#TMNFABKabanata15 Comfortable MARIA “Tash?” Inalis ko ang tingin sa pinagbabaan ni Perseus at binalikan ang kausap kong si Lazarus. “Ano nga ‘yon, L-Laz?” “I’m asking kung sino iyong kasama mo?” tila ramdam kong hindi natutuwa ang boses ni Lazarus sa kabilang linya. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong salubong na salubong ang mga kilay niya ngayon. Hindi naman bago ito sa akin dahil ganito siya sa tuwing may kasama akong lalaki na hindi niya kilala–o minsan ay kahit kakilala niya, masyado siyang overprotective sa akin. “Ah siya ba? Siya si Per–Sir Juan, siya iyong kuya ni Ma’am Portia.” “Your boss?” “Oo–” Napatingin ako sa labas nang maramdaman na may nakatingin sa akin. Nagtagpo ang tingin namin ni Perseus na nasa labas at nakasandal sa pader. Tila naiinip na ang mukha