Napangisi si Jessa habang nakatanaw sa mag-asawang sina Samantha at Trevor. "Poor, Samantha, ang gullible mo naman pala, tingnan natin kung ano ang gagawin mo ngayong alam mong malapit ka nang mamatay," bulalas nito habang hawak-hawak ang manibela ng sasakyan. Hindi pa siya agad umalis lalo na nang mapansing umiiyak si Samantha. Aakalain bang makikipag-close pa sa kanya ang babae, well, pinadali lang naman nito ang gusto niyang mangyari, ang agawin si Trevor. Iyon lang kasi ang naiisip na paraan upang makaganti kay Nicholas sa lahat ng panghahamak nito sa kanya. Batid niyang si Trevor ang susi upang tuluyang maibangon ang dangal, mabigyan ng buong pamilya ang anak at higit sa lahat, ibabangon niya ang negosyo ni Trevor sa pamamagitan ng pera ng sakim niyang tiyuhin. Binalingan naman n