Chapter 13

1578 Words
Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Rex matapos niyang makaharap na muli si Grace, ang babaeng laman ng kaniyang isipan sa mahabang panahon. Hindi niya akalain na muli silang pagtatagpuin nito. Ang buong akala niya ay kailangan pa niyang hanapin ito sa kung saan, makita lang itong muli. Ngunit sa kaniyang pagkadismaya, natuklasan niyang may kasintahan na pala ang dalaga. Napahinga na lang siya nang malalim saka muling pinatalbog ang bola sa kaniyang harapan. Nakaupo siya ngayon sa bench sa bandang harapan ng court na malapit sa kaniyang tinutuluyan. Nakasuot siya ngayon ng kulay ubeng jersey at pawisan dahil katatapos lang niyang mag-shooting. “Pambihira, nagkita nga kaming muli, pero taken naman na siya. Buhay nga naman, oo!” kausap niya sa kaniyang sarili sabay hinga nang malalim. Muli siyang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan at mabilis na itinira ang hawak niyang bola. Kagaya ng inaasahan, pasok walang mintis ang bola sa ring. Napangisi siya saka patakbong muling kinuha ang bolang tumatalbog-talbog pa sa ilalim ng ring. Ilang ulit pa siyang nag-dribol at nag-shoot ng bola saka siya hinihingal na bumalik sa bench na kaniyang kinauupuan kanina. Uminom siya ng tubig mula sa kaniyang jag saka nagpunas ng kaniyang pawis gamit ang malaking puting towel na nakapatong sa kaniyang asul na duffle bag. Hinihingal pa siya habang kinukuskos ang kaniyang basang buhok nang may maupo sa bench na pinagpapatungan niya ng kaniyang bag. “Nice shot, Trimor. Mukhang handang-handa ka na talagang pumasok sa Dreame Magic!” Napalingon siya sa nagsalita at biglang nagningning ang kaniyang mga mata nang makilala kung sino iyon. Mabilis niyang isinukbit sa kaniyang leeg ang tuwalyang ginamit niya sa pagpupunas ng kaniyang pawis kani-kanina lang. “Coach! Kumusta po?” masigla niyang bati sa coach ng Dreame Magic sabay abot ng kamay rito. Inabot naman ng lalake ang kaniyang kamay saka mahigpit na nakipagkamay sa kaniya. “Mabuti naman. Dito ka pala nagpa-practice,” anito sa kaniya matapos siya nitong kamayan. Iniurong naman niya ang kaniyang bag saka naupo sa tabi nito saka tumanaw sa kaniyang harapan kung saan kita niya ang kabuan ng court. “Maganda kasing mag-practice rito coach. Tahimik, at maganda ang court kahit na medyo may kalumaan na,” sagot niya sa lalake. Huminga naman ito nang malalim saka tumayo mula sa kinauupuan nito at kinuha ang bola mula sa upuan at basta na lang itinira iyon. Napaawang ang kaniyang bibig nang makita niyang pasok sa ring ang tira nito. Naglakad itong palapit sa court at kinuha ang bola. “Tatayo ka na lang ba riyan?” tanong nito sa kaniya nang lingunin siya nito. Para naman siyang natauhan at saka mabilis na inalis ang tuwalyang nakasabit sa kaniyang leeg saka mabilis na tumakbo patungo kay Kyle—ang batang coach ng Dreame Magic. Kalahating oras din silang naglaro ni Kyle saka sila muling naupo sa bench kung saan sila nakaupo kanina. In fairness naman kay Kyle, kahit nakamaong na pantalon ito at nakaputing t-shirt, nasabayan siya nito sa paglalaro. “Coach nakapapagod ka pa lang kalaro,” hinihingal pa niyang wika sa lalake.  Totoo naman iyo dahil napagod din talaga siya sa pagdepensa sa lalake. Maliksi si Kyle at hindi maitatangging mahusay rin ito sa larong basketball.Ang ipinagtataka lang niya, bakit mas pinili na lang nitong maging coach kaysa ang maglaro? Bata pa naman ito at maliksi. Napangiti naman ito sa kaniya sabay dukot sa bulsa ng suot nitong pantalon. Kinuha nito ang maliit na towel mula roon saka nagpunas nang pawisan rin nitong mukha. “I miss this. Ngayon na lang ulit ako nakapagpapawis,” nakangiting turan nito sa kaniya. “E, bakit naman coach? Mukha namang kayang-kaya mo pang maglaro e. Hiningal nga ako sa inyo o,” nakangiti niyang turan sa batang coach. Napahinga naman nang malalim ito saka nakangiting bumaling sa kaniya. “Sana nga. Anyway, nice game Trimor. Keep it up! Malapit ka nang sumabak sa Dreame Magic. We’re waiting for you,” wika nito sa kaniya saka ito nakipagkamay sa kaniya. “Thank you coach! Isang karangalan ang makalaro ka ngayong araw. Excited na rin akong makasama kayo sa team!” Malugod niyang tinanggap ang kamay ni Kyle saka mahigpit na nagkamayan. Hindi niya alam kung bakit parang nalungkot ito kanina matapos nilang maglaro. Hindi niya alam pero parang may kakaiba sa coach ng Dreame Magic. Bakit kaya mas pinili na lang ni Kyle na mag-coach kaysa maglaro? Kung anoman ang dahilan nito, well, tanging ito lamang ang nakaaalam.  ***** Naglalakad si Grace patungo sa gate ng Stadium University nang may maulinigan siyang sumisitsit sa kaniya. Hindi niya iyong pinansin at dire-diretso lang siyang naglakad patungo sa gate at doon nag-tap ng kaniyang ID. Ngunit hindi pa man siya nakalalayo sa gate ay muli niyang narinig ang pagsitsit nang kung sino sa kaniya.  Naiinis siyang lumingon sa kaniyang likuran at agad na nakita ang lalakeng ayaw na ayaw niyang makitang muli. Masayang-masaya itong nakikipagkuwentuhan sa babaeng parang maiihi na sa kakiligan sa tabi nito. Napairap na lang siya saka muling nagpatuloy sa kaniyang paglalakad nang may muling sumitsit sa kaniya. Napahinga siya nang malalim saka mariing napapikit. Naiinis na kasi talaga siya sa kung sinomang walang magawang sitsit nang sitsit sa kaniya. “Pst!” Nanggigigil na lumingon siyang muli at masungit na hinarap si Rex na tatawa-tawa habang kausap pa rin ang babaeng katawanan nito kanina. “Hoy! Ikaw na lalake ka, kung wala kang magawang matino sa buhay mo, puwede ba huwag kang mangdamay?” pabulyaw niyang saad sa binatang nakangiti sa kaniyang harapan ngayon. ‘Dios mio Mary Grace! Huwag kang mahumaling sa ngiti nang impaktong iyan!’ bulong niya sa kaniyang sarili. Para kasing biglang naglaho ang pagkainis niya sa lalake nang ngitian siya nito. “Good morning nurse Grace! Para sa akin ba ang mga sinabi mo kanina?” nakangiti pa ring turan nito sa kaniya. “Ha?” tanong niya rito dahil parang bigla niyang nakalimutan na naiinis nga pala siya rito. Hindi na niya alam kung ano nga ba ang dahilan nang pagsusungit niya sa lalake. “Sabi ko para sa akin ba ang pagsusungit mo? Kay aga-aga HB ka na agad,” tatawa-tawa pang turan nito sa kaniya. Doon naman siya tila natauhan. Bigla niyang naalala na ang pagsitsit nga pala nito ang dahilan kung bakit siya naiinis sa binata. Muling tumaas ang isang kilay niya at saka nakapamaywang na hinarap ang lalake. “Oo, para sa iyo ang pagsusungit ko! Bakit mo ako sinisitsitan?” pagtataray niya rito. “Ha? Ako sumisitsit? Kanino, sa iyo? Aba! Bakit ko naman gagawin iyon? Saka ang sarap-sarap nang kuwentuhan namin ni...” wika nito sabay baling sa babaeng katabi nito.  “Aba malay ko sa iyong siraulo ka! Kita mo nga at hindi mo alam ang pangalan ng babaeng ito,” aniya nang mapansin niyang hindi alam ni Rex ang pangalan ng kasama nitong babae. “Grabe ka naman sa akin. Nakalimutan ko lang itanong sa magandang binibining ito ang pangalan niya kasi naaliw kami masyado sa pagkukuwentuhan.” “Kaya nga Miss. Napasarap lang ang kuwentuhan namin ni Captain Rex, kaya hindi ko kaagad naibigay ang pangalan ko. Miles pala Captain,” singit naman ng babaeng katabi ni Rex habang nagpapa-cute pa ito sa binata.  Iniipit pa nito ang buhok nito sa likod ng tainga nito sabay kagat sa pula nitong labi, na halata namang red lipstick ang may sala kung bakit mapula ang mga iyon.  “Sinungaling! Kung hindi ikaw ang sumisitsit, sino?” masungit pa rin niyang tanong rito. “Ewan ko! Saka kung sumitsit man ako, sigurado ka bang ikaw ang sinisitsitan ko kung sakali?” nanunuksong tanong nito sa kaniya. “Oo!” mabilis niyang tugon rito. “Wow! Ang taas naman ng confident level mo Miss!” nang-uuyam namang saad ng babaeng makapal ang labi este lipsticl pala. “I like that! Confident!” nakangisi namang saad ni Rex sa kaniya. Nanggigigil na tinalikuran na lang niya ang dalawa saka siya nagmamadali nang naglakad patungo sa school clinic nang may sumitsit na naman. Mabilis siyang lumingon saka namumula ang mga pisnging hinarap si Rex. Mabilis niyang nilapitan ito saka kwinelyuhan ang binata.  Dahil sa pagkabigla muntik pang magtama ang kanilang mga noo. Mabuti na lang at malakas din ang kontrol nito sa sarili. Nahawakan siya nito sa kaniyang kamay na nakahawak sa kuwelyo niya at napatitig sa kaniyang mga mata. Handa na siyang bulyawan ito nang may sumitsit ulit mula sa likuran ng binata. Nangunot ang noo ni Grace at hinanap kung sino ang sumisitsit na iyon. Isang lalakeng naka-maroon na polo shirt ang nakita niyang tila hirap na hirap na sa kasisitsit sa kung sino. Biglang nag-init ang kaniyang mga pisngi dahil sa pagkapahiya. ‘Shet ka, Mary Grace! Assumerang frog ka kasi, ayan tuloy!’ paninisi niya sa kaniyang sarili. “Baka naman puwede mo nang bitiwan ang kuwelyo ko nurse Grace? Medyo nakakangawit na kasi e. Baka mamaya hindi ko na makontrol ang katawan ko mahalikan pa kita riyan, masabihan mo na naman ako nang kung ano,” nakangiting wika ni Rex sa kaniya. Tila naman siya natauhan at mabilis na binitiwan ang kuwelyo ng damit ni Rex na tila aliw na aliw pa sa kaniya, habang inaayos nito ang uniporme nito. Dahil sa pagkapahiya, mabilis na siyang tumalikod at naglakad na papalayo sa mga ito.  ‘Ang tanga mo talaga girl! Eeeiii!’ aniya sa sarili habang kinakagat ang kaniyang dila. Hindi siya makapaniwalang napahiya siya sa lalakeng kinaiinisan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD