Sapo ni Trevor ang noo habang paulit-ulit na binabasa ang financial report ng kanilang kompanya. Lahat naman na ay ginawa niya upang tumaas muli ang sales nila, ilang kompanya na rin ang napuntahan niya upang mas lalong mapalawak ang kanilang mga produkto ngunit tila hindi patok sa mga mamimili.
"Sh*t! Hindi maaari ito," aniya sa sarili habang iniisip kung paano isasalbang muli ang papalugi nilang negosyo. Kung ilang buwan pa na wala silang kita at nag-aabono pa sila sa pagpapasahod sa mga empleyado nila, tiyak na maba-bankrupt sila at maging ang emergency funds nila ay nagagalaw na.
"Hon, ayos ka lang ba?" tinig buhat sa may pintuan, agad siyang napataas ng mukha at nakita roon ang asawa at anak.
"Yes, hon, ano'ng ginagawa niyo rito?" agad na tanong sa asawa.
Matamis ang ngiti ng asawa. "Wala naman, gusto ka lang naming surpresahin," malambing na tugon ng asawa habang akay ang limang taon nilang anak na si Tamara.
"Ganoon ba?" matipid na sagot sa asawang si Samantha.
Napansin nito ang pagiging matamlay niya kaya nang makarating sa harap ng desk niya ay nakita ang mapanuri nitong tingin sa mga papeles na nagkalat sa kanyang mesa. Mabilis niyang nilikom 'yon pero mukhang huli na siya upang itago pa ang mga 'yon.
"K-Kailangan mo ba ng pera, hon?" untag nito.
Alam ni Trevor na may namana ang asawa sa mga namayapang magulang kahit hindi rin nito nagawang isalba ang kompanya nila sa pagkalugi nang maaksidente ang mga magulang nito three years ago.
"No, hon, para sa 'yo iyon at para sa gamutan mo," aniya rito. Hindi kasi niya magawang iwan ito noon dahil sa may sakit ito sa puso, mas lalong hindi nagawang hiwalayan ito nang isakripisyo ang sarili para lang mabigyan siya ng anak.
May pagkakataong pa rin namang sumasagi sa isipan si Angel, may pagkakataong palihim na nagtutungo sa bahay ng mga ito ngunit ni minsan ay hindi ito nakita hanggang sa maging ang pamilya nito ay nawala na rin sa dating tinitirahan.
Mahal na mahal niya si Angel pero kinailangan niyang isalba ang engosyo nila, balak naman niya talagang hiwalayan si Samantha sa oras maayos na muli ang negosyo nila ngunit hindi na natupad ang pangako kay Angel dahil naaawa naman siya rito. Wala naman kasing masama rito, bukod sa naging ulirang asawa ay napakabait nito.
"Daddy," untag ng kanyang anak.
"Yes, sweetie," mabilis na tugon dito saka bumaling sa asawang nakamasid lamang sa kanya.
"Do you want to go out and have lunch together?" maang na wika ng anak, marahil ay iyon nga ang pakay ng mag-ina niya sa pagsugod sa kanyang opisina.
"Sure, sweetie, let me finish some papers then we'll go," malambing na sagot sa anak na noon ay napayakap pa sa kanya.
"Thank you, daddy," anito.
"You're welcome, sweetie," tugon naman niya sa anak saka muling binalingan ang asawa na nakatingin pa rin sa kanya.
Mabilis na binitbit ng anak ang iPad nito matapos kumalas sa kanya at nagtungo sa sofa sa gilid ng kanyang opisina.
Nang naging abala na ang anak sa paglalaro ay muli siyang inusisa ni Samantha hinggil sa mga nakita nito.
"What is happening, hon?" deretsahang tanong nito.
Sinapo ng magkabilaang palad ang mukha sabay hilamos dito tanda ng matinding prustrasyon.
"I don't know, hon, I did everything para muling isalba ang negosyo pero patuloy pa rin ang pagbaba ng sales natin. Nagbawas na rin ako last month ng empleyado para lang hindi tayo masyadong malugi," mahinang tugon kay Samantha.
Napaupo ang asawa sa upuan sa kanyang harapan na tila napapaisip ng malalim. Ilang sandali itong tahimik bago nagsalita.
"Bakit hindi tayo lumapit sa mga advertising agency, we need to do something on the market then we have to invest into advertisement para tumaas muli ang sales natin," mungkahi ng kanyang asawa.
Sa sinabi nito ay tila nabuhayan ang loob ni Trevor, may punto ang asawa bagay na hindi man lang sumagi sa isipan.
"Thank you, hon, you're such an angel," turan niya ang nang mabanggit ang huling salitang sinabi ay naalala ang dating kasintahan na si Angel.
"You're welcome, hon, alam mo namang lagi lang akong nandito para sa 'yo," saad ng asawa na kinangiti na lamang niya.
Isa na lamang ang problema niya, kung saan kukuha ng malaking halaga para sa advertisement dahil batid niyang milyon ang halaga noon. Muling napaisip si Trevor nang marinig ang sinabi ng asawa.
"Don't think about money, I will give it to you," wika ni Samantha na agad niyang kinailing.
"No, hon, pera mo 'yon at para 'yon sa gamutan mo," mahigpit na tanggi sa alok ng asawa.
"Hon, malaki pa naman ang iniwan nina mama at papa sa akin, besides, for sure ay ibabalik mo naman kapag nakabawi na ang negosyo, hindi ba?" himok pa ng asawa.
"What if, hindi pa rin pumatok?" giit ni Trevor. "Paano ka, paano kayo ni Tamara?" aniya rito.
"Shhh! Hon, think possitive, okay?" turan ni Samantha na noon ay lumapit sa kanyang kinauupuan at niyakap siya nito.
Iyon ang isa sa nagustuhan sa asawa, malambing at suportado siya nito sa lahat ng kanyang gagawin.
"Mabuti pa siguro ay iligpit mo na ang mga 'yan para makalabas na tayo bago pa umangal ang anak mo," dagdag na wika ni Samantha sa kanya.
Walang nagawa si Trevor kundi ang ayusin ang mga papeles saka tumayo sa kanyang desk.
"Is my sweetie, ready?" lambing na tanong sa anak.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong tumayo ang anak sa kinauupuan.
"I'm ready, daddy," masiglang turan nito.
Paglingon niya sa asawa ay nakitang nakatingin sa kanilang mag-ama habang nakangiti ito.
***
"Ate, saan n'yo gustong kumain?" tanong ni Anne noong nasa loob na sila ng mall at naghahanap ng magandang kakainan.
"Kayo, sina mama at papa?" tugon naman dito. Iyon ang unang pagkakataon na lalabas silang pamilya mula nang magbalik siya ng Pilipinas.
"Hay naku, sina mama at papa, sasabihin lang ng mga 'yan, kahit saan, kaya ikaw na ang mamili, ate," giit ni Anne sa kanya.
Nasa likuran nilang magkapatid ang mga magulang habang magkabilaan nilang hawak ang anak na tila ba ayaw nilang mawalay ito sa kanila.
"Sige, since mahilig rin naman si Tiffany ng Japanese food ay sa Japanese restaurant na lamang," aniya sa kapatid.
"Okay," mabilis na turan ng kapatid na tila kabisado ang buong mall.
"Aba, hindi halatang lagi ka rito, ah," natatawang puna sa kapatid na natawa rin.
"Well, malapit rito ang office namin kaya alam mo na," hirit naman nito at sa sinabing 'yon ng kapatid ay naaalala niyang alukin itong magtrabaho na lamang sa kanya.
"Bakit hindi ka na lang sa kompanya ko magtrabaho?" turan niya.
"Well, hindi pa ganoon kasikat kasi halos isang linggo pa lamang namin pero at least hindi ka masyadong mahihirapan," alok niya sa kapatid.
"Hello, ate, malapit na akong maging manager at ano naman ang trabaho ko sa kompanya mo," maang na wika ni Anne.
"'Di gagawin din kitang manager," hirit sa kapatid. "Pero kapag dumami na kami ng kliyente," dugtong pa niya na natatawa. Sa ngayon kasi ay kailangan nila ng ilang tauhan dahil may tatlo silang projects na gagawin. Hindi pa ganoon kalakihan ang singil nila dahil nagsisimula pa lamang sila at masaya siya dahil kahit baguhan sila ay may tatlo agad na kompanya ang nagtiwala sa kanila.
"Naku, kapag lumaki na ang kompanya mo saka ako lilipat, sa ngayon ay susulitin ko muna doon sa kompanya namin saka hindi ko maiwan ang boss kong guwapo," kinikilig na turan ng kapatid na muntik na niyang batukan.
Mabilis silang inasistehan papasok ng restaurant, kapansin-pansin niya rin ang malaking pagbabago sa anak, tila nawala na ang hiya nitong magsalita sa kanyang mga magulang. Kung anu-ano na rin ang kinukuwento nito sa kanyan mama at papa na kinagigiliwan naman ng dalawa.
***
Hindi mapakali si Trevor sa kanyang kinauupuan, nagpunta kasi sa CR ang mag-ina niya dahil katatapos lamang nilang kumain nang matanaw ang papasok na mag-anak sa restaurant na kinaroroonan. Bigla ay kumabog ang dibdib ng makilala ang mga ito, ang buong pamilya ni Angel. Mas lalong nagulat ng makita ang batang akay ng magulang nito, kung hindi siya magkakamali ay hindi magkakalayo ang edad ng bata sa edad ng anak na si Tamara.
Pinagmamasdan niya ang mga ito, masayang nag-uusap ang magkapatid habang ang magulang ng mga ito at masigla ring kausap ang bata. Hanggang sa makarating sa mesang laan para sa mga ito ay nakasunod ang kanyang mga mata lalo na kay Angel na tila mas lalong gumanda sa pagdaan ng taon.
"May asawa na kaya siya?" tanong na namutawi sa kanyang labi.
"Who?" tinig sa kanyang tabi at laking gulat niya nang hindi namalayang nakabalik na pala ang mag-ina sa kinaroroonan niya.
"Wala, hon, mukhang nakita ko ang dati high school batchmate ko. A-approach ko sana kaya lang mukhang nagmamadali kaya napatanong na lang ako kung may asawa na," mabilis na kaila sa asawa.
"Ganoon ba? Hindi ba siya um-attend noong reunion niyo?" usisa ng asawa, nagulat na lamang siya dahil tanda pa pala 'yon ni Samantha.
"Hindi, 'di ba't sinabi kong maraming wala," saad pa upang pangatawanan ang kanyang sinabi saka pasimpleng ibinalik ang tingin sa kinaroroonan nina Angel. Nalilito ang damdamin, ngunit may sayang nadama dahil muli itong nakita, may pag-asam tuloy na muli itong makausap.
Nang mabaling sa batang kasama nila ang tingin ay napatigil siya lalo habang nakatunghay sa mukha nito. Ayaw niyang umasa pero hindi siya maaaring magkamali dahil kawangis niya ang bata.