CHAPTER 3

826 Words
Lana's POV Pagkatapos ng orientation dumiretso na kami sa cafeteria dahil oras na din naman ng recess. Habang naglalakad papuntang cafeteria biglang yumakap sa braso ko si Lope sabay tanong ng "Uy, close na kayo ni Felix?". Nagtatakang sumagot ako ng "Hindi pa naman masyado, bakit?". Nangingiting sumabat si Ry na kumapit na din pala sa isa ko pang braso ng "Hindi pa ba talaga? Kanina kasi tamang kwentuhan kayo nung orientation e". "Nagulat nga kami sayo girl, pinansin mo kasi kaagad si Felix. E alam naman namin na di ka naman agad palasalita sa mga bago mong kakilala. Lalo naman pag lalaki" Sabat naman ni Vanessa na tatawa tawa pa. Sinagot ko nalang sila ng "Pinatunayan ko lang naman na nakakapagsalita ako e. Bumulong ba naman kasi ng hindi ba raw ba ako marunong magsalita". "Ooh, so nagtatampo ka? Oh my gosh!" Asar sa akin ni Lope sabay nagtawanan silang apat. Nakitawa nalang ako sakanila. Buti nalang talaga hindi sumabay si Dean at Felix sa amin papuntang cafeteria kung hindi lalo akong aasarin ng mga baliw na 'to. Kaya ko lang naman kinausap si Felix kanina is first of all, gusto ko lang naman talaga patunayan na nakakapagsalita ako duhh. Second, gusto ko lang subukang kausapin si Felix and lastly, medyo nakokonsensya ako dahil feeling ko ang sungit ng dating ko kanina nung pinakilala siya ni Dean sa amin. "Hindi ba pupunta ng cafeteria sila Dean?" Biglang tanong ni Vanessa nang nakapila na kami sa cafeteria. Sasagot na sana ako ng hindi ko alam nang mapansin ko sa entrance ng cafeteria sila Dean kaya sumagot nalang ako ng "Ayan naman na sila e". "Pag si Felix talaga mapapansin kaagad" Asar ni Ry sa akin. "Excuse me, napansin ko lang po sila sa entrance miss ma'am" Nangingiting umirap ako kay Ry na ikinatawa naman nila Lope at Vanessa. Nang nakabili na kami pumunta na kami sa mga table para makakain na. Napansin kong sumunod sila Dean sa amin pagkatapos nilang bumili kaya hindi ko na sinabi kela Ry na ayain sila. Pagkaupo namin tumabi sa akin si Felix kaya alam ko na kaagad na aasarin na naman kami kaya tinignan ko na kaagad sila Lope at nagsabi ng "shut up" pero mahina lang sabay ngumiti nalang sila sa akin. Sana lang talaga manahimik sila. Pero nagkamali ako, dahil nanahimik nga ang mga kaibigan ko, si Dean naman ang pumalit nang bigla niyang tanungin si Felix ng "Kay Lana ka na naman tumabi Felix? Ayaw mo na ba sa akin?" Gamit ang tono ng boses niya na parang nagtatampo. Natatawang sumagot naman si Felix ng "Ikaw nga tumabi ka kay Vanessa e, nagreklamo ba ako?". Tumawa naman si Vanessa sabay sabing "Nagiging madaldal ka na ah Felix. Komportable ka na ba na kasama kami?". Sumagot naman si Felix ng "Oo, madali lang din naman kasi kayong pakisamahan tulad ng sinabi ni Dean". It's actually good to hear na komportable na siya sa amin. Mas okay na yun kesa naman si Dean lang ang palagi niyang kasama. It will be kinda awkward if hindi siya komportable sa amin dahil lagi din naman namin kasama si Dean. Also, if you're wondering na bakit palagi namin kasama si Dean e puro babae kami, it is because absent yung dalawa niyang kaibigan na lagi niyang kasama, sila Cole and Avin. Kilala din daw nila si Felix ayon Kay Dean dahil nakasama na daw nila before. Ka-close din namin sila Cole and Avin dahil hindi sila yung mga tipo ng lalaki na kung ano anong kalokohan lang ang lumalabas sa bibig. Siguro kaya madali din namin silang napakisamahan at simula non, lagi na din namin silang nakakasama kahit na sa galaan. "Bakit nga pala wala si Cole and Avin?" Biglang tanong ko kay Dean nang maalala ko yung dalawa. "Alam mo naman yon mga mas malalalang version mo Lana, mga tinatamad dahil wala pa naman daw gagawin ngayon" Natatawang sagot ni Dean sa akin na sinagot ko naman ng "Hoy, grabe ka mas matino naman ako. But, actually muntik na din akong hindi pumasok kanina nakakatamad naman kasi talaga" Na kinatawa naman nila Lope. "Pero sa tingin ko papasok naman na yung dalawa na yun bukas. Sana lang hindi na sila tamarin" Natatawang sabi ni Dean. "At least si Lana tumuloy pumasok" Natatawang sabat ni Ry na ikinatawa ko din dahil kinampihan niya pa ako. After ng asaran namin, na akala ko hindi na matatapos, nagligpit na kami ng mga pinagkainan at bumalik na sa room dahil baka andon na ang adviser namin na si Ms. Rivera. Pagkabalik sa room, nalaman namin sa isang kaklase namin na absent pala si Ms. Rivera at bukas nalang daw ididiscuss sa amin ang mga iba pang announcements at pwede na daw umuwi dahil every first day of school naman is half day. Naisipan nila Lope na wag muna umuwi at gumala na muna daw kami. Pumayag din naman sila Dean kaya sumama nalang din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD