CHAPTER 6

1132 Words
Lana's POV Habang naglalakad papunta ng school hindi ko maiwasan na kabahan at mapa-isip ng kung ano - ano. Paano ko ba siya kakausapin? Ako ba magsisimula? Ako ba unang lalapit at kakausap? Papansinin niya kali ako? "Ugghhh!" Inis na sigaw ko pero natauhan naman ako bigla dahil nasa daan nga pala ako, nahihiya tuloy akong nagpatuloy sa paglalakad. Mabuti nalang walang nakakita sa kabaliwan na ginawa ko. Kahit tuloy si mama nagtataka kanina bago ako umalis ng bahay. Bakit nga daw ba ang aga ko. Ni hindi ko nga din alam ang isasagot sa tanong niya e. Pwede naman kasi na magpa-late nalang ako second day lang naman, at saka pwede ko naman siya kausapin ng break time pero bahala na, saka na ako mag-iisip pag makakausap ko na siya. Nang papalapit na ako sa school napansin ko na may tumigil na tricycle sa may tapat ng main gate at nabigla ako nang si Felix ang bumaba doon. "Pag minamalas ka nga naman" Mahinang sambit ko at nagmamadaling tumawid na kaagad at tumakbo papasok ng main gate. Hindi ko alam kung minamalas nga ba talaga ako o halata lang ako dahil pagkapasok ko palang ng main gate, narinig kong tinawag ako ni Felix. "Act normal" Mahinang sambit ko sa sarili ko bago humarap sakanya at nagtanong kung bakit niya ko tinawag. "Sabay na tayo papuntang room" Sagot sa akin ni Felix. Pumayag nalang ako dahil wala naman akong dahilan para tumanggi. Tahimik lang naman kami pareho habang naglalakad papunta ng room at nang papasok na sana ako ng room, biglang nagsalita si Felix. "Lana pwede ba tayo mag-usap mamaya?" May sasabihin lang sana ako" Sabi ni Felix sa akin. "Pwede naman" Sagot ko sakanya ng nakangiti bago ako tuluyang pumasok sa room. Habang naglalakad papunta sa upuan ko, kung ano - ano nanaman tuloy ang pumasok sa isip ko. Ako lang ba ang kinakabahan kapag sinasabihan ako na may gusto silang sabihin sa akin? Kahit pa pamilya o kaibigan ko ang nagsasabi nun hindi ko talaga maiwasan na kabahan. Lalo pa kali ngayon na si Felix ang nagsabi. Dahil kung ano - ano nga ang iniisip ko, hindi ko napansin na nasa room na pala si Lope. Napansin ko lang siya nang paupo na ako. "Hala, bakit ang aga mo?" Nagtatakang tanong sa akin ni Lope. "Maaga kasi akong nagising kaya maaga nalang din ako pumasok" Simpleng sagot ko sakanya habang nakangiti. Mukha namang naniwala siya sinabi ko dahil iniba niya na ang topic nang magtanong siya ng kung sa tingin ko ba ay papasok na sila Cole at Avin ngayon. Sumagot nalang ako ng hindi ko alam dahil mas tamad pa yung dalawa na yun sa akin. Hindi ko napansin na tinawag ni Lope si Felix dahil abala ako sa paghahanap ng cellphone ko sa bag ko. Napansin ko lang na kausap niya na si Felix dahil nakaupo na siya sa harap namin. "Lope naman e!" Isip isip ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi nalang ako nakisali sa usapan nila at nanahimik nalang ako. Habang abala ako sa cellphone ko biglang tumayo si Lope at nagpaalam na pupunta siya sa CR. Tumango nalang ako bilang sagot at nang makalabas na si Lope sa room mahinang nagsalita si Felix. "Lana, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya sa akin. "Tungkol saan?" Simpleng sagot ko kahit na parang alam ko naman na kung ano ang papagusapan namin. Sasagot na sana si Felix nang biglang natigilan siya dahil sa biglaang pagpasok ni Dean sa room at masiglang sumigaw ng good morning. After non, patakbo siyang lumapit sa amin at umakbay kay Dean sabay sabing "Ano pre nakapagusap na ba kayo? Nagsorry ka na?". "Ha?" Sagot ni Felix kay Dean bago nag-aalangan na tumingin sa akin. "Anong ha? Diba sabi mo kakausapin mo si Lana. Tapos na no? Bati na kayo?" Natatawa pa na sabi ni Dean. Hindi pa nakakasagot si Felix nang dugtungan na naman ni Dean ang mga tanong niya at nag-kwento pa. "Alam mo Lana, kahapon pa nag-iisip ng kung ano-ano 'to, paglabas mo palang ng Photobooth. Paano ba naman kasi sinabi ko naman na okay lang 'yun at makakausap ka parin naman niya ng normal ayaw pa maniwala sa akin. Tignan mo ngayon okay na kayo. Sabi niya nga nagkakainte- aray!". Hindi na natapos ni Dean ang pagkekwento niya dahil bigla siyang binatukan ni Felix sabay sabi nang "Manahimik ka na pre" nang nakangiti. "Bakit mo naman ginawa 'yon? Nagkekwento lang naman yung tao e!" Reklamo ni Dean habang hinahawak hawakan ang parte ng ulo niya na binatukan ni Felix. "Mag-uusap palang kami nang biglang kang pumasok at sumigaw bwisit ka" Inis na sabi ni Felix. "Ay ganun ba" Biglang sagot ni Dean sabay napakamot sa ulo na para bang natauhan siya sa mga pinagsasasabi niya kanina. Hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil sa usapan ng dalawang nasa harap ko. Dahil tawa ako ng tawa, napatingin na silang dalawa sa akin. "Pasensya na, nakakatawa lang kasi yung reaksyon at usapan niyong dalawa e" Paliwanag ko dahil nakatitig na sila sa akin. "Mamaya nalang din pala tayo mag-usap, may sasabihin din ako" Nakangiting sabi ko kay Felix. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga pinagsasasabi ni Dean kanina pero nabawasan na ang kaba na nararamdaman ko. Mukhang hindi lang pala ako ang kung ano - ano ang iniisip simula kahapon. Nagkekwentuhan padin kami nila Dean nang pumasok si Lope at kasama niya na sila Cole at Avin. "Oy, buti naman at mga nagsipasok na kayo!" Pasigaw na sabi ni Dean at tumakbo sa dalawa sabay niyakap ang mga ito. Habang natatawang nakatingin ako kay Dean at sa iba pa naming kaibigan, nabigla ako at napatingin kay Felix nang may tumapik sa braso ko dahil siya lang naman ang nasa harapan ko, alam ko na kaagad na siya ang gumawa nun. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko sakanya. "Kailan tayo mag-uusap?" Tanong niya sa akin. "Gusto mo ngayon na?" Nang-aasar na sagot ko sakanya. "Ha? Dito? Ngayon na mismo?" Biglang sagot ni Felix. "Hindi biro lang, mamaya nalang sigurong break time" Natatawang sagot ko sakanya. "Sige ikaw bahala" Nakangiting sagot ni Felix sa akin. "Ano ba naman 'tong lalaki na 'to halatang mas maraming inisip na kung ano - ano kahapon kaysa sa akin" Isip isip ko habang napapailing dahil natatawa ako sa reaksyon ni Felix kanina. Pero dahil sa pag-uusap namin kanina, at sa kabaliwan ni Dean na kung ano - ano ang pinagsasasabi kanina, nawala na ang kaba ko at mga iniisip ko. Lalo na yung pinakainiisip ko na baka maging awkward kami ni Felix sa isa't isa dahil sa itsura ng sitwasyon ngayon, mukhang malabo naman na mangyari 'yon. Mag-uusap nalang kami mamaya pag break time na para makapagsorry na ako ng maayos sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD