#TMNFABKabanata13 Allergic MARIA Napangiti ako sa nadadaanan namin na tanawin. Gustong-gusto ko talaga kapag nakakakita ako ng maraming puno at natatanaw ang malawak na langit. Asul na asul ang kalangitan at may sumisinag na araw mula rito bagay na mas nakapagpagaan ng loob ko. “Mamaya mag-iikot tayo dito sa clubhouse, meron sila ditong horseback riding, may farm din dito and I’m sure you’ll like it since it will remind you of Dabliston,” abrisete ni Portia sa braso ko habang isa-isang tinuturo sa akin ang mga pwede naming paglibutan dito. “Salamat, Por–” “No, don’t thank me, please. After pulling you into this mess, this is the least thing that I could do for you. Basta, if ever you need help, tell me okay?” Tumango ako at muling ibinalik na ang tanawin. Naagaw ng mga tawanan nil