chapter seven

2019 Words
The Story of Another Us chapter seven: act like his girlfriend or grieve for dead dreams I'm entirely good but not really. Madaming mabait na tao sa mundo pero syempre lahat naman tayo may tinatagong kulo. Minsan 'yung mga akala mong sobrang bait sila pa 'yung may mga pinaka masasamang naiisip para sa kapwa nila. Hindi naman ako gano'n. I do not wish harm or any bad luck to anybody. I'm more of a cunning person. There is a need for cunningness in this world. Kung hindi ka magiging madiskarte, wala kang patutunguhan. Hindi enough 'yung may utak ka lang. Kailangan may lakas ka din ng loob at kapal ng mukha para gawin 'yung mga dapat mong gawin. I am usually a strong person. Nanghihina lang talaga ako kapag dating sa boys. Strangely, lalo na kay Nicolo. Pero mamaya na natin siya pag-usapan. Let me tell you about my little journey when my book was optioned to become a movie. The news came in the form of an email. Nag-message sa'kin ang Imago Films. They are one of the biggest production houses in the country and almost all their movies went blockbuster. Nobody would dare deny them. Well, nobody except for me. Actually, not totally deny. More like, I shaped our agreement in the way that it will benefit me. Of course, dugo, pawis, tulog, at pagoda ng ibinigay ko para lang makapagsulat ng isang libro. It has to be well-paid for. Nakipagkita sila sa'kin sa isang meeting room sa kanilang opisina. I was with my grandmother but she knew better than get in the way of my meeting. I was a minor back then. Seventeen. Akala naman nila dahil bata pa ko madali nila akong magogoyo sa mga ganoong bagay. Akala nila nanalo na sila sa lotto. They were going to buy my rights underpriced. Ready na ang kontrata at habang pinapalamon nila ako ng matatamis nilang salita at ngiti, tinitignan ko ang nakasulat sa papel. They didn't know I was already studying the media back then. Nang matapos kong basahin ang kontrata, sinulatan ko ang likod ng mga papel at kinagulat nila iyon. Isang babae at isang lalake ang kumausap sa'kin. Napatigil sila sa pagsasalita at nagkatinginan. "Enough," sabi ko lang sa kanila. Kung ano-ano pa kasing sinasabi. Not all people are dumb and stupid. Hell, the book is a part of me. My soul is there. And my soul doesn't come cheap. "I need more. This is not enough. In case you don't know I study the media and you're offering me waaaay too low of a price to be compared on how much you'll make in the movie. "You're not the only production house that is scouting my story," I bluff. Kahit na nanginginig ka na sa takot nab aka mawala ang one big chance mo, kailangan mong lunukin 'yan. Great things are yet to come. "But I chose Imago because I believe that you would be the ones who will do the most justice to my Nic and Kat. You have the most 'talented' actors," I say with a roll of my eyes. When you study the media, actors are just nothing to you. "I don't want any of those Class B people or kung sinomang laking aircon 'yan. I want Class A. I don't have plans on degrading my characters. "Another thing," I add. "Since all your movies sold out anywhere, I wouldn't have a doubt how much money you will make for my story. I want thirty percent of the box office and I want to be part of the production team. I don't want my story to go up in flames. It will be a shame. Not that I don't trust your house but of course. But... save me from my OJT, won't you? Such a waste of my time." Sinulat ko ang lahat ng gusto ko sa likod ng isang papel. Hindi naman na sila nagsalitang dalawa pa. Hindi yata nila akalain na gagawa ako ng demands. Oh well... nobody runs my show aside from me. I'm just another conniving b***h. Tumayo na ko at nagpaalam sa kanila, pinaalala na by next week inaasahan ko na ang bagong kontrata. Pagdating namin ng elevator, kamuntikan na kong pukpukin ng lola ko sa ulo. Bakit ko daw ginawa 'yun? Dreams don't just come true. You have to wake up and start working to achieve them. There are risks but you have to take them even though the consequences are beyond terrifying. If your dreams don't scare you, they aren't big enough. That's what I did. Gumising ako at sinimulang trabahuhin ang pagtupad sa mga pangarap ko. I want to be a writer. I want to make living out of it. It's cutthroat business, that's why you have to claw your way up. And I did. Kaya na lang din ako siguro sobrang takot na baka pumalpak kami ni Nicolo. Ano na lang ang kalalabasan ko no'n? Sira na ang mga pangarap ko. It's either I start acting like his girlfriend or I start grieving for my dead dreams. Kaya nga nang makita ko si Nicolo sa hallway ngayon, I happily bound to him. Nakangiti naman niya kong sinalubong. "Good morning," bati ko sa kaniya. Another thing I like about Nicolo, is that I have to stand on my tiptoes just to kiss him. Sa cheek lang naman. For now. Napakunot naman ang noo niya sa bagong asal ko sa kaniya. Pero agad din naman niya itong inalis at lumawak lang ang ngiti niya bago pa ako mahiya sa ginagawa ko. "Good morning," he greets. It's a Friday. Sabay kami ng first at last class. "Woke up in the right side of the bed?" "On the perfect side of the bed," I correct him. Natatakot pa din naman ako. Kinakabahan pa din ako. 'Yung puso ko parang gusto na lang kumawala sa dibdib ko. Huminga na lang ako nang malalim para kumalma. There are a lot of people in the hallway. 'Yung ibang block mate namin mga nakatayo lang din sa gilid at naghihintay na matapos ang klase. Pero hindi talaga ako mapakali. Napapalakad ako nang kaunti sa gilid ni Nicolo. "Stop it," he laughs when he's had enough watching me. "You're making me nervous too." Bigla naman akong kinilabutan kahit na medyo mainit dito sa labas. Nanayo lahat nang balahibo ko eh. Inabot naman ako ni Nicolo at pinasandal sa may bintana. Ang hirap talaga kapag ang daming nakakakita sa inyo. Hindi pa ba kami papasok sa loob? "Why are you so nervous?" he asks. "Eh kasi hindi naman kasi ako sanay na...na ano." "Na...?" "Na nasa labas." "What do you mean?" "Hindi ako sanay na may nakakakitang tao na may kasama akong boyfriend." "But you had a boyfrie—" "Nic. Nic. Nic. Nicolo." Parehas kaming napatingin sa lalakeng pakanta pa kung tumawag. Pababa ito ng hagdan sa may gilid ng classroom and SH— "R.A.," pagngiti ni Nicolo. Umalis ito sa pagkakadikit niya sa pader at sinalubong ng bro-hug ang lalake. Wait, what the fu—that's— "Kamusta, bro? Kagabi ko lang nalaman umuwi ka na pala." "Yeah, busy eh kaya hindi na ko nakapagsabi. Alam mo naman si Dad." "Ah, oo nga pala," pagtawa nito. Sabay, napansin niya yata na nakikinig ako sa usapan nila at kung gaano kami kalapit ni Nicolo sa pagkakatayo. "Ah, this is Kat, by the way," sabi ni Nicolo. "She's my girlfriend." Nanlaki naman ang mga mata nito. "Seryoso? May girlfriend ka talaga? Kailan pa?" pagtawa nito nang malakas. Alam kong lalo tuloy kaming pinagtinginan. "About three years ago?" sagot ni Nicolo. "Three years ago?!" hindi nito makapaniwalang tanong. "Sira ulo ka talaga," pagtawa na lang nito ulit. "R.A.," sabi niya sa'kin at nakipagkamay, halos mabali na ang leeg ko sa pagtingin sa kaniya pataas sa tangkad niya. There he is, all plump fair Spanish face. "High school friend ni Nicolo." Pero wait, teka lang. That's R.A. Vila, captain ng Queenslane Men's Basketball Team. Kung kaibigan siya ni Nicolo then posibleng kilala niya din si— "King!" sigaw ni R.A. at pare-parehas kaming napatingin sa lalakeng padaan mula sa kabilang dulo ng hallway. "Nandito si Nic." SH—SH—SH—panic mode. Teka lang! 