Chapter 6: Revenge of a Jilted Lover Started

1694 Words
Unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Angel dahilan upang mapangiti rin si Mr. Santiago sa kanya. Napalis lang ang ngiti sa labi ni Angel nang marinig ang pagtikhim ni Marie sa kaliwang side niya. "Thank you so much, Mr. Santiago, it's pur pleasure to be a part of our company," magiliw na agaw-pansin ni Marie na alam niyang napansin ang ginawa nilang ngitian ng lalaki. "But, mind if I ask you one thing," hirit ni Marie dito. Kinabahan si Angel dahil baka kung anu-ano na naman ang itanong ng kaibigan sa lalaki. Imposible kasing hindi nito nakita ang mga larawan sa desk nito, kita roon na may asawa at dalawa itong babae. "Yes, what is it, Mis—" "Ana Marie Fernandez but just call me Marie," masiglang wika ng kaibigan nang mapansing hindi alam ni Mr. Santiago kung ano ang itatawag sa kanya. "Sure, Miss Fernandez, may gusto kang itanong?" anito. Tahimik lang si Angel na naghihintay na ibuka ng kaibigan amg bibig nito. "Yup! Gusto ko sanang itanong kung nasaan ang CR," bulalas ni Marie dahilan upang mapasinghap si Angel. Akala niya kung ano na ang itatanong nito, itatanong lang pala kung nasaan ang CR. Natawa ang lalaking kausap nila. "Kinabahan pa naman ako sa itatanong mo, akala ko mahihirapan akong sagutin," tawang palatak nito. "Sorry, sir, hindi ko na kasi mapigilan," tila namimilipit na wika ni Marie. Mabilis na itinuro ni Mr. Santiago sa kaibigan kung nasaan ang banyo. Hindi naman 'yon kalayuan dahil may sarili itong banyo sa loob ng kanyang opisina. Mabilis pa sa alas-kuwatrong tinungo ni Marie ang banyo, pagkapasok nito ay hindi niya naiwasang mapalingon kay Mr. Nicholas Santiago. Muli ay nagtama ang kanilang mga paningin at hindi maikubli sa mata nito ang tuwa. "Akala ko ay hindi na kita makikitang muli, what a coincidence na kayo pala ang itinawag ng sekretarya ko kahapon matapos tayong magkabungguhan," nakangiting wika nito. Medyo natitigilan si Angel pero agad rin namang nakabawi, ngumiti siya rito ng matamis at naupo sa upuang nasa harap ng desk nito. "Well, hindi ko rin inaasahan, sir na kayo—" putol na wika ni Angel nang itaas ng lalaki ang kamay nito upang awatin siya. "Don't call me, sir, just Nicholas," anito. Mas lalong natigilan si Angel bagay na nahalata ng lalaking kausap. "Mas gusto ko kasi Angel na first name bases kami ng mga partners ko," bulalas nito. Napapalunok si Angel dahil batid niyang may laman ang bawat titig ni Mr. Santiago sa kanya. "Sure, Nicho—las," nabubulol na saad niya sa lalaki. "That's better," matamis na ngiti nito. "I do hope, we have a better partnership," anito na tila iba ang nais nitong ipakahulugan sa salitang partnership. Naisip niyang pagkakataon na niyang gumanti kay Trevor sa pamamagitan ng kanyang tiyuhin. Sa isiping 'yon ay sinuklian niya ng matamis na ngiti ang mga titig ng lalaki sa kanya. "May nakapagsabi na bang, masyado kang maganda kapag nakangiti ka," simpatikong saan nito. Natawa si Angel sa sinabi nito saka sinagot ang lalaki. "Meron na," aniya na pilyang nakangiti rito. Nagtaas ito ng kilay sa sagot niya. "Nanay ko," dugtong niya dahilan upang mapatawa ang lalaki. Malalakas na tikhim ang umagaw sa tawanan nilang dalawa at nalingunan ang kaibigang nakalabas na ng banyo. "Tapos ka na pala," aniya sa kaibigang si Marie upang untagin ito. Nakatingin kasi sa kanya ng matiim nang malingunan ito. "Thank you, Mr. Santiago for accomodating us," baling sa lalaki bilang paalam. "Well, it's my pleasure to see you again, Angel, you too Miss—" putol ni Mr. Nicholas na tila nakalimutan ang pangalang binanggit ng kaibigan kanina. "Miss Fernandez," si Angel na ang nagsabi dahil mukhang napipilan na si Marie sa kinatatayuan nito. "Yeah, Miss Fernandez, sorry, I keep forgetting names," saad ni Mr. Santiago na puno ng paumanhin. "Girl, bakit ka tahimik diyan?" untag niya kay Marie nang unti-unti itong nilapitan. "Aalis na tayo," dagdag pa niya. "Yeah, mukha ngang makakalimutin kayo, Mr. Santiago pero mukha rin namang hindi mo nakalimutan ang pangalan ng kaibigan ko," bulalas ni Marie. "Marie," ngitngit na bulong ni Angel sa kaibigan. Tumawa si Mr. Santiago sa sinabi ni Marie. "O, well, hindi ko makakalimutan ang cute na Aling Maliit na pinagalitan ang mommy niya," saad nito natatawa pa rin. Nagtinginan sina Marie at Angel, pinandilatan na lamang ng mata ng huli ang una upang matigil ito bago makahalata si Mr. Santiago. "Okay, sir, we're going bago pa kung ano ang masabi ko," pabirong wika ni Marie pero batid ni Angel na patama 'yon sa kanya. *** Pagkalabas nina Angel at Marie sa opisina ni Mr. Santiago ay agad na inusisa ni Angel ang naging asal ng kaibigan kanina. "Ano bang nangyayari sa 'yo?" aniya kay Marie. Nakakunot-noo ito. "Ano'ng nangyayari? Hindi ba dapat ay ako ang nagtatanong niyan?" bulalas ni Marie. Siya naman ang napamaang lalo na nang marinig ang sinabi nito. "Akala ko ba, hindi mo papatulan kung may asawa pero bakit iba ang nakita ko kanina?" tila usig ni Marie sa kanya. Umilap ang kanyang mga mata saka mabilis na nag-iwas ng tingin. "Girl, huwag ka nang tumanggi, kilala na kita mula dulo ng buhok mo hanggang sa dulo ng kuko ng hinliliit mo. Dahil ba ito sa tiyuhin siya ni Trevor?" bulalas muling wika ni Marie. Nabigla si Angel sa sinabing 'yon ng kaibigan. "Huwag ka nang magkaila, mama ni Trevor ang babaeng kasama ni Sir Nicholas sa larawan na sabi niya ay nag-iisang kapatid niya," panghuhuli ni Marie sa kanya. "Alam ko na kung ano ang tumatakbo diyan sa utak mo at ngayon pa lang ay pagsasabihan na kita. Walang magandang idudulot ng paghihiganti mo," tahasang bigkas ng kaibigan sa pinaplano pa lamang niyang gawin. "Wala naman akong—" "Gaya ng sabi ko, Angel, kilala na kita mula dulo ng buhok mo hanggang sa kuko mo kaya huwag ma na magkaila," giit ni Marie. Medyo natinag naman siya sa sinabi nito. "Ano ka ba? Kung anu-anong pinagsasabi mo, girl, nakikipagtawanan lang ako kay Mr. Santiago dahil masaya ako dahil pumayag siyang maging investor natin, iyon lang 'yon," kaila niya sa kaibigan. Naging mapanghinala ang tingin ng kaibigan ngunit sa kabila noon ay hindi naman na ito umimik pa. *** Isang tawag kinabukasan ang hindi inaasahan ni Angel, nasa isang sulok siya ng coffee shop noon dahil may tinatapos na report nang tumunog ang cell phone niya. Noong una ay hindi niya 'yon pinansin pero patuloy sa pagtunog kaya sinagot na niya kahit unregistered number pa 'yon. "Yes, hello?" kalmadong tinig niya. "Hi," simpatikong tinig ng lalaki ang narinig. Hindi niya kilala ang tinig kaya napakunot-noo siya. Akmang ibaba ang cell phone niya dahil wala siyang oras makipagbolahan nang muli ay nagsalita ang lalaki. "Tingin ka sa kanan mo," anito dahilan upang awtomatikong mapalingon siya sa kanyang kanan at nakita ang lalaking nakatayo habang suot ang kanyang tuxedo, nasa tainga ang cell phone at nakaway sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nagsimula itong humakbang papalapit sa kanya habang nakanganga sa gulat sa biglaang pagsulpot ng lalaki. "Hi, nagulat ba kita?" bulalas nito habang nasa harapan niya. "Mr. Santiago," bulalas ni Angel na halos masamid sa sobrang kaba. Napangiti ang lalaki. "I told you, Angel, mas gusto ko ng first name basis," giit nito. Napalunok si Angel upang kalmahin ang sarili para hindi halata ng lalaki na masyado siyang tense sa presensiya nito. "Mr. San—I mean Nicholas," aniya rito. "That's better," pilyong ngiti nito na noon ay umupo sa tapat niya. "Hey, bakit ka nga pala nandito, 'buti at nakita mo ako?" pukaw sa lalaki upang mawala ang atensyon nito sa kanya. "O, well, paborito ko rin ang kape rito at kayq kita nakita kahit nasa pinakasulok ka ay dahil ikaw ang pinakamaganda rito," bulalas nitong bola sa kanya. Natawa siya sa sinabi nito. "Naku, hindi ko alam na marunong ka palang mambola," balik-biro kay Mr. Santiago. "Hindi 'yon biro, totoo 'yon, Angel," anito sabay hawak sa palad niyang nakahawak sa laptop niya. Napapitlag siya sa ginawang 'yon ni Mr. Santiago. "Hey, relax," habol pa nito nang mapansin ang pagkaasiwa niya sa ginawa nitong paghawak sa palad niya. "Sorry, hindi lang ako sanay na may lalaking humahawak sa kamay ko," kaila niya rito, ayaw niyang magtampo ito at bawiin ang investment deal nila. "Sorry rin kung nabigla kita, Angel pero I want you to know that I like you the moment I saw you yesterday," tahasang wika ni Mr. Santiago. "S-Sir?" bulalas siya sa kabiglaan sa sinabi nito. "Call me, Nicholas, Angel, hindi naman siguro alangan sa 'yo, alam kong halos doblehin ko ang edad mo pero—" putol na turan nang sumabad siya. "Hindi naman sa edad, actually, hindi ka naman ganoon katanda tingnan kaya lang may pamilya ka na, hindi ba?" maang na wika niya kay Nicholas. Lumungkot ang mukha nito. "Hindi na ako masaya sa asawa ko, actually, nagbabalak na akong mag-file ng annulment," sagot ni Mr. Santiago. Napalunok ng sunod-sunod si Angel. Kung gagamitin niya si Nicholas upang makaganti kay Trevor, makakaya kaya niyang maging kabit ulit? Napapitlag muli siya nang maramdaman ang paghawak ni Mr. Santiago sa braso niya. "A-Ayaw kong maging kabit," namutawi sa kanyang labi. "Hindi ka magiging kabit dahil bukas na bukas din ay kakausapin ko ang aking asawa upang maayos na maghiwalay kami," turan nito na tila ganoon lamang kadali ang kanyang sinasabi. Matiim ang kanilang usapan nang aksidenteng matuon ang paningin sa entrance ng coffee shop at nakitang papasok roon ang buong pamilya ni Trevor. Karga nito ang anak habang matamis ang ngiting nakaabresiyete ang asawa sa braso nito. Nagngitngit ang kalooban lalo pa at lumaking walang ama ang anak dahil sa pangakong napako ng ama nito. Mabuti na lamang at nakatalikod si Nicholas kaya hindi nito kita ang pagdating ng pamangkin nito. Umahon ang galit sa dibdib. "Angel, hayaan mo lang akong mahalin ka, lahat ibibigay ko sa 'yo," dinig na wika nito. Napangisi siya at inulit sa isipan ang sinabi ni Mr. Santiago. It's like hitting two birds in one stone, magbubuhay reyna ka na, makakaganti pa siya kay Trevor kaya mas lalong tumamis ang kanyang pagkakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD