Lana's POV
*bzzzzt* *bzzzzzzt* *bzzzzzzt*
"Lana ano ba kanina pa tunog ng tunog yung alarm mo bumangon ka na nga diyan!" Sigaw ni mama na nagpagising sa akin kesa sa alarm clock ko na kanina pa nga daw tunog ng tunog.
"Ugh! First day of school nga pala ngayon. Bakit ba kasi nagpuyat pa ako kagabi para manood" mahinang banggit ko sa sarili ko habang padabog na bumangon para makapaghanda nang pumasok sa school.
First day ngayon kaya mas tinatamad ako na magayos at maghanda kaagad dahil sigurado naman ako na wala pa naman gagawin bukod sa orientation at announcement ng sections.
*messenger ringtone*
"Sino nanaman ba 'to" inis parin na sambit ko bago kunin ang cellphone para icheck kung sino ba ang nagchat sa akin.
"Hoy grade 10 na tayo ang tamad tamad mo padin ni hindi ka manlang magseen sa grouo chat natin na 'to Lana!" - Lope
"We will be waiting for you sa main gate so be sure to be right on time sweety!" - Ry
"Panigurado naman na hindi on time yan pero don't worry hihintayin ka parin namin sanay na kami sayo see youuu!!" - Vanessa
Ani ng mga kaibigan ko sa group chat namin na puro ako ang binabanggit dahil hindi naman sila nagkakamali na malelate naman talaga ako, na sinasadya ko, dahil tinatamad pa talaga ako.
"Kailangan ko ba talaga pumasok ngayon" mahinang sambit ko bago umupo at kumain ng almusal pero hindi iyon nakatakas sa malakas na pandinig ni mama.
"Ano ka ba naman grade 10 ka na ganyan ka parin? Paano nalang kapag senior high ka na? Hindi ako papayag na gaganyan ganyan ka padin kumilos Lana" mahinahon na sambit ni mama sa akin.
"Matataas naman grades ko kahit na ganito ako ah? Diba ma?" Pabiro kong sambit kay mama na ikinatawa niya lang sabay sagot ng "Oo na pero wag muna mag-boyfriend ngayong year ha? Baka umiyak ka nanaman e" bago lumabas sa dining area at pumunta sa kusina.
"Ayoko na muna talaga, nakakasawa na" mahinang sagot ko kay mama habang inuubos ang almusal ko.
Pagkatapos magalmusal, kahit sobrang tinatamad pa ko, nagpaalam na ko kay mama para pumasok na. "Mag-iingat ka ha? Dapat kasi sumabay ka na kay kuya mo kanina e" sambit ni mama bago ibigay yung allowance ko for this week.
"Masyado naman maaga umalis si kuya ma, susunduin lang nun girlfriend niya para sabay silang papasok ngayon, sige ma aalis na ko ha byeeee!" pasigaw kong sabi kay mama bago tuluyan nang lumabas ng bahay.
Maaga pa naman kaya hindi na ko nagtawag ng tricycle para papuntang school dahil malapit lang din naman kayang kaya naman lakarin, lalo na sa babaeng hindi naman nagmamadaling pumasok katulad ko.
Habang papalapit sa school dun ko lang naisip na hinihintay nga pala ko ng mga kaibigan ko at sana magkakasama kami ulit sa iisang section kasama na din ang mga iba pa naming mga kaklase last school year na ka-close namin.
*bzzzzt*
"Sino nanaman ba 'to" inis na kuha ko sa cellphone ko sa bulsa ko bago basahin ang text na sa kaibigan ko lang pala galing.
"Nasaan ka na ba girl? Nasa main gate na kami so hurry up, see you!" Ani ng nakapaloob sa text na sinend ni Vanessa sakin. Hindi na ko magrereply dahil sobrang lapit ko naman na sa main gate at sigurado naman ako na makikita ko din naman sila kaagad.
At hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko nga sila kaagad. "Ry!" Sigaw ko habang patakbo na lumapit sakanila dahil siya kaagad ang napansin ko.
"Aba himala on time ka nga" Sambit ni Ry bago ako yakapin na ginawa naman din ni Vanessa at Lope kaya nagmukha tuloy kaming mga batang matagal na hindi nagkita.
"Pumasok na tayo para makita na din natin kaagad yung announcement ng sections oh my gosh I'm so excited!" Patili na sabi ni Lope bago ako hinawakan sa braso at pumasok na nga kaming apat sa school.
"Sana naman magkakasama parin tayong apat ano? O kaya naman kahit si Vanessa nalang mahiwalay epal naman 'to e" Pabirong sabi ni Ry habang tumatawa dahil halata naman na napikon nanaman si Vanessa sakanya.
"I just hope na hindi na natin kasama sa iisang section yung mga epal talaga last school year" Inis na sabi ni Vanessa. "Huwag niyo nalang banggitin at pag-usapan dahil naiirita parin ako sa ginawa nila sa atin, lalong lalo na kay Lana" Sagot ni Lope bago ngumiti at hinigpitan ang yakap sa braso ko.
Hindi nalang ako sumagot at ngumiti nalang din sakanya. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko dahil ayoko na din naman pag-usapan namin ang nangyari last school year dahil maiinis lang din kami.
Habang papunta sa bulletin board nabigla nalang kaming tatlo nang tumili si Lope na halos ikabingi ko dahil ako ang katabi niya.
"Oh my gosh! Look at that guy over there!" Sabi niya habang nakaturo sa lalaking nakatayo sa harap ng bulletin board na mukhang nagbabasa ng announcement ng sections. "Sa tingin niyo same year level natin siya? Matangkad siya e" Curious na tanong ni Vanessa sa amin na sinagot ko nalang ng "Siguro, mukha namang announcement ng sections ng grade 10 yung tinitignan niya ngayon e" Dahil hindi naman din ako sigurado kung same year level nga siya sa amin.
Pero nabigla na lang kami nang pagpasok namin sa room namin, na thankfully kaklase ko parin ang tatlo kong kaibigan, dahil nang isasara na sana ni Ry ang pinto saka lang namin napansin na nakasunod pala sa amin yung lalaki kanina na nakita namin sa bulletin board.
"Uhm, excuse me? Dito ba yung room ng Grade 10 - Rose?" tanong ng lalaki kay Ry.
"Ahh oo dito nga, so kaklase ka namin
? Oh my gosh!" Biglang sagot ni Lope na kinabigla at kinahiya naming tatlo nila Ry kaya hinatak nalang ni Ry si Lope sabay sabi na "Pasensya na may saltik kasi 'tong babae na 'to e" Bago tuluyan na ngang hilahin ni Ry si Lope papunta sa mga upuan.
Susunod na sana kami ni Vanessa nang mapansin namin si Dean, na isa sa mga ka-close naming apat, na malakas na tinulak ang pinto ng classroom at sumigaw ng "Felix!" bago patakbong lumapit sa lalaking transferee na nakita namin sa bulletin board kanina.
"Kakilala mo?" tanong ni Vanessa kay Dean na hindi ko napansin na di ko na pala katabi at nakalapit na pala sa dalawa.
"Childhood friend ko pala si Felix" pagpapakilala ni Dean sa katabi niya bago akbayan 'to "I hope maka-close niyo din siya. Mabait 'to promise! Felix, say hi!" sabi ni Dean kay Felix na sinunod naman ng isa.
"Maka-close huh? Sana nga" pabulong na sabi ko na buti naman hindi nila narinig.
"Hi" mahinang sabi ni Felix at tumingin sa aming dalawa ni Vanessa. Hindi na sana ko sasagot dahil sinagot naman na siya ni Vanessa pero nung tumingin siya sa akin, I feel like I had no choice but to smile nalang at tumango bago lumapit sa upuan na katabi nila Lope at Ry at umupo.