'Yung puso ko parang tatlong beses na ang bilis sa normal nitong pagtibok. Parang may mga kabayo nang nagkakarera. Kung mahihimatay man ako sasabihin ko na dahil lang sa init. Pero sh—kasi! Paano nangyari 'to? "Uyyyyy!" rinig kong bati ni King sabay bro-handshake kay Nicolo. "Ano, game na ba?" "Let's see on the weekend," sagot ni Nicolo dito. "Si Kat nga pala girlfriend ko." Agad ko namang nginitian si King. Shocks! Totoo ba 'to? Grabeeeeeeee... nakatingin ba talaga ako sa mga mata niya? Am I really this close to him? "Hi," nagtataka pero magalang na bati sa'kin ni King. Hindi rin siguro nito inakalang magkaka-girlfriend si Nicolo. Halos magkakasing tangkad lang silang tatlo. Kung maputi si R.A., moreno naman si King. Parehas silang nasa basketball team. "Mag-set ka naman. Ikaw busy sa sched eh," sabi ni to kay Nicolo. "Yeah, message ko na lang kayo." "Ipapa-homecoming ka namin!" sabi ni R.A. "Tama, tama! We'll send you the details, bro. Tara na, King. May classs pa tayo." "Sige, sige. I'll see you guys." "Nice meeting you, Kat," sabi nila at sabay pa bago sila umalis. Hala, gumagalaw pa ba 'tong legs ko? Teka lang. Namanhid na yata 'yung buo kong pagkatao. Did I just meet two of the most popular kids in school? Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Hanggang makarating kami sa loob ng classroom parang wala ako sa wisyo. Napansin din yata ni Nicolo. "What was that about?" tanong niya sa'kin. Pinag-isipan ko pa kung sasabihin ko sa kaniya for, like, two seconds pero hindi ko na napigilan. Nahampas ko si Nicolo nang wala sa oras. "Oh my gee—oh my gee—oh my gee!!!" Natawa naman siya. Feeling ko gets na niya. "Grabe, friends mo pala sila," maiyak-iyak na 'yung tono ko. "Sana manlang sinabi mo 'di ba? Para naman hindi ako na-shookt at nakapag-prepare ako or something?" "Let me guess, isa ka sa mga tumitila para sa kanila kapag UBGP season." "Oo naman, syempre," nakatungo kong sabi. Nahiya naman ako bigla. Boyfriend ko nga pala si Nicolo pero kinikilig ako sa mga kaibigan niya. What is that? "By the way, I need to tell you something. People really call me Nic so you can call me that too. I'll call you Kat in public, would that be okay? Tayo lang naman nakakaalam ng distinction between Nicolo and Kater at Nic and Kat. What do you think?" Tumango lang ako sa kaniya. Nic is Nicolo. Nic (italics) is Nic Fictional Character. Kat is me (Kater). Kat (italics) is Kat Fictional Character. Pumasok naman na ang professor. First meeting palang namin kaya pinipirmahan niya pa mga registration forms namin. Pinapasa niya lahat tapos isa-isang nagtawag sa attendance. Wala nga si Mica ngayon eh. Bakit kaya siya absent? Economics subjects. Lalake ang prof kaya ang baba ng boses. Rinig mo kahit nasa likod ka ng classroom. "Millian?" "Present," sagot ko. "Monreal?" "Present," sagot ni Nicolo. "Kaaano-ano mo si Senator Nicholas?" natatawa nitong tanong, I think he really means it as a joke. Oh no, you just didn't ask that. Natahimik naman ang klase. "Uhm, daddy ko po," sagot ni Nic. Natawa pa si Sir Ignacio. "Ha-ha! Talaga lang ha?" "Oo nga po." Narinig naman siguro nito na seryoso si Nicolo sa sinasabi niya. "Di nga?" "Yes, sir." Napataas naman ang mga kilay nito bago pinirmahan ang papel ni Nicolo. "Oh," he sounds impressed. "We'll see then." "Sinasabi mo talaga sa kanila na anak ka ng Sir Nicholas?" "Tinatanong nila eh," he shrugs. "Pero it depends din sa prof. Kung mabait at kayang sumakay ng trip minsan pabiro ko lang sinasabi. Bahala na sila kung maniniwala sila." Lumapit ako sa kaniya para bumulong. "How does it feel like to be his son?" "You'll know soon enough. You're already considered my dad's family." I scrunch my face at him. Heto na naman ako iniisip kung maki-kidnap ba ko anytime soon. "One more thing," Nic says. "My mom wants to meet you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD