Chapter 3:

1568 Words
Malayo pa rin ang tingin ni Trevor nang marinig ang tinig ng asawa dahilan upang mabilis na bawiin ang tingin sa kinaroroonan nina Angel bago pa nito mapansin ang kanyang tinitingnan. "Hon," untag ni Samantha. "Y-Yes, hon," agad na sagot dito saka ngumiti ng matamis. "Don't think too much about the LFI," lambing ng asawa tukoy sa kanilang negosyo na Lorenzana Food Incorporated. Naisip tuloy ni Trevor na 'yon ang iniisip ng asawa na dahilan kung bakit malayo na naman ang kanyang tingin. Agad niyang hinawakan ang kamay nito saka hinagkan 'yon. "Hindi ko maiwasan, hon, alam mo namang mahina na si papa para patakbuhin pa ang kompanya at ayaw kong mag-isip pa sila ni mama," turan sa asawa. "I understand," mababang tinig nito. "Don't worry, I will help you to think what the best way to cope up with this one," nakangiting turan ng asawa na nais lamang ding pagaanin ang kanyang loob. "Thank you, hon," pasasalamat niya sa asawa na kinangiti nito lalo. "Wala 'yon, bilang asawa mo ay tungkulin kong tulungan ka. Kaya nga for better or worst, 'di ba?" saad ng asawa dahilan upang mapaluha si Trevor sa sinabing 'yon ng asawa. Isa 'yon kung bakit hindi nagawa itong iwan gaya ng pinangako kay Angel, mabait ang asawa at hindi kaya ngvkanyang konsensiya na saktan ito, bukod roon ay ayaw niyang ma-trigger ang sakit nito at maging dahilan pa ng maaga nitong pagkawala. Masakit ang naging huling pag-uusap nila ng dating kasintahan, gustong-gusto niyang sabihin dito ang tunay na dahilan kaya hindi maiwasan si Samantha pero ayaw niyang mas lalo itong mainis sa kanya. Kilala niya ang kasintahan dahil sa loob ng walong taon na pagsasama niya ay mas nanaisin pa nitong masaktan huwag lang siyang masaktan. Ngunit naisip na mas mabuti nang palayain ito kaysa habang-buhay na masaktan ito sa piling niya. Ayaw man niya itong mawala pero mukhang 'yon na ang hiningi ng pagkakataon. "Hon, kayo ng anak natin ang buhay ko, kaya hangga't kaya kong suportahan ka sa anumang naisin mong gawin ay susuportahan kita," saad pa ni Samantha na mas lalong nagpaluha kay Trevor. "Shhh! Huwag kang umiyak baka sabihin nilang pinapaiyak kita," lambing pa ni Samantha sa kanya na pinahid ang naglandasang mga luha sa kanyang mga mata. Itinaas naman niyang muli ang kamay ng asawa at masuyong hinalikan 'yon. Hindi naman ito mahirap mahalin pero hindi rin naman madaling limutin si Angel lalo ngayon at nakitang muli ito. *** Umikot ang tingin ni Angel sa buong paligid, mukha namang masarap ang kinaroroonang Japanese restaurant dahil punuan 'yon. Ngunit napukaw ang pansin niya ng lalaking mag-isang nakaupo sa may gilid ng restaurant. Bigla ay kumabog ang dibdib niya, hindi man gaanong nakita ang buong mukha nito pero malakas ang kutob niya kung sino ang lalaking nakita. Hindi maaaring magkamali ang kanyang puso, si Trevor ang lalaking 'yon. Nang magawi sa kinaroroonan nila ang tingin nito ay agad siyang bumaling sa waiter na kumukuha ng kanilang order, sa gilid ng mga mata ay kita ang paglapit ng babae at isang batang babae kay Trevor. Bumilis ang sasal ng dibdib, ang pait ng ngiti sa labi saka pahapyaw na tumingin sa anak. May inggit sa puso na dapat siya at ang anak na si Tiffany ang kasama nito. Mas lalong pumait ang ngiti sa labi nang maalalang hindi pa rin pala nito hinihiwalayan ang asawa nito. "Ate, may gusto ka pa bang order-in?" untag ni Anne sa kanya. "Wala na, mukhang ang dami na noong in-order mo," tugon sa kapatid, ngunit nang paalis na ang waiter ay naaalala ang paborito niyang edamame. "Ops, give us also edamame and please damihan mo ng wasabi paste dito," pahabol sa waiter. "Ay, ano 'yon, ate, parang ang anghang naman doon," parunggit ni Anne sa kanya. "Gusto kong mamanhid konti," saad niya. Tumawa ang kapatid, akala siguro nito ay nagbibiro siya sa kanyang sinabi. Hindi pa rin pala niya maiwasang masaktan kahit ilang beses sinabi sa sariling hindi na siya papaapekto kapag nakita ito. Malalim masyado ang sugat sa kanyang puso na sa tuwing masasaling ay nadugo pa rin. "Anesthesia, gusto mo?" biro ng kapatid sa kanya saka bumaling ito sa anak. Kinurot nito ang pisngi ng anak dahilan upang umangal si Tiffany at magsumbong sa kanya na mas lalong kinatawa ng kapatid. Nang makawala si Angel sa mapanuring tingin ng kapatid ay pasimpleng binalingan ang kinaroroonan nina Trevor. Mas lalong umalsa ang galit sa dibdib nang makita ang pagpahid ng babae sa pisngi nito na tinugon naman ng lalaki ng masuyong halik sa palad nito. Napangisi siya. 'Kaya pala hindi na tumupad sa pangako dahil mas mahal na niya ang babaeng 'yon,' ani Angel sa isipan. "Mommy, I need to pee," maya-maya ay turan ng anak. "Ako na anak," awat ng ina pero sinabing siya na lamang at maupo ang ina. "Ako na, 'ma, marami pa 'tong seremonyas sa banyo," natatawang turan sa ina. "Okay, anak, bilisan niyo na lang para naman makakain na tayo agad kapag dumating ang pagkain," tugon ng ina. Ngumiti siya rito saka mabilis na inalalayan ang anak patungo sa restroom. Nang makita ni Trevor na tumayo sina Angel at ang bata ay nagkaroon siya ng pagkakataon upang sundan ang mga ito. "Hon, gagamit lang ako ng banyo then we will go," paalam sa asawa. "Okay, hon," tugon naman nito na nakangiti pa rin. Nang makalayo sa mag-ina niya ay sinulyapan pa niya ang mga ito. Mukhang hindi naman nakahalata ang asawa dahil hindi man lang siya sinundan ng tingin at masuyo nitong hinahaplos ang buhok ng anak nila bagay na kinaka-guilty niya. Nagtatalo man ang isip at kalooban ngunit mas pinili niyang sundan sina Angel upang alamin kung tama ang hinala na anak niya ang batang kasama nito. Alam niyang sa banyo ang tungo ng mag-ina kaya minabuting maghintay sa pasilyo, ayaw niyang biglain ang mga ito kapag nakalabas ng palikuran. Ilang minuto rin siyang naghintay, medyo matagal-tagal rin bago lumabas ang ang mga ito nang biglang nahinto si Angel nang makita siya. "Mommy," untag ng batang hawak nito nang mapahinto kaya batid na anak nga ni Angel ang bata. "What are you doing here?" matiim na sitang saad nito sa kanya. "Angel, can we talk?" salubong ni Trevor kay Angel nang balak pa siyang lampasan ng babae. "Wala na tayong sapat pag-usapan pa, Trevor," gigil na saad sa lalaki. "Who is she?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Trevor sabay tingin sa batang hawak ni Angel na itinago sa likod niya. "Wala ka nang pakialam," inis na baling ni Angel sa kanya. "M-Mommy, is everything alright?" alanganing tanong ng anak. "Yes, baby, may kinakausap lang si mommy," aniya sa anak na tila nagtataka sa pagdating ni Trevor. Mabilis niyang binalingan ang lalaki at nagbabantang tingin ang binigay rito, wala siyang planong ipakilala ang anak rito. "Huwag na huwag ka nang lalapit sa amin," bantang wika kay Trevor. "Anak ko siya—" putol na saad ni Trevor nang mabilis na sumabad si Angel bago pa marinig at ma-curious ang anak sa pinagsasabi ni Trevor. "Hindi!" malakas na turan na kinagulat nilang dalawa maging ang anak. "I mean, hindi," ulit niya sa mababang tinig, ayaw niyang matakot ang anak niya sa kanya. "Please, Trevor, huwag mo nang guluhin pa ang buhay ko. Bakit hindi mo na lang balikan ang mag-ina mo dahil tiyak na hinihintay ka na nila," mapait na turan dito. Napansin ni Angel na natigilan si Trevor sa kanyang sinabi. 'Kahit kailan talaga, duwag ka pa rin,' aniya sa isipan nang makita ang pananahimik nito. "I just wanna know kung akin siya," mahinang turan nito. Isang nakakamatay na irap ang ibinigay niya sa dating kasintahan saka ngumisi rito. "Hindi, hindi ang sagot kaya pwede bang layuan mo na ako!" matigas ngunit mahinang turan. "Let's go, sweetie," aniya sa anak saka nilampasan si Trevor ngunit nakailang hakbang pa lamang sila ng anak nang marinig ang pagtawag nito sa kanya. "Angel," anito. Iba pa rin kapag ito ang tumatawag sa kanyang pangalan, napahinto sila at hinintay ang susunod nitong sasabihin. "I'm sorry," anang ni Trevor. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan saka ito hinarap ng may mapait na ngiti sa mga labi. "S-Sorry?" usal niya habang nangingilid ang mga mata niya. "Sorry for what?" untag niya kay Trevor na noon ay nagbaba ng tingin. Hindi napigilan ni Angel ang pagtulo ng luha niya kahit anong pigil ang kanyang gawin. "Sorry sa mga pangako mong napako? Sorry para sa pang-iiwan mo sa akin sa ere? O, sorry dahil mas mahal mo na ang asawa mo kaya hindi mo siya kinayang iwan?" sumbat na saad kay Trevor. "Saan doon, Trevor?" hirit pang saad habang panay ang luha niya. "M-Mommy," tinig ng anak na naiiyak na. Mabilis na pinahid ni Angel ang mga luha niya, ayaw niyang makita siya ng anak na lumuluha at mahina. "Yes, anak, ayos lang si mommy, gutom ka na ba?" sunod-sunod na tanong sa anak habang iwas ang tingin upang hindi nito makita ang namumulang mata. Bumaling siya kay Trevor at nakitang nangingilid rin ang luha nito. "Please lang, leave us alone," saad niya saka tuluyang iniwan ang lalaki. Ramdam na ramdam ni Trevor ang galit sa tinig ni Angel, alam niyang walang kapatawaran ang ginawa niya rito pero hindi sapat 'yon para ilayo nito ang anak sa kanya. Hindi man nito amining anak niya ang batang kasama ngunit ramdam sa puso na siya ang ama nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD