CHAPTER 9

1041 Words
Felix's POV "Mga wala talaga kayong magawang matino sa buhay niyo ano?" Inis na tanong ko sa mga kaibigan ko habang palabas kami ng main gate ng school dahil pauwi na kami nang maalala ko yung mga kalokohan na pinagsasasabi at pinaggagagawa nila kanina nung recess sa akin. "Paano ba naman kasi Felix masyado ka naman na kasing halata" Natatawang sagot ni Avin. "At second day palang ngayon ha, hinay hinay hoy" Segunda naman ni Cole. "Wala pa naman akong balak ligawan si Lana, ang sagwa nun kung ganun" Sabi ko nalang sakanila. Totoo naman kasi eh. Sino ba naman ang babae na hindi maiilang kung kahapon mo lang nakilala eh magsasabi na sayo kaagad na may gusto sayo. Lalo naman kung tatanungin ka na kaagad kung pwede ka b na ligawan. Sino ba naman ang maniniwala sa ganun. "Sabagay pre, hindi rin naman kasi maniniwala sayo si Lana kung sasabihin mo sakanya na gusto mo na siya kaagad" Biglang sabi ni Dean. "Yun na nga yung iniisip ko eh" Pabulong nalang na sabi ko. Habang naglalakad kami paliko sa may gilid ng 7/11, dahil kakwentuhan ko sila Dean hindi ko napansin na may makakasalubong pala kami na grupo ng mga babae at lalaki kaya hindi ko sinasadyang nabunggo ang isa sakanila at sa kamalasan ko pa ay babae pa ang nabunggo ko. "Pasensya na, hindi ko kasi napansin e" Agad na sabi ko dahil hindi ko naman talaga napansin na may makakasalubong pala kami. Sasagot na sana yung babae na nabunggo ko nang may biglang sumabat na lalaki at sinabi na "Sa susunod kasi titingin ka sa dinadaanan mo pre" habang nakaismid pa. Nagulat pati na rin ang mga kasama niya dahil nagtinginan din ang mga ito sakanya. Napatingin din ako sa mga kaibigan ko at napansin ko na ang sama ng tingin nila sa lalaking nagsalita. "Nag-sorry naman na siya kaya wag ka nang sumabat diyan" Biglang sabi ng babae na nabunggo ko pagkatapos ay humarap siya ulit sa akin sabay tanong kung transferee daw ba ako. Sinagot ko nalang siya ng "Oo" at dahil nakatitig parin sila Dean sa lalaki na nakikipagtitigan din pala sakanila, inaya ko na sila na umalis na doon. Nag-sorry nalang ulit ako sa babae na nabunggo ko bago kami tuluyang umalis. "Dapat hindi mo na pinansin yung babae na 'yun kanina. Nag-sorry ka naman na sakanya eh" Inis na sabi ni Dean nang medyo nakalayo na kami. Dahil tahimik lang sila Cole at Avin, hindi ko na naiwasan na magtanong dahil na-cucurious ako kung bakit sila umaakto ng ganun pagkatapos namin makasalubong yung grupo na yun kanina. "Kilala niyo ba sila?" Nagtatakang tanong ko sakanila. "Schoolmates natin yung mga yun" Agad na sagot ni Avin. "Oo, alam ko halata naman sa uniform baliw. Ang tinatanong ko eh kung kilala niyo nga. Kung makatitig kasi kayo sa lalaki kanina eh" Natatawang sabi ko kay Avin. "Mga kaibigan dati nila Lana yung mga babae na kasama nila kanina" Seryosong sagot ni Dean. "At ex ni Lana yung bwisit na lalaking mayabang kanina" Inis na sabi ni Cole. "Mga kaibigan nila Lana dati? Eh bakit nila kasama yung ex ni Lana?" Nagtatakang tanong ko kay Dean. "Kasi nga pinagtri - aray!" Biglang sigaw ni Avin nang bigla siyang hampasin ni Dean at sinamaan ng tingin. "Ikaw kamo, yung pagkalutang mo sumosobra na" Bigla namang sabi ni Cole. "Ano ba kasi 'yon ha?" Naiinis na tanong ko dahil hindi ko maintindihan yung mga pinagsasasabi nila. "Malalaman mo din 'yun pero hintayin mo nalang na sa mga kaibigan ni Lana o sakaniya mismo manggaling, hindi sa amin" Sabi ni Dean. Hindi na ko nagtanong pa dahil baka mainis na si Dean dahil seryoso na siya. Hindi naman siya magsasabi ng ganun kung maganda yung past nila Lana at sa mga kaibigan daw nila dati. Nang makauwi na ako dumiretso ako kaagad sa kwarto at habang nagbibihis, abala din ako sa cellphone ko. Habang nililigpit ko yung mga maduming damit ko biglang tumunog yung ringtone ng messenger ko kaya tinignan ko kaagad dahil may hinihintay din akong chat galing sa group chat namin nila Dean dahil may balak kaming puntahan bukas after school. Pagkatingin ko sa cellphone ko ay hindi galing sa group chat namin yung message. May nag-message request pala sa akin. Tinignan ko yung pangalan at sinearch ko sa f*******: dahil na-curious ako kung sino. Nang tignan ko yung profile picture nakilala ko agad yung babae kasi yun yung nabunggo ko kanina. Ang pinagtataka ko lang eh kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Lalong lalo naman ang f*******: ko. Wala din naman kasi akong matandaan kanina na binaggit ko sakanya ang pangalan ko o tinawag ako nila Dean sa harap nila. Dahil nagtataka nga ako, hindi ko nireplayan o tiningnan manlang yung chat niya. In-archive ko kaagad at ini-screenshot ko ang profile niya at sinend ko sa group chat namin nila Dean at sinabi ko na in-add ako sa f*******: at nag-message request pa sa akin. Kaagad na nag-react at nag-reply si Cole dahil siya ang unang nakakita at tinanong niya kung kailan lang ba ako in-add at sinagot ko naman din siya kaagad na ngayon lang. Napansin ko na nag-seen na si Dean at nag-reply siya nang wag ko daw papansinin dahil papansin lang daw yun. Natawa naman ako dahil naisip ko na seryoso nanaman siguro si Dean ngayon. Matagal niya nang kakilala at nakakasama sila Lana kaya hindi ko siya masisisi kung ganun nalang ang inis niya lalo na sa mayabang na lalaki kanina na ex pala ni Lana. Ngayon tuloy na naalala ko ay napapaisip ako kung paano at bakit pinatulan at naging ex ni Lana 'yun. Ni hindi nga mukhang matino yung itsura at ugali eh. Pakiramdam ko din ay hindi maganda ang dahilan kung bakit hindi na kaibigan at nakakasama nila Lana yung mga kaibigan daw nila dati dahil hindi naman aakto sila Dean ng ganun kung mababaw lang ang dahilan, idagdag mo pa na kasama pa nila ang ex ni Lana at mukhang close pa nila. Ayoko nang isipin pa yung mga 'yun dahil naisip ko kaagad na hindi maganda na makisawsaw sa problema ng iba kaya naisipan ko nalang na maggawa na ng mga homework namin para ma-distract ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD