Ramdam na ramdam ni Trevor ang pananahimik nh asawang si Samantha, hindi niya gusto kapag tahimik ito dahil tiyak na may iniisip ito sa kanyang loob. "Do you want if we pick-up, Tam from school then have dinner together?" untag niya sa walang imik na asawa, nakahalukipkip lang ito na tila may malalim na iniisip. "Sam?" untag pa rin sa asawa sabay gagap sa palad sa kandungan nito. "Gusto ko nang umuwi at magpahinga and besides baka nandoon na si Mang Bert at si Yaya Inday," ani Samantha tukoy sa yaya ng anak. Walang nagawa si Trevor kundi ang umuwi na lamang, tahimik pa rin ang asawa at hindi alam kung papaano ito pakikitunguhan. Kaya pagdating nila sa kanilang bahay ay bahagya siyang nakahinga nang maluwag. Agad na bumaba upang pagbuksan ito ng pinto, nagpasalamat naman ito saka nagpati