Halos hindi makahuma si Angel sa kinatatayuan nang marinig ang tila galit at matigas na tinig ng kaibigang si Marie. "Ano'ng nangyayari rito?" pasitang tinig nito at nang balingan ito ay nakitang matalim ang tingin sa kamay na nakahawak sa braso niya. Nahihiyang bumitiw si Mr. Santiago sa kanya. "Sabi ko ano ang nangyayari rito?" magdududang giit na tanong ni Marie. Mas lalo pa silang narigilan nang marinig ang tinig ni Trevor sa kanilang likuran. "Tito?" maang nitong wika na tuon ang tingin kay Mr. Santiago. "Trevor, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Nicholas sa pamangkin upang maibsan ang tensyong nabalot sa kanilang naroroon. Hindi nakapagsalita si Trevor sa tanong ng tiyuhin sa gulat sa nadatnang eksena. "He's a client, Mr. Santiago," tugong depensa ni Marie kay Trevor. Napa