#TMNFABKabanata5 Favor MARIA “Worry about nothing. Pray for everything.” Nakangiti kong inusal ang mga salitang ‘yon mula sa misa ngayong Linggo. Tumayo ako nang kawayan ako ni Nanay Teresita para lumapit sa kanya. Pagbaling ko kay George ay umiling lang siya. “Ikaw na lang lumapit, cr muna ko. Najejebs na ko eh,” aniya at mabilis akong iniwanan. Natatawa tuloy na tumayo ako at lumapit sa Nanay niya na kausap si Father, kasama rin nila ang ibang nagse-serve sa simbahan. “Oh Maria, nasabi ko na kay Father. Tamang-tama at umuwi na ng probinsya si Sister Lea,” ani Nanay Teresita na umabrisete pa sa akin at pinakilala ako kay Archbishop Fuentes ganoon din sa ibang servants ng simbahan. “Balita ko’y apat na taon kang naging Commentator sa Dabliston, hija.” “Opo, Father. Salamat po’