CHAPTER 10

1276 Words
Lana's POV After ng huling klase namin, habang nag-aayos ng mga gamit biglang nag-aya si Ry na mag 7/11 muna kami bago tuluyan na umuwi dahil nagugutom daw siya bigla. "Dun ka nalang sa bahay niyo kumain, ayan ka na naman sa katakawan mo eh" Nang-aasar na sabi ni Vanessa habang binibilang kung ilan pa ang natitira niyang pera sa wallet niya. "Hindi naman ganun karami yung homeworks natin so pagbigyan niyo na si Ry, reklamo pa kayo baka nga mamaya mas marami pa yung mabili natin kaysa sakanya eh" Natatawa namang sabi ni Lope. "Tara na nagugutom na din ako eh, wag na kayo mag-ayos dahil mabubura lang din naman yung mga liptint niyo pag kumain na tayo" Aya ko sakanila dahil mga nagsisipag-ayos pa sila eh nagugutom na din naman ako. Aayain pa sana namin sila Felix dahil kanina pa rin namin naririnig si Dean na nagrereklamo habang nagkaklase na nagugutom na daw siya pero napansin namin na wala na pala sila sa room. Umuwi na siguro sila kaagad. Habang pababa ng hagdan iniisip ko na kaagad kung ano - ano yung mga bibilhin ko dahil nagugutom na talaga ako. Hindi din naman kasi kami mga nakapag-recess ngayong hapon dahil may tinapos kaming gawin dahil dapat daw ay maipasa yun kaagad. "Second day palang ang dami nang ganap" Pabulong na reklamo ko dahil ang dami dami namin kaagad na ginagawa na hindi ko in-expect dahil second day pa nga lang. "Saka ka na mag-reklamo dahil panigurado mas marami pa ang mga gagawin natin" Natatawang sabi ni Lope dahil narinig niya pala ako. "Share - share naman tayo sa mga bibilhin natin diba?" Tanong ni Ry habang palabas na kami ng main gate. "Malamang, tinatanong pa ba 'yun?" Natatawang sagot ni Vanessa. "Tara na dalian niyo gutom na ako!" Biglang sigaw ni Ry habang patakbo na tumawid papuntang 7/11. Natatawa nalang tuloy kami na sumunod sakanya dahil baka mamaya madapa pa siya sa kakulitan niya. Nagugutom na siguro talaga 'yun kanina pa. Nang papasok na sana kami sa 7/11, na nauna na si Ry sa amin nila Lope, biglang may tumawag sa akin dahilan para mapalingon ako bigla dahil abala ako sa pagkuha ng wallet sa bag ko. "Hi Lana, ang saya niyo naman tignan, do you wanna join us?" Nakangiti pa na sabi ni Nadia pero alam na alam naman namin na fake 'yon. "I'm sorry, pero baka kasi mawalan lang kami ng gana if kasama namin kayo habang kumakain" Nakangiti din na sabi ko sakanya bago kami pumasok sa 7/11. "What the hell?!" Sigaw bigla ni Nadia pero nang-aasar na nginitian ko nalang ulit siya bago kami tuluyan na pumasok sa 7/11. Nagtawanan naman sila Vanessa dahil halata sa mukha ni Nadia na inis na inis siya sa sinagot ko sakanya. Habang kanya-kanyang pumipili at nagbabayad kami ng mga kakainin namin, wala ni isa sa amin ang nagbabanggit ng nangyari kani-kanina lang. Siguro kasi ayaw namin pare-pareho na mapansin nila Nadia na baka pinapagusapan namin sila dahil nakikita pa namin na nakaupo pa sila sa labas ng 7/11. "Magsasabi siya ng ganun tapos pag sinagot siya magagalit siya, siraulo yata" Naiinis na sabi ni Vanessa habang paakyat kami, dahil sa second floor yung mga lamesa at upuan. "Siraulo naman talaga 'yun" Naiinis din na sabi ni Lope. "Hayaan niyo na wag niyo nang pagusapan, nakakawalang gana lang kumain e" Sagot ko sakanila dahil nakakainis lang marinig na pag-usapan yung mga ganun klase ng tao. "Sana pala hindi ako kaagad pumasok kanina, ni hindi ko nga sila napansin na nakaupo dun sa may labas" Biglang sabi ni Ry. "Paanong hindi mo sila mapapansin, eh sino ba naman yung tumakbo patawid kasi nagugutom na siya" Natatawa naman na sagot ni Vanessa. "Pero girl, sana hindi mo na sila pinatulan. Alam mo naman na tuwang tuwa yung mga 'yun lalo na pag pinapansin mo sila" Seryoso bigla na sabi ni Ry. "Eh lalo naman kasi silang matutuwa kapag nanahimik ako, tayo. Lalo silang aakto ng ganyan kung hindi mo sila papatulan kahit minsan lang" Reklamo ko dahil totoo naman yung sinasabi ko eh. "Bakit ba kasi hindi pa sila manahimik? Sila na nga yung may ginawang mali, sila pa yung ganyan? Like, hindi ba sila nag-iisip?" Naiirita na sabi ni Lope. "Alam niyo, hindi ko talaga alam kung paano natin sila nakasama ng tatlong taon. Paano natin natiis yung mga ganun na ugali" Sabi ni Vanessa. Dahil sa sinabi ni Vanessa napaisip din tuloy ako bigla. Paano nga ba namin natiis yung mga ganun klase ng ugali? Paano namin napakisamahan yung mga ganun klase ng tao? "Siguro kasi hindi naman ganun kalala yung mga ugali nila dati?" Nagtatakang sabi ni Ry. "Siguro nga. Sadyang lumabas lang yung mga tunay na ugali nung nagtagal na. Buti nalang talaga hindi na natin kasama yung mga yun, mas masaya na ako na kasama ko kayo, pati narin sila Dean" Nakangiting sabi ni Lope. "Kung sino pa yung lalaki, sila pa yung matinong kasama at makakaintindi talaga sayo" Natatawang sabi ko sakanila. "Pati nga yung mga 'yun galit na galit nung nalaman nila yung nangyari eh. Hindi ko in-expect na pati si Avin magagalit dahil tahimik lang naman 'yun, lutang pa palagi" Natatawa naman na sabi ni Vanessa. "Huwag na natin pag-usapan 'yon, tapos naman na 'yun eh. Ang mahalaga hindi na natin kasama yung mga 'yun" Sabi ko nalang dahil ayoko nang ipagpatuloy yung usapan namin. Ayoko na din naman kasi na maalala yung nangyari. "Ano busog ka na ba?" Nang-aasar na tanong ni Vanessa nang matapos na kami kumain. "Hoy, gaganyan-ganyan ka e mas marami ka nga na binili kaysa sa akin eh" Reklamo ni Ry. "Oo na, tara na umuwi na tayo" Natatawa naman na sabi ni Vanessa. Nang makalabas kami ng 7/11, pare-pareho pa kaming natuwa dahil wala na sa labas yung mga papansin kanina. "By the way Lana, napansin mo din ba na kasama nila si Roi kanina?" Parang naiilang pa na tanong ni Lope sa akin habang naglalakad na kami pauwi. "Hindi eh at buti naman na hindi ko napansin. Busy din naman ako na asarin si Nadia" Natatawang sagot ko kay Lope. "Akala ko nga makiki-epal din yung bwisit na lalaki na 'yon eh. Buti naman at hindi dahil baka masapak ko pa siya" Naiirita na sabi ni Vanessa. "Ang lakas naman yata ng loob niya kung makiki-epal pa siya. Nakakatawa nga silang tignan lalo na pag magkakasama, expected ko na din kasi na sasama sila Nadia sa mga 'yun" Sabi naman ni Ry. "Hayaan niyo sila na magsama-sama, mga mukha silang tanga" Sabi bigla ni Lope na nagpabigla sa aming tatlo nila Ry. "Hoy, kalma" Natatawang sabi ko dahil humihigpit na yung kapit ni Lope sa braso ko, meaning naiinis na talaga siya. Hindi na namin pinagpatuloy yung usapan namin dahil pare-pareho lang din naman kami na naiinis pag naaalala yung mga 'yun. Hindi din naman tama na patulan sila pero kasi hindi naman sila mananahimik if hindi din namin papatulan kahit paminsan-minsan lang, lalo na kung sumosobra na talaga sila. Wala din naman kasi kaming maalala na maling ginawa sakanila in the first place so hindi talaga namin maintindihan kung bakit nagkakaganun sila and kung bakit patuloy silang nagpapapansin, ni hindi na nga namin sila pinapansin and kami na nga yung umiiwas sa gulo pero sila pa yung lapit ng lapit. Sana nalang talaga hindi na sila umakto ng ganun lalo na sa school. Kahit nga makita o makasalubong lang sila ayoko nang mangyari eh. Buti nalang talaga at hindi namin sila naging kaklase dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung magkakasama kami sa iisang room this school year.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD