Chapter 5:

1869 Words
Pagkauwi nina Angel sa kanilang bahay ay agad na tinawagan ang kaibigang si Marie upang alamin kung tama ang kanyang hinala. Malaki kasi ang pag-asang nakadaupang palad niya kanina ang prospecr client ng kaibigan niya. "Hello, kumusta ang pagbabalik Pilipinas?" bulalas ni Marie sa kabilang linya. "Well and good, matanong ko lang, do I hear it right, kailangan nating makuha si Mr. Micholas Santiago para mag-invest sa itatayo nating negosyo?" maang na tanong rito. "Exactly, bakit, girl, kilala mo ba si Mr. Santiago?" balik-tanong ni Marie sa kanya. "Not exactly pero mukhang nakasalubong ko na siya kanina," aniya sa kaibigan. "Really? Is it true?" bulalas pa nito na super excited ang tinig. "Is it true, what?" aniya. Tumawa ng napakalakas ang kaibigan sa kabilang linya. "Well, sabi kasi nila na despite his age, guwapo pa rin daw ang loko," tugon ng kaibigan dahilan upang balikan sa isipan ang hitsura ng lalaki. "Oh, well, may hitsura siya," hindi napigilang komento. "Really?" malakas na tili ng kaibigan sa kabilang linya. "Hey, kung makatili babaeng ito, parang walang boyfriend. How about Mr. Han," aniya tukoy ang Singaporean na magiging business partner nila na kasintahan nito. "Na-excite ako na makilala si Mr. Nicholas Santiago and speaking of the handsome devil, nag-confirm na pala ang sekretarya niya kanina. He will meet us, tomorrow afternoon around 3 PM," bulalas na imporma ni Marie sa kanya. Napamaang si Angel, hindi alam kung handa na ba siyang humarap sa mga tao pero kailangan niyang maging aggressive dahil hindi biro ang ipupuhunan niya dahil ipon niya 'yon ng halos mahigit-kumulang limang taon. "Okay, I will be ready, is Mr. Han gonna be with us?" tanong sa kaibigan. "Not sure because he has a meeting daw with his client, alam mo namang bukod sa negosyo nating itatayo ay may dalawa pa siyang negosyong pinapatakbo," paalala ni Marie sa kanya. Sa bagay, alam na nila ni Marie na ganoon ang magiging set-up nila, kinailangan lang nila ang dalawang milyong investment nito para makompleto ang lahat ng papeles na kakailanganin nila sa DTI at sa BIR. "Since nakita mo na personally si Mr. Santiago, do you think, kakagat siya sa business proposal natin?" maya-maya ay tanong ni Marie sa kanya. Napakibit-balikat si Angel. "Hopefully, mukhang marami siyang ka-meeting kasi even kanina ay mukhang may mga kinatagpo siyang client, he's too formal," tugon kay Marie. Narinig niyang napabuntong-hininga ito. "Naniniwala akong maaakit siya sa ganda mo," bulalas ni Marie. "Marie, baka may asawa na 'yong tao, tapos na ako sa bagay na ganyan," aniya kay Marie na kinatawa naman nito. "Sure ka ba?" pilyang tanong pa nito matapos tumawa sa kabilang linya habang siya naman ay natitigilan. "Okay, pasensiya ka na, dapat ay hindi ko na binanggit pa ang tungkol sa bagay na ganyan baka naalala mo na naman si Trevor," bulalas pa nito na tila sinasadya pang banggitin si Trevor. "Marie!" gilalas niya sa inis na pero parang tuwang-tuwa pa ang kaibigan. Ngunit matapos ng ilang sandali ay napatigil ito lalo na at halatang naiinis na siya. "Okay, sorry na," anito at tila sumeryoso naman na pero ilang minuto lang ang nakakaraan ay muli itong nagsalita. "Pero seryoso ako, girl, kung walang asawa si Mr. Santiago, papatulan mo ba kahit medyo matanda na?" bulalas na tanong ni Marie sa kanya. Napatigil si Angel at inalala sa isipan ang hitsura ni Nicholas Santiago. Actually, sa isang anggulo na nakita ito ay may pagkakahawig sila ni Trevor hindi lamang niya inintindi dahil ayaw na niyang isipin pa si Trevor. Hindi niya namalayan na muli siyang napatulala dahilan upang muli siyang untagin ng kaibigan sa kabilang linya. "Hala! Mukhang talagang pinag-iisipan, ah, naku-curious tuloy akong makita si Sir Nicholas," pilya at natatawang wika ng kaibigan. "Ewan ko sa 'yo, ibababa ko na ito kasi tinatawag na ako ng anak ko," kaila niya sa kaibigan bago pa kung saan-saan mapunta ang usapan nila. Pagkapatay sa tawag sa kaibigan ay napabuntong-hininga si Angel. Naalala ang naging pagkikita at usapan nila ni Trevor kanina. Natitiyak niyang hindi ito titigil hangga't hindi nito malalaman na anak niya si Tiffany. Ngayon pa lamang ay hindi niya alam kung papaano sasagutin ang anak kapag nagsimula na itong magtanong hinggil sa ama nito. Nakahalukipkip siya at nakatingin sa malayo nang marinig ang tinig ng ina. "Anak, kanina pa kita pinagmamasdan mula sa balkonahe, may problema ba?" untag ng ina sa kanya. Nilingon ang ina sa kanyang likuran, nasa harden kasi siya. "Wala naman, mama, kinausap ko lang si Marie tungkol sa plano naming itayong negosyo," kaila sa ina. Ngumiti ito sa kanyang sinabi. "Mabuti naman, anak at hindi na kayo aalis ng apo ko," masayang wika ng ina. "Kaya nga po, inaayos naming mabuti ni Marie para maging successful ang negosyong itatayo namin kaya lang medyo kapos kami kaya makikipag-meeting kami bukas sa possible investor sa negosyong itatayo namin, sana lang ay pumayag siya sa business proposal namin ni Marie," mahabang kuwento sa ina. Mas lalong tumamis ang pagkakangiti nito, lumapit at hinawakan ang magkabilaang balikat niya. "Anak, noon pa man ay bilib kami ng papa mo sa galing at kakayahan mo kaya tiyak na makukuha niyo ang inaasam ninyong insvestor na 'yan," turan ng ina na nagpangiti na rin sa kanya sa kabila ng alalahanin hinggil sa anak at kay Trevor. "Salamat, mama, sana nga ay makuha namin ang approval ng target namin," puno ng kumpiyansang wika sa sarili. *** Kinabukasan, suot ni Angel ang black miniskirt, black stockings na binagayan ng black high heels niya, white long sleeve na pinatungan niya ng black blazer na hakab na hakab sa makurbang katawan niya. Talaga namang pinaggandaan niya ang paghaharap nilang 'yon ni Mr. Nicholas Santiago. "Wow! Mukhang CEO na CEO ang dating natin, ah," natatawang komento ni Marie ng makita siya nito. Ito kasi ay simpleng black slacks at white blouse ang suot nito. "Well, gusto ko lang ipakita kay Mr. Santiago na seryoso tayo sa negosyong nais nating itayo," aniya sa kaibigan habang mabilis na pinasadahan ang mga inihanda niyang business proposal dito. "Okay, cool, sana ay mabighani agad siya sa ganda natin at pumayag agad," patawa ni Marie upang mawala ang kaba sa kanilang dibdib. "Let's go," anang pa nito. Puno ng kaba ang dibdib ni Angel habang nagmamaneho, mas lalo pang dinamba ng kaba ang dibdib nang may sasakyang nag-overtake at kinuha ang lane nila. Malakas ang ginawang pagbusina sa inis at tinapatan ito at sinenyasang gumilid. Nainis na talaga siya dahil kamuntikan silang maaksidente. "Oh my God! Muntik na tayo doon, girl," bulalas ni Marie sa tapat niya na nakahawak pa sa dashboard ang isang kamay habang ang isa naman ay sa dibdib Matapos businaan ng sunod-sunod ang sasakyan ay gumilid naman ito sabay baba ng bintana nito ay bahagyang napaatras si Angel nang mapagsino ang driver ng sasakyang nag-overtake sa kanila, si Trevor. "I'm sor—" putol na turan ni Trevor nang mapagsino siya nito. "Angel?" maang na wika nito. Maging si Angel ay napatigil at tila umurong ang dila nang makita si Trevor ngunit nabigla siya nang marinig ang tinig ng lalaki na agad ring nakabawi. "Sorry, nagmamadali kasi kami—" "So, idadamay mo pa kami sa pagmamadali mo, ganoon?" inis na wika sa lalaki. "Nasa ospital kasi si Samantha, nawalan daw ng malay kanina," saad nito na bakas ang pag-aalala sa mukha. Tila natulig si Angel sa narinig na sinabi ng lalaki, sa nakikitang reaksyon nito ay mukhang mahal na mahal nito ang asawa. Parang gustong tumulo ang luha ni Angel, para kasing pinapamukha ni Trevor sa kanya na isa siyang uto-uto. Umasa sa pangako nitong napako, naging kabit sa pag-aakalang hihiwalayan nito ang asawa. Halos magulat siya nang maramdaman ang pagdantay ng palad ni Marie sa balikat niya. "Girl, baka ma-late tayo, kanina pa tayo iniwan ni Trevor, mukhang nag-aalala masyado sa asawa," bulalas ni Marie na nagpabalik sa kanyang isipan. Wala siyang nagawa kundi ang magpatuloy sa kanilang pupuntahan, ayaw niyang maging ang negosyong itatayo ay mapurnada o hindi matuloy dahil kay Trevor. Pagdating nila sa opisina ni Mr. Nicholas Santiago ay halos malula sila ni Marie sa garbo at elegante ng lugar. Mula sa kasuotan ng mga empleyado hanggang sa mga makikitang muwebles at dekorasyon. "Have a seat, ladies, Mr. Santiago is having a short meeting. Do you something to drink?" tanong ng sekretaryo nito na tantiya nila ay nasa edad kuwarenta. "Thank you, sir, just water," wika ni Marie. "Ay!" tiling alma nito sa pagtawag ni Marie na sir dito, doon ay napag-alaman nilang bakla ito. "Sir, talaga," gilalas nito. "Alangan namang ma'am, eh, ang guwapo mo kaya," pagbibiro ni Marie dito. Maya-maya ay tumunog ang intercom nito, pagkabalik nito sa intercom ay sinabing maaari na silang magtungo sa opisina ni Mr. Santiago, agad naman silang inasistehan ng baklang sekretaryo nito. Medyo may kalayuan din ang nilakad nilang pasilyo bago marating ang opisina ni Mr. Santiago. Napabuntong-hininga muna silang magkaibigan bago sumunod sa sekretaryo nito papasok sa opisina nito at doon ay nasumpungan ang lalaking tila hari na nakaupo sa kanyang desk. Malawak at magarbo ang opisina nito. "Sir, nandito na po sila," turan nito. "Salamat, Conrad," baritonong tinig ni Mr. Santiago sabay tingin sa kanya. Nakita niyang bahagyang napakunot si Mr. Santiago nang mapatingin sa kanya, marahil ay naalala pa niya ang kamuntikan na silang magkabanggahan. "Angel," maya-maya ay nanulas sa labi nito. Agad na nagbawi ng tingin si Angel mula kay Mr. Santiago at nagawi ang mga mata sa picture frame sa ibabaw ng mesa nito. Sunod-sunod na lunok ang kanyang ginawa nang makita ang larawan ng mama ni Trevor kasama si Mr. Santiago. Agad na naglaro sa isipan ang ugnayan ng dalawa, imposibleng asawa nito o kabit dahil kilala niya ang mama ni Trevor, mahal na mahal nito ang kanyang papa. "She's my only sister," saad ni Mr. Santiago nang mapansin nitong nakatitig siya sa larawan sa ibabaw ng mesa nito. Napabaling siya sa kabilang frame at doon ay nakita ang larawan ng buong pamilya nito. Naramdaman niya ang bahagyang pagsiko ni Marie sa kanya dahilan upang bumalik sa isipan ang kanilang pakay. "Sorry, Mr. Santiago, mukhang wala pa sa isipan ang kaibigan ko kasi kamuntikan kaming maaksidente kanina. By the way, here's our business proposal," pukaw ni Marie kay Mr. Santiago at upang iligtas na rin siya sa kanyang pagkakablangko. "Ganoon ba, sorry to hear that," anito sabay kuha sa folder na iniaabot ni Marie. Tumingin muna kay Angel bago iyon binuklat at hindi pa man lubusang nababasa ay ngumiti ito at tumingin sa kanila. "Deal," anito. "What?" bulalas nilang dalawa sa sinabi nito. Tumawa si Mr. Santiago. "I said, I think it's a good investment, so, I'm in," he said. Halos mapatalon sina Marie at Angel sa tuwa nang mapatingin ulit siya sa larawan ni Mr. Nicholas Santiago at sa mama ni Trevor. Doon ay naalalang Santiago nga pala ang middle name nito pero paanong hindi man lang ito ipinakilala ni Trevor sa kanya noon. May kurot ulit sa puso dahil mukhang totoo ang iniisip na ginamit lang siya nito noon. May galit na umahon sa kanyang dibdib at agad na napabaling kay Mr. Santiago ang tingin dahilan upang magtama ang paningin nila dahil nakatingin din pala ito sa kanya ng matiim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD