CHAPTER 2

890 Words
Felix's POV "She hates me, doesn't she?" nagtataka na tanong ko kay Dean na ikinatawa ng babae na kausap padin ni Dean. "I'm Vanessa nga pala. Ganon lang talaga siya hindi palasalita sa mga bagong kakilala pero mabait naman yon. I hope we do get along" sabi ng babae bago ngumiti at sumunod sa kaibigan niya na naunang umalis. Habang kwento ng kwento si Dean, na hindi ko na nasundan dahil sa sobrang dami niya nang nakwento, hindi ko sinasadyang mapatingin sa grupo ng mga babae na pinakilala niya sa akin kanina. Mukha naman silang mababait at madaling pakisamahan na tipo ng babae, maliban lang yata sa isa na unang tingin palang sa akin parang sinabi niya na kaagad na "ayaw ko sayo". Dahil na-curious ako sakanya, hindi ko na mapigilang magtanong kay Dean. "Ganun ba talaga yung ugali non?" Tanong ko kay Dean habang nakatingin padin sa babae na ngayon nakikipagkwentuhan na din sa mga kaibigan niya. "Marunong naman pala magsalita" Mahina kong sambit sa sarili ko. "Sino ba sakanila tinutukoy mo?" Tanong naman sa akin ni Dean dahil napansin niya naman yata na sakanila ko nakatingin. "Yung babae na kaagad na umupo kanina nung pinapakilala mo ko sakanila" Kaagad kong sagot na matapos ko sabihin kay Dean, saka ko lang na-realize na bakit parang nagmukhang nagtatampo ko dahil hindi manlang siya nagpakita ng interes at umupo kaagad nung pinakilala ako sakanila na kaagad ko pinagsisihan kung bakit ba iyon ang sinagot ko kay Dean. "Ahh si Lana ba? Ganun lang talaga 'yon pero alam mo ba na may pagkamadaldal din 'yan. Madali lang din naman siya pakisamahan. Kung tutuusin wala naman mahirap pakisamahan sa kanila" Sagot ni Dean sa akin. "Lana pala" Ulit ko ng pangalan niya sa isip ko. "Bakit mo nga pala natanong Felix? Gusto mo siya? Ay nako mahihirapan ka manligaw diyan kung ganon" Asar sa akin ni Dean na sinagot ko naman kaagad ng "Hindi no, na-curious lang ako" Pero sa isip ko, ni hindi ako sigurado kung totoo ba yung sinagot ko kay Dean o palusot lang. Maya maya lang may tumunog na bell na pinagtataka ko pero sinabi naman kaagad ni Dean na para lang iyon ipaalam sa mga students na kailangan nang pumila at pumunta sa school hall para na din daw sa orientation. "Dean!" Biglang sigaw ni Ry, kung tama ang pagkaka-alala ko, sabay takbo palapit sa amin. "Sabay sabay na tayo pumunta sa school hall" Sabi ni Ry habang nakangiti. Pumayag naman si Dean at wala lang din naman sa akin kaya nagsabay sabay na kaming pumunta doon. Pagdating sa school hall habang naglalakad ay nagkekwentuhan din kasi kami ni Dean kaya hindi ko napansin na sa uupuan ko ay uupo pala si Lana kaya nang hatakin ko ang monobloc muntik na siyang malaglag na kinabigla ko pati na rin ng mga kasama namin. "Pasensya na, hindi ko kasi napansin" Agad kong sabi dahil sa totoo lang, kinakabahan ako dahil hindi pa nga kami ganun ka-close baka masungitan na ako kaagad pero tumango lang si Lana bago tuluyang umupo sa monobloc. Umupo na lang din ako sa tabi niya sabay bulong ng "Hindi ka ba talaga marunong magsalita" na narinig pala ni Lana. "Marunong naman, bakit?" Sagot ni Lana habang nakatingin sa akin. Nabigla ako kaya napatingin din ako sakanya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya kaya pareho namin hindi namalayan na nagtititigan na pala kaming dalawa dahil hinihintay niya yata ang isasagot ko sa tanong niya. Natauhan lang ako nang hampasin ako ni Dean sabay sabi ng "Hoy, pwede mamaya na kayo magtitigan? Magsisimula na oh" Sabay bulong sa akin ng "Ikaw ha, kaya pala tanong ka ng tanong tungkol kay Lana" Habang tumatawa. Hindi ko nalang siya pinansin dahil hindi ko nanaman alam ang isasagot ko. Habang nakikinig sa orientation hindi ko maiwasan na tumingin paminsan minsan kay Lana na tahimik lang din na nakikinig, pati na rin ang mga kaibigan niya. Hindi ko alam pero mas ginugusto ko siyang maging ka-close imbis na mainis ako sa kung paano siya umakto kaya hindi ko na natiis na kausapin siya. "Lana" Mahinang tawag ko sakanya na napansin niya naman kaya agad siyang sumagot ng "Bakit?" habang nakatingin parin sa nagsasalita sa stage. "Ganyan ka ba talaga?" tanong ko sakanya na napansin kong nagpakunot sa noo niya sabay tumingin sa akin. "Paanong ganto?" Tanong niya sa akin bago ibalik ang tingin sa stage. "Hindi palasalita" Sagot ko sakanya. Mahina siyang natawa na kinabigla ko sabay sagot ng "Nagsasalita naman ako ngayon ah? At saka ala nga namang magsalita ako ng magsalita ng wala namang kumakausap sa akin". "Akala ko kasi magagalit ka" Sagot ko sakanya na sinagot niya kaagad ng "At bakit naman ako magagalit?". "Sa kanina, muntik ka nang malaglag e" Sagot ko kay Lana na hindi ko mapigilang matawa dahil umirap siya sabay sabing "Muntik lang naman, pero if nalaglag nga ako, baka hinampas ko pa sayo yung monobloc. Huwag muna kasi kayo magkwentuhan habang naglalakad baka di mo mamalayan may nadisgrasya na ng dahil sayo". Pagkasabi non ay ngumiti si Lana bago humarap sa stage at nakinig na ulit. Ngumiti nalang din ako at nakinig din pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako nakikinig. Iniisip ko kasi kung pagkatapos ba nito, makakausap at makakabiruan ko parin ba siya ng normal tulad ng kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD