CHAPTER 4

1011 Words
Lana's POV "Ano saan niyo ba balak pumunta?" Tanong ko kela Vanessa dahil mukhang wala silang mga idea kung saan ba talaga kami pupunta. "Mag-lunch muna tayo, nagugutom na din ako e" Sagot sa akin ni Vanessa na sinang-ayunan naman nila Lope at Ry. "Saan daw ba susunod sila Dean? Sa may timezone na?" Tanong ni Ry habang naglalakad kami papunta sa isang korean restaurant. "Dun nalang daw yata, magtetext naman siguro si Dean if nandun na sila" Sagot naman ni Lope. At yun naman nga ang ginawa ni Dean dahil nagtext naman siya kaagad na dun nalang kami magkita kita. Nag-ikot muna kami sa mall after mag-lunch dahil mukhang matatagalan pa naman yung dalawa. Habang nag-iikot sa mall parang ginusto ko na bumili ng bagong damit kaya nang mapadaan kami sa Penshoppe, inaya ko sila Vanessa na mag-tingin tingin sa loob. Paglabas namin ng Penshoppe pumunta pa kami sa iba't - ibang stores na binibilhan din namin ng damit dahil ako nga ang nag-aya na mag-tingin nung una, ako naman ang walang nagustuhan at nabili. Nang may nabili na ako, nag-aya si Lope na gusto niya daw bumili ng milktea dahil nauuhaw na daw siya. Sumunod naman kami dahil gusto din naman namin bumili. After bumili ng milktea nag-ikot pa kami ulit sa mall at nang mapagod na kami, pumunta na kami at naghintay sa may entrance ng timezone. Pagdating nila Felix nagpaload na kami kaagad sa mga kanya kanyang card namin and naglaro na kami. Humiwalay ako sakanila agad dahil gusto kong maglaro ng Flappy Bird. Oo, isip bata na kung isip bata pero naeenjoy ko kasi 'to na laruin e. Hindi ko napansin na nakasunod pala sa akin si Felix. Napansin ko lang siya nang maglalaro na ako. "Maglalaro ka din nito?" Tanong ko sakanya dahil napansin kong nag-insert din siya ng card. "Oo, naeenjoy ko kasi e, laban tayo?" Pabirong sagot niya na pumayag naman ako dahil confident akong matatalo siya. At di ako nagkamali dahil natalo ko siya kaagad. Natatawa pa ko lalo dahil sa expression ng mukha ni Felix habang nakatingin sa akin. Inirapan ko siya ng pabiro bago ko siya iwan doon after ko makuha yung tickets at pinuntahan ko sila Ry na naglalaro ng bowling. After that, we decided na pumunta sa Photobooth. We always do this actually. Pag nasa timezone kami hindi pwedeng hindi kami pumunta sa Photobooth. Nilalagyan pa namin palagi ng date yung picture na nakukuha namin. Pagkatapos namin magpicture sa Photobooth lalabas na sana ako nang may humatak sa bag ko. Paglingon ko si Felix pala yon kaya nagtataka ako na nagtanong sakanya ng "Bakit?". Hindi siya kaagad nagsalita at napansin ko din na mahinang natatawa si Dean at may binulong kay Felix bago lumabas ng Photobooth. Paglabas ni Dean saka lang nagsalita si Felix. "Pwede bang mag-picture tayo?" Tanong niya habang nakatingin sa may lapag. "Kakatapos lang natin mag-picture ah, tara na sumunod na tayo sakanila" Sagot ko sakanya at lalabas na sana ko nang sumagot siya. "I mean tayong dalawa lang" Sagot niya na medyo pasigaw dahil palabas na nga ako ng Photobooth. "Ubos na yung load ko" Palusot ko kahit hindi pa naman dahil nagtataka ako kung bakit niya gugustuhin na mag-picture kaming dalawa. Mas nagtataka pa ko dahil na-cucurious din ako sa kung ano yung binulong sakanya ni Dean bago siya lumabas kanina. "Hindi pa ubos yung sa akin" Sagot niya bago tumingin sa akin. Ayoko makipagtitigan sakanya dahil nahihiya na ako kaya pumayag nalang ako at umupo sa may Photobooth. Sumunod nalang din siya sa akin. After niya mag-insert ng card umupo na siya sa tabi ko and nag-picture na kami. Pagkatapos ng anim na shot sa Photobooth lumabas na ako kaagad dahil nahihiya na talaga ako. Hindi ko na hinintay na ma-print yung picture dahil sigurado naman ako na si Felix ang kukuha nun dahil siya ang nag-aya na mag-picture kami. Nang makita ko sila Vanessa sa entrance pinuntahan ko na sila kaagad. Nakita ako ni Dean na papalapit sakanila kaya ngumiti siya sa akin bago naglakad papuntang Photobooth. Nakita din naman ako ni Vanessa nang malapit na ako sakanila kaya nag-aya na siyang umuwi dahil gusto na din daw umuwi nila Lope at Ry pero hindi ko sila makita kaya nagtataka akong nagtanong kay Vanessa kung nasaan sila at sumagot naman siya ng nagpunta lang daw ang dalawa sa Watsons dahil may gusto silang bilhin. Sumunod nalang kami ni Vanessa dun at sakto naman na palabas na si Lope at Ry kaya nag-decide na din kaming umuwi. "Why are you guys not asking about sa kanina?" Tanong ko sa mga kaibigan ko habang nag-aabang kami ng Jeep. "Wala naman siguro kasi napansin naman na namin?" Nangingiting sagot ni Lope sa akin. Hindi na ako sumagot dahil na-gets ko naman yung sinabi niya. Naguguluhan nga lang ako pero naisip ko nalang na kakalimutan ko nalang siguro. Ayoko naman mag-isip ng kung ano-ano baka kasi maging dahilan pa 'yon para maging awkward ako pag kasama namin si Felix. It was fun actually. Nalaro nga yata namin halos lahat sa timezone. Marami din kaming tickets na nakuha kaya nakakuha kami ng stuffed toy bilang kapalit nun na kay Lope napunta. "We should hang out together like this next time" Sabi ni Ry nang pasakay na kami ng Jeep pauwi. "Pwede naman, himala nga na sumama si Lana e akala ko tatamarin na naman" Pabirong sagot ni Vanessa. "Hindi naman, saka syempre palagi naman natin 'to ginagawa pag first day of school so bakit naman ako hindi sasama" Sagot ko nalang sakanya. Tahimik lang kami habang nasa biyahe pauwi. Mga napagod din kasi siguro dahil hindi lang naman kami sa timezone nagpunta. Nag-ikot muna din kami sa mall habang hinihintay dumating sila Dean. Habang nagpapatugtog ako hindi ko maiwasan na isipin yung tungkol sa bigla ko nalang pag-alis kanina sa Photobooth. Hindi ko naman kasi alam kung ano gagawin ko dahil nahihiya na talaga ako kaya naisipan ko nalang na lumabas na kaagad. Sana lang hindi maging dahilan 'yon para maging awkward kami ni Felix bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD