CHAPTER 12

1031 Words
Lana's POV Recess na namin kaya nag-decide na kami na pumunta sa cafeteria dahil nagugutom na ako, hindi rin kasi ako nakapag-almusal kanina. Kasabay ko sila Felix papuntang cafeteria dahil nauna na sila Lope sa amin dahil may inayos pa ako kaya pinauna ko na sila pero sabi nila Felix hihintayin nila ako kaya sila ang kasabay ko ngayon. "Ano kayang meron sa cafeteria ngayon" Bulong ni Felix habang pababa kami pero narinig ko dahil siya ang kasabay ko maglakad kaya natawa ako sakanya na napansin niya naman kaagad. "Bakit nagugutom ka na ba?" Natatawang tanong ko sakanya. "Hindi naman masyado, ikaw nga yata yung gutom na eh. Napapansin ko kasi kanina nung nagkaklase pa tayo na panay ka tingin sa relo mo" Nang-aasar na sagot niya sa akin. "Bakit ba, hindi ako nakapag-almusal kanina kasi nagmamadali ako eh" Ismid ko sakanya na ikinatawa niya nalang. "Buti nga paiba-iba yung mga tinitinda dun eh, hindi nakakasawa" Biglang sabi ni Felix. "Oo nga eh" Sagot ko nalang sakanya tapos tinignan ko yung wallet ko kung magkano pa yung pera ko dahil balak ko na bumili ng dalawang carbonara dahil nagugutom talaga ako. "Oh? Close pala kayo?" Biglang tanong ng pamilyar na boses na hindi ko pa nakikita kung kanino nanggaling dahil abala ako sa wallet ko pero parang sigurado na ako kaagad kung sino 'yon. Hindi ko nalang 'yun pinansin at nagpatuloy sa paglalakad kahit na napansin kong napahinto si Felix sa paglalakad kahit na sila Dean na nauuna sa amin dahil ayokong mag-aksaya ng panahon sa mga walang kwentang tao pero nabigla ako nang paglagpas ko sakanya ay bigla niyang hinawakan ang braso ko. "Hindi mo manlang ba ako papansinin? Ni hindi mo na nga ako tinignan eh" Nang-aasar na sabi ni Roi habang naka-ismid pa. "Pasensya na, hindi ko kasi gawain yung mag-aksaya ng oras sa mga walang kwentang tao na katulad mo eh" Sagot ko sakanya habang pekeng nakangiti sabay hatak ko ng braso ko na medyo sumasakit na dahil ang higpit masyado ng hawak niya. Nang aayain ko na sana sila Felix na magpatuloy na sa pagpunta sa cafeteria hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matatakot dahil ang sama ng tingin nila Dean kay Roi. Inaya ko na sila kaagad na bumaba na dahil baka may mangyari pa na hindi maganda. "Wag niyo na babanggitin 'yun kela Lope ha? Ma-babadtrip lang yung mga 'yun" Sabi ko kela Felix nang malapit na kami sa cafeteria. "Okay lang ba yung braso mo?" Tanong sa akin ni Avin. "Okay lang naman" Nakangiting sagot ko sakanya pero sa totoo lang medyo nananakit yung braso ko. "Siraulo talaga yung lalaki na 'yun" Biglang sabi ni Dean habang halata sa expression ng mukha niya na naiirita siya. "Hayaan mo na, chaka ayusin mo yung pagmumukha mo baka mamaya mahalata nila Lope" Natatawang paalala ko sakanya dahil baka makahalata nga sila Lope sa nangyari, eh minsan lang ma-badtrip si Dean eh. Pagdating namin sa cafeteria nakita ko kaagad sila Ry kaya kumaway muna ako sakanila bago pumila para bumili ng pagkain. "Ganun din ba siya nung kayo pa?" Biglang salita ng nasa likod ko habang nakapila ako kaya nabigla ako pero nung paglingon ko nakita ko na si Felix lang pala. "Anong ganun?" Nagtatakang tanong ko sakanya. "Ganun kabastos magsalita chaka umakto" Seryosong sabi niya kaya lalo akong nagtaka pero naalala ko na nakilala niya na pala sila Roi dahil sa kinwento niya kanina sa amin nila Vanessa. "Hindi naman siya ganun nung una. Hayaan mo na, huwag na natin pag-usapan" Nakangiting sabi ko nalang sakanya dahil ayaw ko naman na talaga pag-usapan 'yun. After namin makabili ni Felix pinuntahan na namin sila Lope at kumain na kami. Halos tapos na din sila kumain kaya nagkekwentuhan nalang kami habang hinihintay nila kami na matapos kumain. Buti nalang talaga hindi nga binanggit nila Dean kela Lope yung nangyari kanina. Akala mo nga walang nangyari dahil hindi na mukhang badtrip sila Dean. Sana lang talaga hindi na ulit mangyari 'yung kanina. After namin kumain at mag-ligpit at mag-tapon ng pinagkainan, nag-decide na kami na bumalik na kaagad sa room kahit may time pa naman. Habang naglalakad pabalik sa room nagsabi ako kela Lope na mag-cr muna ako kaya pinauna na din namin sila Felix sa room dahil nakakahiya naman kung pati ba naman sila hihintayin ako. Pagkalabas ko ng cubicle naghugas na ako kaagad ng kamay. After nun, habang nagpupunas ako ng kamay biglang may mga pumasok kaya napatingin ako pero nang makita ko kung sino naisip ko bigla na sana pala hindi na ako tumingin. "Kamusta ka na Lana?" Biglang tanong sa akin ni Nadia nang palabas na sana ako na kinairita ko kaagad. "Much better than before" Maikling sagot ko sakanya dahil ayaw ko naman talaga siyang makausap. "Oh, really? By the way, ka-close mo ba yung transferee sainyo? Yung parang close din nila Dean. Nakikita ko kasi na nakakasama niyo eh" Biglang tanong ni Nadia na na-gets ko naman kaagad na si Felix yung tinutukoy niya. "Oo bakit mo natanong?" Tanong ko sakanya dahil nagtataka ako kung bakit siya nagtatanong about kay Felix. "Wala naman, napapansin ko lang na parang nagiging ka-close mo naman yata siya kaagad" Nakangiting sagot niya sa akin pero alam kong peke yung ngiti niya na 'yun at parang alam ko na din kung saan pupunta yung usapan na 'to kaya hindi ko na siya sinagot at lumabas na ako ng CR. "May balak pa yata akong pagmukhain na nilalandi ko si Felix, nakakahiya naman sakanya na ngayon kasa-kasama sila Roi pagkatapos ng ginawa nila sa akin" Naiiritang sambit ko sa sarili ko dahil naiirita naman talaga ako ngayon dahil sa pinagsasasabi ni Nadia kanina. Nang paakyat na kami papunta sa room napansin ko na hindi naman nagtatanong sila Ry about kay Nadia kaya naisip ko na siguro hindi nila napansin na pumasok din siya sa CR kanina. Buti nalang hindi nila napansin dahil baka mairita lang din sila. "Bakit ba walang magandang nangyayari sa akin sa araw na 'to, puro mga nakakasalamuha ko pa yung mga tao na ni makita nga eh ayaw kong mangyari" Naiiritang sabi ko sa isip ko nang papasok na kami sa room.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD