Nabigla si Angel nang bigla siyang lapitan ng guwapong lalaki, mas lalo pa siyang na-shock ng tawagin ng lalaki ang kanyang pangalan. "Angel?" alanganing wika nito habang nakapaskil ang simpatikong ngiti sa labi nito. Napakunot-noo siyang tinitigan ang mukha ng lalaki upang sinuhin ito pero hindi talaga niya makalkal sa isipan kung sino ang lalaking tumawag sa kanya. "D-Do you know me?" maang na wika niya sa lalaki. "Oh my God, ikaw nga, Angelika Ruiz," bulalas nito sa buong pangalan. Mas lalong napakunot ang kanyang noo sa sinabing 'yon ng lalaki. Natawa na lamang ang lalaki sa kanyang reaksyon. "Hey, sorry kung nagulat kita, hindi mo na ba ako nakikilala?" maang na wika ng lalaki na kinailing-iling niya. "Dexter Salazar ng BSBA Section A, accounting major," kompletong pakilala ng