Chapter 12

1567 Words
Matapos ipasa ni Rex ang blueprint niya sa kanilang professor ay agad na rin siyang naglakad palabas sana ng kanilang university, nang bigla siyang may maalala. Mabilis siyang pumihit patungo sa clinic at nakangiting naglakad sa direksiyong iyon. Bibisitahin muna niya si Doktora Vida tutal, wala naman na siyang iba pang gagawin. Nasa pintuan na siya ng clinic at marahang kumatok upang kunin ang atensiyon ng babaeng nakatalikod mula sa pintuan. Hindi niya maipaliwanag ngunit tila biglang kumabog ang kaniyang dibdib hinihintay ang pagpihit ng babaeng maputi. Para siyang nakaramdam ng excitement at nais na niyang makita kaagad ang itsura ng babaeng nakatalikod. “Good afternoon,” bati pa niya upang muling kunin ang atensyon ng babae. Biglang parang tumigil sa pag-inog ang mundo nang tuluyan nang pumihit ito paharap sa kaniya. Pakiramdam ni Rex nag-slow motion ang kaniyang paligid pagkakita sa babae. Nakailang kurap pa siya sa kaniyang mga mata upang makatiyak na totoo nga ang kaniyang nakikita ngayon. Because standing right in front of her is no other than, Snow White, his long time crush na matagal na niyang nais na makitang muli. “It’s you!” naibulalas pa niya sa dalagang tila nagulat rin nang makita siya nito. “I-ikaw?” namimilog pa ang mga mata nitong tanong sa kaniya. Lumawak naman ang pagkakangiti niya sa kaniyang mga labi saka nangingislap ang mga matang pinagmasdan ang dalaga. Hindi siya makapaniwalang muli silang pagtatagpuin nang masungit na dalaga.  “Anong ginagawa mo rito?” nakataas ang isang kilay natanong nito sa kaniya. “Ikaw, anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ako ‘no?” taas baba ang mga kilay niyang tanong sa babae. “Excuse me! The nerve! FYI, hindi kita sinusundan ‘no! Baka ikaw ang sumusunod sa akin!” nakahalukipkip ang mga kamay nitong saad sa kaniya. Nakangisi lang siya habang pinagmamasdan ang masungit na babae. Natutuwa talaga siyang makita itong muli kahit na sinusungitan pa rin siya nito.  “Hmmm... As far as I know, three years na ako rito sa Stadium University. Kaya malabo iyang sinasabi mong sinusundan kita. Ikaw, kailan ka pa rito? Hindi kaya ikaw talaga ang sumusunod sa akin?” nanunuksong tanong niya sa babae. “Ang kapal naman ng mukha mo! Almost two months na ako rito at hindi ko alam na rito ka rin nag-aaral. At kung alam ko lang na narito ka pala, sana hindi ko na lang tinanggap ang offer sa akin!” masungit na turan pa nito sa kaniya habang namumula ang mga pisngi nito.  Aliw na aliw siya habang pinagmamasdan ang mukha ng dalaga. Gandang-ganda talaga siya sa babae lalo na kapag namumulang parang kamatis ang mukha nito dahil sa inis sa kaniya. Well, maganda naman kasi talaga ito. Maputi, balingkinitan, may kakapalan ang mga kilay nitong binagayan ng malalalim na pares ng mga mata, kissable lips and a pointed nose. Hindi niya alam kung may lahi ba ang dalaga, pero kahit pa anong lahi mayro’n ito, it won’t change the fact na gusto niya ito. In fact, gustong-gusto niya ang dalaga. Sasagot pa sana siyang muli nang lumabas mula sa maliit na opisina nito si Doktora Vida. “Uyyy, JR, mabuti naman at nadalaw mo na rin ako sa wakas,” malawak ang pagkakangiti ng batang doktora nang makita siya nito. “Opo Doc. Nagpasa kasi ako ng blueprint kay Prof. Manuel, kaya dumaan na rin po ako rito,” magalang niyang sagot dito. “Ganoon ba? Ayyy, si Grace nga pala, ang bago kong nurse. Dalaga pa iyan,” tila nanunuksong saad ng doktora sa kaniya. Nangislap naman ang kaniyang mga mata sa kaalamang iyon, saka kunwa ay napakamot sa kaniyang ulo sabay pasimple nang tingin sa dalaga. “Doc, may boyfriend na po ako, remember?” tugon ni Grace kaya biglang nawala ang ngiti niya sa kaniyang mga labi. “O, boyfriend pa lang naman e. Hindi pa kayo kasal. So technically, dalaga ka pa rin,” wika ng doktora. “By the way, si JR nga pala ang Captain ball ng Stadium University at soon to be Captain ball ng Dreame Magic,” may pagmamalaking turan ng doktora kay Grace. “JR? E, ‘di ba’t Rex ang pangalan mo? Nalipat ka lang ng school, pati pangalan mo pinalitan mo na rin,” nakaismid na saad naman ni Grace sa kaniya sabay baling nito ng atensyon sa mga gamot na nasa ibabaw ng lamesa nito. “I’m fattered. Hindi ko alam na alam mo pala ang pangalan ko,” nakangisi niyang sagot sa dalaga na ikinaangat ng mukha nito. “Huwag kang ma-flatter diyan. Natandaan ko lang ang pagmumukha at pangalan mo dahil sa bestfriend kong niloko mo!” asik nito sa kaniya.  “Woooaaahhh! Grace, wala akong nilolokong babae. Paano ko naman gagawin iyon kung hindi pa nga ako nagkakaroon ng kasintahan? Kahit itanong mo pa kay Doc Vida. ‘Di ba Doc?” baling pa niya sa doktorang parang naguguluhan namang nakatingin sa kanila. “Wait!” agad na wika ng doktora bago pa man makapagsalita si Grace. “Magkakilala kayo? Saka sino itong sinasabi mo Grace na bestfriend mong niloko nitong si JR?” Kababakasan ng pagtataka ang mukha ng doktora, habang nagpapapalit-palit ito ng tingin sa kanila ng dalaga. “Hay naku Doc, playboy iyang Captain ball ninyo. Marami nang pinaiyak na babae iyan doon sa dati naming school, at isa na roon ang bestfriend kong si Kath.”  “Grabe naman iyon! Wala nga akong pinaiiyak na mga babae. Kung masaktan man sila at umiyak, kasalanan nila iyon dahil nag-assume sila. Kasalanan ko bang maging guwapo?” nakangisi niyang tanong kay Grace na lalong namula ang mukha sa kaniyang harapan. “Hambog! Asaang parte ng pagmumukha mo ang guwapo?” bulyaw pa nito sa kaniya. “Hep! Time out! Masyado akong nabibigla sa inyong dalawa,” awat ni Dokrora Vida sabay taas ng mga kamay nito habang nakabuka ang mga palad nito sa kanilang harapan. “Small world! Siguro meant to be na magtagpo kayong muli ‘no?” nakangising saad ng doktora sabay kindat pa nito sa kaniya. “Doc, excuse me lang po ha? Hinding-hindi ako papatol sa isang playboy na kagaya niyang Captain ball ninyo. Isa pa may boyfriend na po ako, ‘di ba? At ikaw lalake, puwede ba, huwag kang feeling! Hindi lahat ng babae magkakandarapa sa iyo!” anito sabay irap nito sa kaniya. “Ahhh, ahhh, ahhh! Huwag kang magsasalita nang tapos Grace, baka mamaya kainin mong lahat iyang sinasabi mo ngayon,” sabat naman ni Doktora Vida sabay appear nito kay Rex. Lalo naman siyang napangiti nang malawak habang pinagmamasdan ang nakasimangot na mukha ni Grace. Ngayong nakita na niyang muli ang dalaga, gagawin niya ang lahat mapansin lang siya nito. ***** Ilang minuto nang nakaaalis si Rex sa clinic pero hindi pa rin mapakali si Grace mula sa kaniyang kinauupuan. Nawala na ang kaniyang konsintrasyon sa kaniyang ginagawa bago pa dumating ang binata. Hindi rin niya alam kung bakit, pero naramdaman niya ang tila nagkakarerang mga kabayo sa loob ng kaniyang dibdib kanina nang makita niya ito sa pintuan ng clinic. Aaminin niyang mas lalong gumuwapo ang lalake ngayon. Mas malaki na ang katawan nito kumpara noong huling beses na nagkaharap sila nito. Parang ang sarap tuloy magpayakap dito. Ang mga mata nitong ngumingiti rin kagaya ng mga labi nito. Ang matangos nitong ilong, at ang mga labi nitong kay sarap pagmasdan. Lalo na ang pagngiti nitong tila nakatatangal nang pagod. Para tuloy siyang nahuhumaling sa binata. Bigla niyang naipilig nang marahas ang kaniyang ulo dahil sa isiping iyon. “No! Hindi! Erase, erase, erase! Ano ba iyang naiisip mo Grace? Ewww!” kausap niya sa kaniyang sarili. “Aherm! Ano naman ang erase, erase,erase na sinasabi mo? Aha! Si Rex iyan ‘no?” nanunuksong tanong ng doktora sa kaniya. “Ha? Hindi ah!” Nag-iinit ang mukhang mabilis na iniwas niya ang kaniyang mga mata sa doktora. Nakagat pa niya ang kaniyang dila at napamura sa kaniyang isipan. Hindi naman niya akalaing naroroon pala ito at narinig ang kaniyang mga sinabi. “Hmmm, hindi ka magaling magsinungaling Grace. Alam mo girl, okay lang namang pagnasaan mo si JR dahil binata naman iyong tao, saka bagay kayo!” nakangising saad nito habang nakahalukipkip pa ito sa kaniyang harapan.  Kung pagmamasdan niya ito ngayon, para pa itong kinikilig-kilig sa kaniyang harapan. Napasimangot naman siya dahil alam na alam naman ng doktor na may kasintahan na siya, pero itinutukso pa rin siya nito kay Rex. “Dok naman e! Puwede ba, huwag mo nang itukso sa akin iyang Captain playboy ninyo? May jowa na ako, at di hamak namang mas guwapo si Dino kaysa sa Rex na iyon ‘no!” nakairap pa niyang saad sa doktora. “Ayyy! Mali ka riyan girl. Mas guwapo kaya si JR kaysa sa Dino mo!” kontra naman ng doktora sa kaniya. “Saka mas mabait si JR kaysa sa jowable mo. Suplado kaya sa totoong buhay si Dino. Pakitang tao lang iyon sa mga fans niya.” Nangunot naman ang noo niya sa sinabi ng doktora kaya napalingon siyang muli rito. Nagkibit balikat lang naman ito saka ito tumalikod sa kaniya. Tatanungin pa sana niya ito ngunit nakalayo na ito sa kaniyang tabi at diretsong naglakad patungo sa opisina nito. Ano kayang ibig sabihin ni Doktora Vida na pakitang tao lang si Dino sa mga fans nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD