Nagmamadali at nangangatog ang mga paa ni Angel nang iwan nila si Trevor, talagang hindi pa siya handang makita ito ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana.
"Oops! Watch your step, lady," baritonong tinig.
"Sorry," agad na hingi ng paumanhin ni Angel sa lalaking naka-Amerikana. Tantiya niya ay nasa edad singkwenta pataas pero kung pagbabasehan ang porma at hitsura nito ay tila bata pa ang dating.
Simpatikong napangiti ang lalaki sa kanya. "It's okay, miss, muntikan lang tayong magkabanggaan. Ayos ka lang ba?" concern na tanong ng lalaki.
"Mommy, what took you so long?" agaw ng matinis na tinig ng anak na noon ay bumalik pa.
Natuwa ang lalaking nasa harapan. "Naku, nagalit na ang Aling Maliit," biro ng lalaki.
"I understand that," sita ng anak sa sinabi ng lalaki saka ito humalukipkip.
Mas lalong natawa ang lalaki sa anak. "Sorry, kung naantala ang mama mo, ang bilis mo raw kasing maglakad, muntik niya tuloy akong mabangga. Bakit, hinihintay na ba kayo ng daddy mo?" ani ng lalaki sa anak. Gustuhin mang sawayin ni Angel ang lalaki pero namanhid ang dila.
"I don't have a daddy," mataray na wika ng anak sa lalaki.
Napatingin ang lalaki na tila nagtatanong ang mga tingin nito.
"I'm sorry, sir, masyado ka na naming naabala," mabilis na putol ni Angel sa usapan nila ng lalaki.
"Nicholas Santiago," pahabol ng lalaki sa pangalan nito.
Napatigil si Angel ng marinig ang pangalan ng lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay 'yon ang pangalan ng businessman na kailangan nilang hikayatin ng kaibigan upang mag-invest sa itatayo nilang negosyo. Hindi kasi sasapat ang ipon nila upang magtayo ng sarili nilang negosyo.
"A-Angel," usal niya.
Muling ngumiti ng simpatiko ang lalaki. "Nice meeting you, Angel," anito.
"Mommy, I'm hungry na," inis na tawag ng anak sa kanya.
"I'm sorry, sir, I have to go," ngiti ni Angel sa lalaki.
Matamis din itong ngumiti. "It's okay, better na puntahan mo na siya baka magwala na," natatawang biro ng lalaki sa kanya.
Pagbalik ni Angel sa restaurant ay nakitang kandong-kandong na ng ina ang kanyang anak na nakabusangot.
"O, anak, bakit tila nagmamarkulyo ang batang ito?" tanong ng ina.
"Gutom na raw po kasi," natatawang sagot upang patawanin ang anak pero mas lalo itong napabusangot.
"Paano po ay nakikipag-usap si mama sa stranger," sumbong ng anak sa magulang.
Kapwa napalingon ang magulang sa kanya na tila tinatantiya kung hindi ba si Trevor ang tinutukoy ng anak na stranger.
"Naku, may muntik kasi akong nakabanggaan kanina, si Mr. Nicholas Santiago sa kakamadali kong sundan 'yang si Tiffany," tugon sa magulang saka bumaling sa anak. "At hindi ko gusto ang way ng pananalita mo kanina, anak, you should always say po and opo if you are talking to older people," sermon niya sa anak na mas lalo nitong kinabusangot.
"Tama ang mama mo, apo, you should respect older people," sang-ayon ng ina sa kanya.
"Older people like you po, mamita?" turan ng anak na kinatawa ng ina.
"Oo, old na talaga ang mamita mo," birong tawa ng ina sa kanyang anak.
Maya-maya ay dumating ang kapatid na alanganin ang pagkakangiti sabay upo sa tabi ni Angel.
"Saan ka galing?" maang na tanong sa kapatid.
"Sumunod ako sa inyo sa CR, pero mukhang hindi tayo nagpang-abot pero nakita ko si. . ." putol na wika ni Anne sabay baling sa mga magulang. "Nakita ko si Kuya Trevor," bulong nito para hindi marinig ng mga ito. "Mukhang nandito rin yata," dagdag pa nito habang inililibot ang tingin sa buong paligid.
***
Nagulat si Trevor nang makakasalubong pa niya ang tiyuhin, matagal na panahon niyang iniwasang magkasalubong ang landas nila. Tila ba nananadya ang pagkakataon dahil matapos na makasalubong si Angel matapos ng limang taon ay makakasalubong naman ang tiyuhin.
Nang makilala siya nito ay agad na napangisi.
"Wow! Long-time no see, Trevor? Balita ko ay sinusubukan mo ulit ibangon ang papalubog na negosyo ng ama mo," sarkastikong turan ng tiyuhin. "So, what do you gonna do this time? Maghahanap muli ng mag-aahon sa negosyo ng ama mong talunan?" matalas na dila ng tiyuhing si Nicholas Santiago, ang nag-iisang kapatid ng kanyang ina.
"Tito, huwag mong isali si papa rito, matagal na niyang ipinasa sa akin ang pamamahala ang Lorenzana Food Incorporation," saad ni Trevor.
Patuyang napatawa ang tiyuhin. "Kahit anong sabihin mo, Trevor, talunan ang iyong ama. Kahit kailan ay hindi ko siya matatanggap para kay Ate Trinidad," bulalas ng tiyuhin.
"Tanggapin mo na, Tito Nicholas dahil matagal na silang nagmamahalan at ako ang bunga ng pagmamahalan nilang 'yon," giit ni Trevor saka iniwan ang tiyuhin.
"Kaya kayo namamalas na mag-ina ay dahil sa papa mo, tandaan mo ito, Trevor, gagapang kayo sa hirap ni ate hangga't hindi niyo iniiwan ang inutil mong ama," pagmamaliit ng tiyuhin sa ama dahilan upang magpantig ang tainga ni Trevor at mabilis na binalikan ang tiyuhin at hinawakan sa may kuwelyuhan ng suot nitong Amerikana.
"Tito, malaki ang respeto ko sa inyo kaya huwag niyo pong sagarin," ani Trevor saka malakas na binitiwan ang tiyuhin saka mabilis itong iniwan bago pa mapatulan ito.
Inis naman si Nicholas sa ginawa sa kanya ng kanyang pamangkin pero hindi na niya pinatulan, sisiguraduhin niyang gagapang silang mag-ama na nakaluhod habang lumalapit sa kanya.
Mabilis na inayos ni Nicholas ang suot, sa kabila ng inis sa pamangkin ay nagawa niyang mapangiti nang maalala ang babaeng muntikan na niyang makabungguan kanina. She pretty, a perfect woman for a millionaire man like him.
"Babe, nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap," tinig ng asawang si Michelle. Maganda ang asawa, noon pero matapos siyang bigyan ng dalawang anak na babae ay tila nalosyang na ito at ni hindi man lang siya nagawang bigyan siya ng lalaki.
"Pupunta sana ako sa CR nang makasalubong ko si Trevor," sagot sa asawa.
"Really, nandito ang pamangkin mo?" bulalas ng asawa na kinakitaan ng pagkagiliw sa kanyang sinabi. "Where is he?" tanong pa nito.
"He's gone, as usual, mainit ang dugo sa akin ng sabihin kong talunan ang kanyang ama," bulalas sa asawa na kinakunot nito ng noon.
"Babe, hindi ba panahon na para—" putol nitong wika nang barahin ito.
"Ikaw ang panahon na upang ibalik ang ang dati mong alindog, nakakawala ka ng gana," banas na bara sa asawa saka mabilis itong iniwan.
"Nicholas, wait!" tawag pa ng asawa pero hindi na niya ito pinansin pa at sa kamamadali ni Nicholas na makalayo sa asawa ay hindi niya napansin ang babaeng papalabas mula sa isang shop.
"Ouch!" maarteng tinig ng babae.
"Sorry, miss," agad na hingi ng tawad.
"Sorry? My God! Look what you've done, you ruine my outfit, alam mo bang ang mahal nito," maarteng wika ng babae.
Napangiti si Nicholas sa babae saka mabilis na inilabas ang check niya sa bulsa ng kanyang tote jacket at nagsulat ng isang daang libo roon at ibinigay sa nagwawalang babae.
"Is it enough, if not, don't hesitate to call me in my number," anang pa ni Nicholas sabay abot sa tarhetang hawak sa babae saka ito kinindatan dahilan upang mapangiti ng matamis ang babae nang makita ang halagang isinulat sa tseke.
***
Pagdating ni Trevor sa kinaroroonan ng mag-ina niya ay matiyaga ang mga itong naghihintay sa kanya para kumain na sila.
"Daddy, bakit ang tagal mo po?" inosenteng tanong ng anak, samantala ang asawa ay nakangiti pa rin sa kabila ng tagal niya.
"Sorry, anak, nakasalubong kasi ni daddy mo ang Lolo Nicholas mo," tugon sa anak na mas lalo nitong kinabusangot.
"Mabuti at hindi ka na naman niya ininis?" dinig na tanong ng asawa sa kanya.
Napabuntong-hininga ng malalim si Trevor sa tanong ng asawa, batid kasi ng asawa na malayo talaga ang loob sa kanyang tiyuhin.
"Well, medyo nagkairingan kami ni tito lalo na at wala na siyang bukambibig kundi ang paglalugi—" putol na turan dahil ayaw niyang marinig ng anak ang hinggil sa unti-unting paglubog ng kanilang negosyo.
"It's okay, hon, hindi pa masyadong mauunawaan ang anak natin," saad ni Samantha saka matiim na tumitig sa asawa. "Bakit hindi ka kaya lumapit sa kanya," mungkahi pa nito.
"No!" bahagyang napataas na boses ni Trevor, ngunit agad ring humingi ng despensa sa asawa. "Sorry, hon, that's the least thing in my mind, ang humingi ng tulong sa kanya," mataas ang pride na wika.
Napabuntong-hininga rin si Samantha sa narinig na sinabi ng asawa, alam niyang malalim ang hinanakit na itinatago nito sa kanyang tiyuhin. Pero kung pananaigin nito ang pride ay mas mahihirapan siyang bumangon, kung makakahingi siya ng tulong sa tiyuhin ay tiyak na muli silang makakabalik sa itaas.
"Kilala ko ang tiyuhin kong 'yon, mas gugustuhin niyang makita kaming gumagapang at naghihikaos kaysa tulungan," matiim na wika ni Trevor dahilan upang hindi na isipin ni Samantha ang humingi man lang ng tulong sa tiyuhin.
"Okay, hon, mabuti pa siguro ay kumain na muna tayo," pag-iiba ni Samantha sa kanilang usapan lalo na at kita ang tensyon sa mukha ng asawa.
"Mabuti pa nga, hon," tugon ni Trevor saka pasimpleng tinapunan ang direksyon kung saan naroroon sina Angel at ang pamilya nito at saktong nagtama ang kanilang mga paningin. Parang may gumapang na kuryente sa buong katawan sa pagtatama ng kanilang mga mata, agad na binawi ang tingin sa tindi ng galit na nakikita sa matalim na titig ni Angel sa kanya.