Chapter 7: Jealousy of a Jilted Lover

1712 Words
Mas lalong nagngitngit ang kalooban ni Angel sa nakikitang saya sa pamilyang nasipat kanina. Malakas ang pagtahip ng dibdib niya dahil sa umahong inis at hindi niya namalayang napatulala siya. "Angel," untag ni Mr. Santiago. "Ha?" gulat na wika ni Angel dahilan upang agad na bawiin ang hawak na palad ni Nicholas. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Nicholas. "Mr. Santia—" "Nicholas, Angel, Nicholas," giit ni Mr. Santiago. "Okay, Nicholas, sorry, medyo nabigla lang ako sa mga sinabi mo, pwede bang pag-isipan ko muna," mabilis na kaila ni Angel saka agad na binawi ang tingin kina Trevor bago pa nito mapansin ang presensiya ng pamangkin nito. Natawa si Trevor sa kanyang sinabi. "Pasensiya ka na, Angel kung nabigla kita, ayaw ko lang kasing pakawalan ang pagkakataong ito. Una pa lamang kitang nakita ay nabighani na ako sa 'yo," bulalas pa rin ni Nicholas na puno ng paghanga sa kanyang mga mata. Napangiti siya ng tudo ngunit sa loob-loob ang ngitngit sa pasimpleng pagtanaw kina Samantha at Trevor. 'Hayop ka, Trevor, pinagmukha mo lang akong tanga!' ngitngit ng kalooban ni Angel. "Salamat, Nicholas, sa katunayan ay hindi ka mahirap mahalin pero sana ay bigyan mo ako ng panahon upang mag-isip," wika niya kahit sa loob-loob ay gustong-gusto na niyang sunggaban ang pag-ibig na iniaalay nito upang makapaghiganti kay Trevor. "Sure, Angel, hindi naman kita pupwersahin kung ayaw mo, pero gusto kong malaman mo na handa akong ibigay sa inyong mag-ina ang lahat," pangako pa ni Mr. Santiago sa kanya. "Salamat, Nicholas at iniisip mo ang aking anak, hayaan mo at pag-iisipan kong mabuti," pakipot niya sa lalaki. "Sig, Angel, bibigyan kita ng panahon pero sana lang ay bigyan mo ako ng pagkakataong iparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal," bulalas ni Nicholas nang bigla ay tumunog ang cell phone nito. Mabilis tiningnan ng lalaki ang cell phone nito ngunit ilang sandaling nakamaang sa hawak nitong gadget. "May problema ba?" untag ni Angel dito. "W-Wala naman," agad nitong sagot habang panay ang ring ng cell phone nito. "Misis mo?" sapantaha niya sa natawag. Muling tumawa si Nicholas. "Nope, not registered," anito na bahagyang pinakita ang cell phone nito. Hindi nga nakalihestro ang numero ng natawag. "Why don't you answer, baka importante," aniya sa lalaki at doon ay napagdesisyunan nitong sagutin. "Excuse me for a bit," paalam ng bahagya ni Nicholas sa kanya. Muli niyang itinuon ang buong atensyon sa kanyang laptop nang marinig ang tinig ng isang batang paslit. "Excuse me, miss, is there someone sitting here?" tanong ng matinis na tinig kaya nag-angat siya ng mukha nang bigla ay napalunok siya sa hindi inaasahang makikita. Si Trevor at si Samantha, at ang nagmamay-ari ng paslit na tinig ay ang kanilang anak. Walang nakapagsalita sa kanilang tatlo, kilalang-kilala rin siya ni Samantha na kasintahan ni Trevor bago pa man sila ipakasal ng kanilang mga magulang dahil sa lintik na negosyo. "A-Angel?" bulalas ni Samantha na siyang unang nakabawi sa kanilang tatlo. "Mommy, do you know her?" untag naman ng paslit na bata. Muli silang nagtinginang tatlo lalo na sina Samantha at Trevor. Matiim ang tinging ipinupukol niya kay Trevor ng magsalita ito at sagutin ang tanong ng anak. "Yes, anak, kilala namin siya ng mommy mo, she's an old friend," ani Trevor na mas lalong nagpangitngit sa kanyang kalooban. Napasinghap si Angel sa kanyang narinig. 'Old friend,' tuya sa kanyang isipan. Napangisi si Angel sa sobrang inis at pagkadismaya sa sinabi ni Trevor, pansin niyang hindi ito makatingin ng deretso sa kanya at nang balingan niya si Samantha ay nahihiya itong nagyuko ng ulo. "Old friend," ulit niya sabay ngisi kay Trevor. "No, we're not just old friend—" putol na wika niya nang mapasigaw si Samantha. "That's enough, we better go," anito sabay hila sa anak upang aalis na sana nang marinig ang tinig ni Nicholas na noon ay nakabalik na pala. "Sorry, Angel but I have—" putol na wika nito nang makilala ang pamangkin at ang pamilya nito. "Nicholas," sinadya ni Angel na lakasan ang pagtawag sa pangalan ng lalaki. "Do you know them?" maang ni Nicholas sa kanya. Matalim ang titig ni Trevor sa kanya. "Nope, nagtatanong lang kung may nakaupo sa kabilang table pero mukhang paalis na rin," agad na sagot ni Angel sabay ng matamis na ngiti sa labi sa nakikitang reaksyon ni Trevor lalo na nang hawakan ni Nicholas ang baywang niya bagay na hindi na niya pinigilan. "Tito!" madiing tawag ni Nicholas sa tiyuhin. "Oh, Trevor, Samantha, join us if you wants," yakag ni Nicholas sa mga ito. "Naku, paalis na rin po kasi kami, tito," sagot ni Samantha rito. "Ganoon ba? Well, ipapakilala ko pa naman sana si—" putol na sambit ni Nicholas nang biglang mag-walk-out si Trevor at halos habulin ng kanyang mag-ina upang sundan. Nagbubunyi ang kalooban ni Angel. "Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ng pamangkin ko, do you know him?" tanong ulit ni Nicholas sa kanya na puno ng pagtataka. Umiling siya bilang sagot. "But I know his wife," tugon niya rito upang hindi na muli pang mag-usisa at malaman nitong ginawa siyang kabit ng pamangkin nito. "I see," sambit nito habang patango-tangosa kanyang sinabi. "Ano nga pala sinasabi mo kanina, may meeting ka yatang pupuntahan?" balik niya sa pagpapaalam nito kanina. Sa kanyang sinabi ay tila naaalala na may gagawin ito. "Oh, yeah, may imi-meet lang akong tao. May nakabanggaan kasi ako noong isang araw at muntik na madisgrasya, that is why I owe her," pagpapaliwanag nito sa kanyan. "Owe her?" ulit niya. Natawa si Nicholas. "Don't tell me, nagseselos ka?" simpatikong biro nito. Namula ang buong mukha ni Angel sa sinabing 'yon ni Nicholas ngunit agad ring nakabawi at doon ay napatawa na rin. "Hindi naman," simpleng tugon. "Oh well, may nabangga kasi akong dalagita noong isang araw sa mall, mukhang nasira ko ang isa sa nabili niya at gusto niyang palitan ko," pagpapaliwanag pa ni Nicholas. "Hey, it's okay, no need to explain dahil hindi mo naman ako girlfriend o asawa," bulalas niya rito ngunit agad rin siyang napatigil nang sumagot ito. "Pero gusto kong magpaalam, gusto kong malaman mo na seryoso ako sa panliligaw ko sa 'yo," simpatikong turan ni Nicholas. Naalala niya si Trevor dahilan upang mapangiti na lamang sa tiyuhin nito. "Salamat, Nicholas dahil kahit may anak na ako ay gusto mo pa rin ako," saad niya rito upang ma-disappoint ito sa kanya pero tila mas sumigla pa ang lalaki. "It's alright, gusto ko nga 'yon lalo na at may pami-pamilya na ang mga anak ko," anito. "Gusto kong magkaroon ng lalaking anak at alam kong ikaw na Angel ang makakapagbigay noon," dagdag pa nitong sambit. Napalunok si Angel sa narinig na sinabi ni Nicholas sa kanya, makakaya ba niyang makasama ito sa iisang kama. *** Samantala, galit na galit si Trevor sa nasaksihan kanina hinggil sa tiyuhin at kay Angel. Nang makarating sa kinapaparadahan ng sasakyan ay pinagtatadyakan nito ang gulong. "Affected ka ba?" tinig ng asawa na nagpalingon sa kanya. Kita niyang naiiyak ang asawa habang hawak-hawak ang kamay ng anak na noon ay tila pagod na pagod na sumunod sa kanya. Lumapit siya sa kanyang mag-ina ngunit nag-iwas ang asawa. "Sagutin mo ako, Trevor, affected ka pa rin ba sa pagbabalik ng ex-girlfriend mo," wika ng asawa. Buong akala niya sasabihin nito kung affected ba siya sa nakita niyang kasama ng tiyuhin niya ang kanyang ex-girlfriend. Agad siyang nag-isip ng idadahilan. "No, naiinis lang ako kasi of all people ay si Tito Nicholas pa ang kasama niya," bulalas niya sa asawa. "And please, Sam, huwag natin itong pag-usapan sa harap niya," ani Trevor sabay nguso sa anak. Bahagya namang kumalma si Samantha nang mabanggit ang anak nila. "Mabuti pa ay umuwi na tayo," anang ni Samantha at giniya na ang anak papasok sa loob ng kanilang sasakyan. "Mommy, bakit bigla tayo umalis, how about my cake," maktol ng anak nang maalala ang in-order nilang pagkain. Nagtinginan silang mag-asawa lalo na nang makitang nakabusangot ang anak. "Okay, smile na dahil babalik si daddy upang kunin ang cake mo," ani Samantha dahilan upang tumiim ang titig niya sa asawa bagay na napansin naman nito. "Babalik ka upang kunin ang cake, iyon lang 'yon," madiing wika ni Samantha sa kanya saka umikot paupo sa passenger's seat. Nanatiling nakatayo si Trevor sa pinag-iwanan ng asawa sa kanya nang bumukas ang bintana ng sasakyan. "Aren't you going? Gusto ni Tamara ang cake niya," untag ni Samantha kaya wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa loob ng coffee shop. Iwas na iwas siyang huwag napatingin sa direksyon kung saan iniwan si Angel at ang tiyuhin pero kahit anong pigil ay hindi pa rin niya naiwasan. Laking ginhawa niya nang makitang si Angel lang ang naroroon at wala na ang tiyuhin. Abala ang babae kaya may pagkakataon siyang pagmasdan ito, ngunit laking gulat na pamang siya nang tawagin ng cashier ang pangalan niya dahilan upang maagaw ang pansin ni Angel at mapatingin sa kinaroroonan niya. Nagtama ang kanilang paningin at doon ay damang-dama niya ang galit sa matatalim nitong titig sa kanya. "Sir Trevor po," ulit ng waitress sa pagtawag sa pangalan niya kaya mabilis na binawi ang tingin. Gusto niya sanang lapitan si Angel pero tila namanhin ang mga binti. Nang lingunin si Angel ay nakitang may kausap itong guwapong lalaki, bakas sa mga ngiti sa labi nito ang saya. May kumudlit na selos sa kanyang kaibuturan lalo na nang makita kung paano hawakan ng lalaki ang palad ni Angel. "Huwag kang magselos, Trevor, kasalanan mo ang lahat ng ito," aniya sa sarili. Gustuhin mang iwan si Samantha pero wala siyang lakas ng loob dahil naaawa siya rito. Ilang sandali na niyang hawak ang cake na order nila ngunit hindi pa rin nalabas ng coffee shop na 'yon nang bigla ay tumunog ang cell phone niya. Naiinis na tinig ng asawa ang narinig. "Hindi pa ba tapos diyan? Kanina pa kami rito," banas na tinig nito. "Kakukuha ko lang, pabalik na ako diyan, babe, chill lang," pagpapakalma niya sa asawa. "I'm sorry, babe," habol na wika bago ibinaba ang cell phone. Napabuntong-hininga na lamang siya at nang lingunin muli ang kinaroroonan ni Angel ay wala na ito roon. 'Sumama kaya siya sa lalaking 'yon?' tanong sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD