CHAPTER 11

1013 Words
Felix's POV Habang naglalakad ako papasok sa school iniisip ko parin yung nangyari kahapon nung naglalakad kami pauwi nila Dean. Nairita nalang tuloy ako bigla nang maalala ko yung pagmumukha ng lalaking 'yon na ex-boyfriend daw pala ni Lana. "Yabang, akala mo naman kung sino" Naiiritang bulong ko nalang sa sarili ko. Nang paliko na ako sa may 7/11 may narinig akong mga lalaki na nagkekwentuhan sa may tapat ng 7/11 at nang pagkatingin ko, yung mga lalaki 'yun na kasama ng mga dating kaibigan daw nila Lana. Napansin ko na kasama din nila yung ex-boyfriend ni Lana kaya lalo tuloy akong nairita. Kaya pala may naririnig akong pamilyar na boses dahil nandun siya. Habang naglalakad iniisip ko na sana malampasan ko na sila kaagad at hindi na sana nila ako mapansin dahil ayokong mawala sa mood lalo, kaaga-aga eh masisira na kaagad ang araw ko. "Hoy, tropa ni Dean!" Narinig kong sigaw ng ex-boyfriend ni Lana sa akin nang patawid na ako dahil nga pamilyar ang boses, alam ko na siya ang sumigaw nun. Hindi ko na sila pinansin o nilingon manlang at tumawid na ako kaagad dahil ayoko pumatol sa mga papansin na tao. "Kalalaking tao napakapapansin, ang ingay ingay pa" Iritadong bulong ko sa sarili ko habang naglalakad palapit sa main gate. Nang papasok na ako sa main gate naramdaman ko na parang may humihila sa bag ko. Naiiritang lumingon ako dahil akala ko yung ex-boyfriend o yung mga tropa nun yung humihila sa bag ko dahil hindi ko nga sila pinansin kanina pero nabigla ako nang nakita ko na si Lana pala 'yun. "Ay, sorry" Biglang sabi kaagad ni Lana at bahagya pa siyang napaurong dahil napansin niya ata na naiirita ako. "Pasensya na, akala ko kasi ibang tao kaya nairita ako" Kaagad na sabi ko dahil hindi ko naman talaga inaasahan na siya 'yun. "Bakit naman kasi ang aga-aga wala ka na kaagad sa mood?" Natatawang tanong ni Lana sa akin habang sabay kaming naglalakad papunta sa room. "Wala, akala ko kasi yung mga papansin kanina yung humahatak sa bag ko" Nakangiting sagot ko sakanya pero sa loob ko hiyang hiya na ako dahil sa inakto ko. "Ay, sige" Maikling sagot ni Lana habang nakangiti kahit na halata naman sa itsura niya na hindi niya naintindihan yung sinabi ko kaya basta um-oo nalang siya. "Nakakairita naman kasi yung mga lalaki na 'yun, nairita tuloy ako kay Lana ng walang dahilan mga bwisit" Isip isip ko habang naglalakad kami, nakakahiya naman kasi yung ginawa ko gusto ko nalang tuloy mawala sa mundong ibabaw. Mabuti nalang talaga at hindi nakita ng mga kaibigan ko yung ginawa ko. Kung hindi aasarin na naman ako ng malala ng mga 'yun, lalo na si Cole. Pagkapasok namin sa room nandun na kaagad sila Lope at inasar pa nila si Lana dahil ang aga daw yata niya na pumasok. Hindi ko nalang namalayan na napangiti pala ako dahil nung pagkapasok namin, nung nakita niya palang yung mga kaibigan niya e tumakbo na siya kaagad palapit sakanila ng nakangiti. "Tumabi ka muna sa amin, wala pa naman sila Dean eh" Nakangiting sabi ni Lana bago tuluyan nang umupo sa tabi nila Lope. Ginawa ko naman yung sinabi niya at tumabi din muna ako sakanila. Wala din naman ako gagawin ng mag-isa ako dahil wala pa naman nga sila Dean. Abala ako sa cellphone ko nang biglang nagsalita si Vanessa. "Nakatambay na naman sila sa may tapat ng 7/11 kanina ah" Biglang sabi ni Vanessa na parang na-gets ko kaagad kung sino yung tinutukoy niya at bahagya akong napatingin kay Lana dahil katabi ko lang naman siya at napansin ko na parang naiinis siya. "Huwag mo nalang pansinin yung mga 'yun" Paalala naman ni Ry kay Vanessa. "Wala naman talaga akong balak na pansinin sila eh kaso tinawag ba naman ako tapos nagtanong if kamusta na daw si Lana? Siraulo yata" Naiiritang sabi ni Vanessa. "Hala? Ang kapal kamo talaga ng mukha ng lalaking 'yun" Sabi naman ni Lope. "Hindi ko nga maintindihan kung bakit ba ginugulo parin nila si Lana. Nananahimik na nga tayo eh, lalo naman si Lana. Bakit hindi pa nila tigilan. Everytime nalang na makita nila tayo si Lana agad papansinin nila mga hindi na nahiya sa pinaggagagawa nila kay Lana dati" Dagdag pa ni Vanessa sa sinabi niya kanina. "Yun nga yung nakakatawa sakanila eh. Sila na nga yung may nagawang mali, sila pa yung mga nagpapapansin. Pag pinansin mo naman, sasabihin nananahimik na daw sila" Natatawang sabi ni Lope. "Huwag niyo na ngang pag-usapan yung mga 'yun. Sinisira niyo lang yung araw niyo eh ang aga-aga mga walang kwentang tao yung pinapagusapan niyo" Sabat ni Lana. "Hindi ka ba naiinis sakanila?" Nagtatakang tanong ko kay Lana at halata na nagulat siya sa tanong ko pati na rin sila Lope. "Kilala mo ba yung mga tinutukoy namin?" Nagtatakang tanong ni Lana sa akin. "Oo, yung mga kaibigan niyo dati" Sagot ko naman kaagad sakanya at lalo pa siyang nagulat dahil sa sinagot ko kaya hindi ko sinasadyang matawa sakanya. "Paano mo sila nakilala?" Tanong kaagad ni Lope sa akin. "May hindi kasi ako sinasadya na nabunggo na babae kahapon nung paliko kami sa 7/11 habang pauwi kami nila Dean tapos sinabi ni Dean na mga kaibigan niyo daw yun dati. Niyabangan pa nga kami nung isa kaya lalong nainis sila Dean" Kwento ko sakanila ng nangyari kahapon. "Sino naman yung nagyabang?" Nagtatakang tanong ni Lana. "Ex-boyfriend mo daw sabi nila Dean" Sagot ko kay Lana habang nakatingin sakanya. "Huwag mo nalang papansinin yung mga 'yun ha? Pasensya na may pagkapapansin kasi talaga yung mga 'yun, lalo na yung lalaking na 'yun" Halatang naiinis na sabi ni Lana. "Bakit kailangan mong humingi ng pasensya dahil sa ginawa niya?" Naiiritang sabat ni Ry. "Nakakahiya lang kasi na pati ba naman si Felix ginaganun nila" Sagot kaagad ni Lana kay Ry. "Buti nalang pala hindi ko nasabi yung nangyari kanina, baka mamaya lalo lang sila mairita" Isip isip ko dahil muntik ko nang mabanggit sakanila yung ginawang pagtawag sakin kanina nung ex-boyfriend ni Lana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD