CHAPTER 5

876 Words
Felix's POV "Ano Felix pumayag ba si Lana?" Tanong kaagad sa akin ni Dean pagkapasok niya ng Photobooth. "Oo eto nga oh" Sagot ko naman sakanya sabay pinakita ko yung picture namin kanina. "Oh ayan naman pala pumayag naman pala siya e bakit ganyan itsura mo?" Nagtatakang tanong sa akin ni Dean. Sa totoo lang hindi ko din alam kung ano isasagot ko sakanya kaya tumahimik nalang ako. Oo, pakiramdam ko parang nagkakaroon nga ako ng interes kay Lana kahit na ba sabihin natin na kakakilala ko palang sakanya pero hindi ko naman 'yon magawang sabihin kay Dean. Nahihiya din naman ako dahil baka kung ano ang isipin niya dahil kaibigan niya 'yon. "Hoy Felix, halata ko naman na nagkakaroon ka ng interes kay Lana kaya hindi mo na kailangan manahimik diyan" Biglang sabi ni Dean. Siguro dahil hindi ko sinagot yung tanong niya kanina at nanahimik lang ako. Ngumiti nalang ako at nag-aya nang lumabas ng Photobooth. Habang naglalakad palabas ng timezone napansin ko si Lana at Vanessa na naglalakad palayo sa timezone. "Saan sila pupunta?" Nagtatakang tanong ko kay Dean. "Uuwi na daw sila" Simpleng sagot ni Dean sa akin. Anong oras na din naman kasi kaya siguro nag-decide na silang umuwi. Kanina pa naman din kasi sila dito sa mall dahil nauna sila sa amin ni Dean na pumunta dito. Nag-decide nalang muna kami ni Dean na kumain dahil nagugutom na kami at habang kumakain, iniisip ko kung tama ba na inaya ko pa na mag-picture si Lana. Oo, simpleng picture lang naman 'yon pero nakakahiya din kasi dahil kakakilala palang namin kaya hindi ko na napigilan na magtanong kay Dean. "Hindi ba kami magiging awkward niyan sa isa't - isa?" Tanong ko kay Dean habang kumakain kami. "Hindi naman siguro, pero hindi din naman siguro maiiwasan na napapaisip na din si Lana ngayon. Lumabas din kasi siya kaagad kanina diba" Sagot sa akin ni Dean. Nanahimik nalang ako dahil ako din naman napapaisip kung tama ba yung ginawa ko. Kung magiging awkward man siguro kami bukas, baka kausapin ko nalang si Lana at mag-sosorry ako. Pagkatapos namin kumain ni Dean nag-decide na din kami na umuwi. Wala naman na kaming gagawin kaya mas okay nang umuwi nalang. Pagkauwi ko sa bahay dumiretso ako kaagad sa kwarto ko para magbihis at humiga. Habang nakatulala ako sa kisame naisipan kong kunin sa bag ko yung picture namin ni Lana. Habang tinititigan ko 'yon napansin ko na hindi naman awkward yung mga ngiti niya. Natawa nalang tuloy ako sa sarili ko dahil parang pinapagaan ko lang yung loob ko para hindi ko na maisip kung paano ba ko aakto pag kasama na namin si Lana bukas. Hindi na din ako magtataka kung aasarin ako nila Cole at Avin pag nalaman nila 'tong ginawa ko na 'to. Sana lang hindi kami lalong maging awkward ni Lana nang dahil sa mga bwisit na 'yon. "Felix anak? Hindi ka na ba kakain?" Pasigaw na tanong ni mama pagkatapos niyang kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Hindi na po, busog pa naman ako" Sagot ko nalang dahil hindi pa naman talaga ako gutom. Habang iniisip ko kung paano ko ba kakausapin si Lana bukas para makapagsorry hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Lana's POV "Maaaa?" Halos pasigaw na sabi ko pagkabukas ko palang ng pinto nang nakauwi na ko sa bahay. "Oh? Bakit ang aga mo naman yata?" Nagtatakang tanong sa akin ni mama nang pumasok ako sa kusina para uminom ng tubig. "Maaga din naman kasi kaming pumunta dun ma, chaka nakakapagod lang din magikot-ikot sa mall kaya umuwi na lang din kami" Simpleng sagot ko sa tanong sa akin ni mama. "Kakain ka pa ba?" Tanong ulit sa akin ni mama na sinagot ko ng "Syempre po" habang nakangiti dahil nagugutom na ako. Habang nagluluto pa si mama ng ulam umakyat muna ko para makaligo na at makapagbihis. After ko maligo, habang nagsusuklay ako bigla kong naalala yung kanina. Napasabunot tuloy ako bigla sa sarili ko dahil sa kahihiyan nang maalala ko yung bigla ko nalang na pag-alis sa Photobooth. Bakit ko ba naman kasi ginawa 'yon e. Naisipan ko tuloy bigla na mag-sorry. Kinuha ko ang cellphone ko para sana i-chat si Felix pero nang maalala ko na hindi ko naman pala siya friend sa f*******:, nag-sss nalang muna ako at sinearch siya para i-add sana. Kaso nang sinearch ko siya, nakita ko na friend ko na pala siya. Hindi ko naman maalala kung kailan ko siya na-accept o kailan nga ba siya nag-friend request pero hayaan na, mas okay na 'yon dahil parang mas nakakahiya kung ngayon ko siya i-aadd. Nakapagtype na ko ng "Sorry about sa kanina" pero nang isesend ko na, naisip ko na hindi ba mas okay na sa personal ako magsorry? Para kasing ang bastos talaga ng ginawa ko kanina e pumayag naman ako na mag-picture kami. Yun nalang siguro gagawin ko, ang mag-sorry ng personal. Ayoko din naman na maging awkward kami pag magkakasama kami nila Dean. Isa nadin siguro sa dahilan ko yung gusto ko pa siya maka-close lalo. After ko mag-isip ng kung ano - ano, bumaba na ko dahil tinatawag naman na ako ni mama para mag-hapunan. Bahala na bukas kung paano ko kakausapin si Felix.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD