa akin. Paglingon ko sa tabi ko ay si Felix lang pala. Nagtaka ako dahil nang tignan ko kung saan sila nakaupo nila Cole wala na din dun ang mga kaibigan niya at saka ko lang napansin na kaming dalawa lang pala ang naiwan sa room. "Bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo na bumaba? Hindi ka gutom?" Nagtatakang tanong ko sakanya habang abala ako sa cellphone ko. "Gutom, pero mag-uusap tayo hindi ba?" Kaagad na sagot ni Felix sa akin. "Ay oo nga pala" Biglang pagkaka-alala ko dahil nalimutan ko na mag-uusap nga pala kami ngayong recess. "Nalimutan mo na kaagad? Palibhasa seryosong seryoso ka kaninang discussion e" Natatawang sabi ni Felix. "Pwede ka namang bumili muna bago tayo makapag-usap" Pag-iiba ko ng topic namin dahil sinabi niya din naman kanina na nagugutom siya e bakit hindi siya bumaba. "Nagpasabay ako kay Dean. Mabilis lang naman daw kasi sila. Alam din naman kasi nila na kakausapin nga kita" Sagot ni Dean sa akin. "At saka hindi naman kita makakausap ng maayos kung nandito yung mga 'yon. Lalo na yung dalawang magulo. Aasarin lang nila tayo kaya mas mabuti nang bumaba sila" Dugtong pa ni Felix sa sinabi niya kanina. "Sorry nga pala, sa kahapon" Bigla kong sabi sakanila dahil baka bumalik na sila Lope at Dean. Mahihiya na kong mag-sorry pag nandito na yung mga kaibigan namin. "Okay lang naman 'yun, sorry din inaya pa kita. Sana tumanggi ka nalang kung ayaw mo naman pala" Nagtatawang sabi ni Felix. "Hindi naman sa ayaw, nagtaka lang siguro ako kung bakit ka nag-aya na mag-picture" Pagpapaliwanag ko sakanya. "Nabigla ka ba? Pasensya na" Sagot ni Dean. "Okay na ha? Yun na 'yun" Natatawang sabi ko dahil pakiramdam ko ang gaan na ng loob ko. "Akala ko magiging awkward tayo, or yung literal na hindi mo na ko papansinin" Biglang sabi ni Felix. "Akala ko din pero hindi naman ako ganon grabe ka. Sayang nahiya lang siguro ako kaya lumabas nalang ako kaagad ng Photobooth nun" Pagpapaliwanag ko sakanya ulit dahil pakiramdam ko pareho lang naman siguro kami na kung ano - ano ang inisip nung time na 'yun. "Hindi mo manlang nga tinignan yung pictures" Natatawang sabi ni Dean na ikinatawa ko nalang din. "Eh nahihiya nga kasi ako, pero kinuha mo naman hindi ba?" Tanong ko bigla sakanya. "Malamang kinuha ko, gusto mo makita?" Natatawang sabi niya dahil malamang nga naman kukunin niya 'yon kaya nga siya nag-aya na mag-picture e. "Ano ba namang tanong 'yun Lana" Isip - isip ko tuloy. "Dala mo ba?" Tanong ko kay Felix. "Hindi" Simpleng sagot niya na ikinabigla ko. "Eh bakit mo ko tatanungin kung gusto ko makita eh hindi mo naman pala dala?" Halos pasigaw na tanong ko sakanya. "Tinatanong ko lang naman bakit ka nagagalit?" Nang-aasar na sagot niya habang tatawa - tawa pa. "Hindi ka na kasi sana nagtanong kung hindi mo naman pala dala" Naiinis na sagot ko sakanya dahil tinatawanan niya parin ako. "Mamaya isesend ko sayo" Bigla niyang sabi. Hindi na ako nakasagot dahil dumating na sila Lope at kasabay na din nila sila Dean. Pare-pareho pa silang mga mukhang nabigla at nagtataka habang nakatingin sa aming dalawa ni Felix na ipinagtaka din tuloy namin kung bakit sila ganun makatingin. "Bakit?" Halos sabay pa namin na tanong ni Felix sakanila. "Hala kaya pala hindi sumamang bumaba" Nang-aasar na sabi bigla ni Avin sabay takip pa sa bibig na akala mo ay nagulat talaga siya. "Pre, ano meron? Kayo na?" Bigla namang tanong ni Cole na akala mo lutang. "Tumigil nga kayo, ni hindi pa nga siya umaamin eh" Sabat naman ni Dean. "Lahat kayo walang sinabing matino" Naiinis na sabi ni Felix. "Bakit kayo magkasama?" Tanong ni Lope habang paupo siya sa tabi ko. "Nag-sorry lang sa isa't - isa" Natatawang sagot ko sakanya. "Yung tungkol ba sa kahapon?" Tanong ni Vanessa sabay hingi sa kinakain ni Lope. "Oo yun nga" Simpleng sagot ko habang tinatanggal ko ang balot ng egg sandwich ko. "Dito nalang din muna kami ha" Sabi ni Dean habang hatak - hatak ang isang upuan at tumabi siya kay Vanessa. Ganun din ang ginawa nila Avin at Cole at habang kumakain kami, hindi parin nila tinitigila na asarin si Felix na hindi nalang pinapansin ng isa. "Close na pala kayo nila Cole at Avin?" Nagtatakang tanong ko kay Felix na si Cole ang sumagot. "Naging ka-close namin siya kasi palagi siyang pinapapunta ni Dean kapag andon kami sa bahay nila kaya nakasundo na din namin siya" Simpleng sagot ni Cole sa akin. "Hindi nga namin inakala na mag-tatransfer siya dito eh, last school year na din naman kasi ng Junior High School" Sabat naman ni Avin. Pati tuloy ako napaisip kung bakit nga ba nag-transfer si Felix sa school namin nang bigla siyang sumagot ng "Gusto ko lang". "Ayaw mo ba sa school mo dati?" Curious na tanong ni Ry kay Felix. "Mas gusto ko lang siguro na kasama sila Dean. Mga pili lang din naman kasi yung mga ka-close ko doon sa dati kong school dahil iba yung mga ugali nila" Sagot ni Felix. "Ano ka ba gusto mo lang pala akong kasama, gusto mo dun ka na din sa amin tumira? Share tayo sa kwarto ko?" Nang-aasar na sabi ni Dean habang kunwari ay kinikilig pa sabay yakap sa braso ni Felix. Sumunod namang nang-asar din sila Cole at Avin at yumakap din at humalik - halik din pa sa pisngi ni Felix na ikinakabwisit na ng isa. Nagtatawanan nalang kami nila Lope habang pinapanood lang sila dahil natatawa din kasi kami sa itsura ni Felix na inis na inis na sa mga kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD