Chapter 7

1901 Words
Three years after... Stadium University Main. Binasa ni Grace ang hawak niyang papel saka napangiti nang makumpirmang iyon na nga ang unibersidad na kaniyang hinahanap. Doon kasi siya natanggap bilang isang nurse sa unibersidad na iyon. Kaga-graduate lang niya at kasalukuyang magre-review para sa kaniyang board exam. Inirekumenda siya ng kanilang paaralan sa unibersidad na iyon, dahil na rin siguro sa magandang reputasyon niya sa kanilang paaralan.  Nagtapos kasi siya bilang Magna c*m Laude sa kanilang paaralan. Kaya naman isa sa kanilang mga professor ay inirekumenda siya sa Stadium University Main at ini-enroll for her board review. Sino ba naman siya para tumanggi? E, maganda naman ang offer, saka hindi na siya mangangarag sa biyahe para sa review niya after work, dahil doon na rin mismo sa Stadium University ang kaniyang review. ‘In fainess, yayamanin!’ sambit niya sa kaniyang isipan habang inililibot ang kaniyang paningin sa paligid. Napakalaki ng paaralang iyon na akala mo ay isang baranggay, sa lawak ng grounds at hiwa-hiwalay na mga buldings. May malaking parking lot din ito at garden na may fountain sa gitnang bahagi niyon. “Nagkakakitaan pa kaya ang mga tao rito?” kausap niya sa kaniyang sarili.  Dahil hindi siya tumutingin sa kaniyang nilalakaran, nabangga siya nang kung sino, at dire-diretso siyang napaupo sa sementadong sahig ng grounds na kinatatayuan niya. Handa na siyang magtaray nang mapagmasdan ang mukha ng lalakeng nakabangga sa kaniya at ngayon ay nakayuko na sa kaniyang harapan. “Sorry!” hininging paumanhin ng lalakeng napakaamo ng mukha.  Ang cute ng singkit nitong mga mata habang nag-aalalang nakatingin sa kaniya. Ang tangos din ng ilong nito at ang pula-pula ng mga labi. Ang kinis ng kutis nitong mamula-mula at may namumuong mga pawis sa noo at mga baraso nito. Halata ring galing ito sa laro dahil nakasuot pa ito ng basketball jersey na kulay itim, at mamasa-masa pa ang buhok nitong dahil malamang sa pawis. “Are you okay? Are you hurt? Dadalhin na kita sa clinic gusto mo?” punom-puno ng pag-aalalang tanong nito sa kaniya. Tila naman siya natauhan nang marinig niya ang sunod-sunod na tanong nito sa kaniya. Mabilis siyang kumilos at akmang tatay0 nang alalayan siya ng lalake. Nang makatayo na siya nang maayos ay mabilis na niyang nabawi ang kaniyang kamay sa lalake. Bigla kasi siyang nakaramdam ng hiya para rito. “Ahm, thank you. Okay na ako, saka sa clinic naman din talaga ako papunta,” nakangiti niyang saad sa lalake habang pinapagpag ang kaniyang pantalon na bahagyang nadumihan. “Okay, gusto sana kitang ihatid sa clinic, pero kasi nagmamadali rin ako e. Pasensiya na ha? Got to go! Bye!” paalamna nito sa kaniya saka ito tumakbo palayo.  Nasundan naman niya nang tingin ang binata saka napakagat sa kaniyang mga labi. Baka kasi bigla na lang siyang mapatili roon at isipin pang nababaliw na siya. Ang cute naman kasi talaga ng binatang nakabangga sa kaniya. Nang hindi na niya matanaw ang lalakeng ay saka naman siya napahinga nang malalim. “Ang cute niya! Sayang hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya. Mukhang hindi pa naman siya tagarito dahil iba ang nakalagay sa jersey niya. Hay!” kausap na naman  niya sa kaniyang sarili. Bahagya pa siyang nagulat nang tumunog ang bell. Bigla siyang napasulyap sa kaniyang relong pambisig at nanlalaki ang mga matang napalinga-linga sa paligid upang hanapin ang clinic. Nagmamadali siyang naglakad patungo sa building na nasa bandang kaliwa niya. Iyon na kasi ang building nahinahanap niya bago siya mabangga ng cutie pie na lalake. ***** “Whooooohoooo! Congrats team! Nanalo na naman tayo!” tuwang-tuwang turan ng coach nila Rex habang nagtitipon-tipon sila sa Stadium court.  Mahigpit ang naging labanan nila kanina ng St. Vincent Academy. Hindi naman kasi maipagkakailang mahusay rin ang kabilang team, lalo na ang Captain ng mga ito.  “Wala e, nasa atin lang naman ang malupit na Captain ball!” pagmamalaki naman ni Jigs sabay akbay sa kaniya. Napangiti naman siya sabay yuko. Ang totoo kasi niyan, nahirapan rin talaga siya kanina.  “Siyempre naman, future Captain ng Dreame Magic yata iyan!” proud na proud namang saad ng kanilang coach. “Grabe naman iyon! Pero siyempre hindi lang naman ako ang nagpanalo ng team, kaya congrats sa ating lahat!” wika niya sa mga kasama na nagsipaghiyawan.  “O, tama na iyan, magsipagligo na kayo at ang babaho niyo na! See you sa victory party mamaya, okay boys?”anang coach nila. “Yes coach!” sabay-sabay na sagot naman nila bago tumalikod ang kanilang coach. Nang makaalis na ang kanilang coach ay nagsikilos na rin naman sila upang magtungo sa kanilang locker upang mag-shower. Habang naglalakad ay panay ang tudyo sa kaniya ni Jigs. “Brad, madami na namang chicks sa victory party niyan! Panalo!”  “Sira-ulo! kailan ba ako nagkainteres sa babae?” naiiling na turan ni Rex sa kaibigan. “Hus! Makatanggi ito, kaliwa’t kanan nga ang mga babaeng lumalapit sa iyo e. Tapos sasabihin mo, hindi ka interesado sa kanila? Don’t me, brad!” hindi naniniwalang turan nito sa kaniya. “Sinabi ko bang maniwala ka? At saka sino ba lumalapit? Sa iyo na nanggaling na sila ang lumalapit sa akin!” nakangisi niyang turan kay Jigs. “Bahala kayo kung ayaw niyong maniwala. Pero loyal ‘to! Iisang babae lang ang naka-reserve para rito!” dugtong pa niya kay Jigs sabay tapik sa kaniyang dibdib. “Boom!” sabay-sabay namang hirit ng iba pa nilang mga kasamahan saka nagtawanan ang mga ito. “Bahala nga kayo riyan kung ayaw niyong maniwala. Basta sinasabi ko sa inyo, kapag lang nakita ko ulit siya, hindi ko na pakakawalan pa,” tugon niya sa mga kasama. “Naku Captain, maraming luluhang chicks niyan!” wika ni Jigs sa kaniya. Nginisihan lang niya ito saka pabirong sinuntok ang braso nito. Wala naman siyang pakialam sa ibang mga babae e, dahil hanggang ngayon iisang babae pa rin ang nais niyang makitang muli. Iyon ay si Snow White, ang nag-iisang babaeng pumukaw ng kaniyang atensyon. ‘Kailan ko kaya makikita ulit ang babaeng iyon?’ tila nangangarap na tanong niya sa kaniyang sarili. Muli na lang siyang napabuga nang hangin saka nagpatuloy na sa pagsabay ng lakad sa mga kasamahan. Kailangan na niyang magmadali dahil may hahabulin pa siyang klase niya ngayon. Well, dahil sa offer ng Dreame Magic, automatic scholar siya ng Stadium University at hindi niya pwedeng pabayaan ang academics niya. Kung hindi, mawawalan na siya ng scholar, mawawala pa siya sa team. Kaya naman kahit na pagod, pinipilit pa rin niya ang makahabol sa mga lessons nila. Mabuti na lang at biniyayaan rin siya ng talino. Kaya hindi siya naliligwak sa kaniyang scholarship. Matapos silang maligo at magbihis ay nagmamadali na siyang nagtungo sa Engineering building kung saan ang kaniyang klase. Nasa huling baitang na siya ng kaniyang kursong Civil Engineering kaya naman hindi siya maaaring magpabaya. Habang naglalakad nakita niyang parang may sinisipat ang mga ka-team niya sa clinic, kung saan madadaanan niya patungo sa kanilang building. Kunot-noo lang siyang naglakad palapit sa mga ito at bahagyang nakisilip sa loob ng clinic. Wala naman siyang makitang kakaiba roon maliban sa bagong nurse na nakatalikod mula sa kinatatayuan niya.  “Anong mayroon?” tanong niya kay Ralph na kulang na lang ay mabali ang leeg sa kasisilip sa loob ng clinic. “Brad, ang ganda noong bagong nurse! Ang puti-puti at ang sexy!” tugon nito sa kaniya, habang napapakagat pa ito sa mga labi nito. Muli naman siyang sumulyap sa clinic at napailing na lang nang hindi na niya makita ang nurse na sinasabi nito. “Tsk! Maputi lang, maganda na? Bakit nakita mo na ang mukha?” tanong niya kay Ralph saka niya inayos ang kaniyang bag sa kaniyang balikat. “Hindi! Pero Brad, maganda iyon promise,” anito sa kaniya. “Tsk! Bahala ka na nga riyan. Akala ko naman kung ano nang mayroon, at nagkakagulo kayo rito. Mauuna na ako sa inyo at may klase pa ako.” Tinapik niya ito sa braso saka tumalikod sa kasamahan.  Kung hindi lang siguro siya mahuhuli sa klase niya, baka isa rin siya sa mga tsismosong maghihintay sa pagpihit ng bagong school nurse. Hindi rin niya maipaliwanag pero parang may something sa babaeng iyon na parang nais niyang tuklasin. Hindi niya matukoy kung ano, pero parang kilala niya kasi ang babaeng nakatalikod sa kaniya kanina. ***** Naiilang na si Grace dahil sa mga matang kanina pa nakatingin sa kaniya. Alam niyang simula nang pumasok siya sa clinic ay nakasunod na ang mga studyanteng lalake sa kaniya. Gusto na nga sana niyang tarayan ang mga ito kung hindi lang niya iniisip na unang araw niya ngayon sa trabaho. Kaya naman para hindi siya ma-distract, tumalikod na lang siya mula sa pintuan upang hindi niya makita ang mga estudyanteng nakaabang pa rin sa pintuan ng clinic. “Miss Yabao, pasensiya ka na sa mga estudyante rito ha? Mukhang nagagandahan lang sila sa iyo,” hinging paumanhin ng school doctor nila. “Okay lang po Doc. Masasanay rin ho siguro ako sa kanila,” nakangiting tugon naman niiya rito. “Good. Anyway, nakausap ko na pala si Misis Peralta at nabanggit niya sa akin na naka-enroll ka rin pala dito for your review. That’s absolutely good idea, at least hindi ka na mahihirapan pang bumiyahe. So, tell me, okay lang ba sa iyo ang schedule mo na eight in the morning to three in the afternoon? I heard na five in the afternoon pa naman daw ang review for nursing. You still have time para mag-prepare,” magiliw na tanong nito sa kaniya. “Opo Doc. Okay na okay po sa akin ang schedule ko,” nangingislap naman ang mga matang tugon niya sa batang doctora. “Good. So, I think we’re all set. You may start today. Don’t worry, iga-guide kita. Kapag may mga tanong ka, let me know, okay?” nakangiting wika nito sa kaniya. “Thank you Doc. Sige po, iche-check ko lang po ang mga gamit at files para ma-familiarize po ako,” excited na turan niya sa doktora. Tinanguan naman siya nito at saka iminuwestra ang pintuan palabas ng maliit na opisina nito.  May ngiti naman sa mga labi siyang lumabas ng opisina ng doktor at nagtungo na sa mga lagayan ng mga gamot at isa-isa iyong tiningnan. Familiar naman na siya sa mga iyon, ngunit nais lang niyang malaman kung saan-saan ito nakalagay. Matapos doon ay ang mga files naman ang pinagkaabalahan niya. Nakita niya roon na halos mga athletes pala ang kadalasang napapadpad sa clinic na iyon.  Inisa-isa niya ang mga pangalang naroon at napahinto sa isang pangalang tila pamilyar sa kaniya. “John Rex Trimor,” sambit niya roon. Hindi niya maintindihan ang sarili pero bigla na lang ang pagkabog ng kaniyang dibdib. Iisang tao lang kasi ang naalala niya may kapareho ng pangalang iyon. Pero imposible namang si Rex iyon— ang Captain playboy ng dati nilang paaralan. ‘Kapangalan lang siguro niya iyon,’ sambit niya sa sarili saka kibit-balikat na ibinalik sa lagayan ang mga files.  Huminga siya nang malalim saka nakangiting pinagmasdan ang loob ng silid na iyon kung saan siya magtatrabaho. Unti-unti na niyang makakamit ang kaniyang mga pangarap. Hindi lamang para sa kaniya, kundi para sa kaniyang pamilya na rin. ‘This is it Grace, malapit mo nang maiahon sa hirap ang pamilya mo!’ kausap niya sa kaniyang sarili. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD