Ayaw na niyang panuurin ang nakikitang bulungan ng tiyuhin at ng dating kasintahang si Angel kaya agad na pinatay ang TV saka napatayo si Trevor sa kinatatayuan at mabilis na inayos ang nakusot na damit, agad siyang tumanaw sa salaming dingding at nagpamulsa. "Hindi maaaring maging kabit ni uncle si Angel," aniya habang matiim na nakatingin sa repleksyon sa salaming dingding ng kanyang opisina. Alam niya ang kalibre ng tiyuhin sa babae kaya niyang mapasama si Angel sa mga babaeng nilaspag at ginamit lang nito. Paikot-ikot siya sa kanyang opisina nang marinig ang pag-ingit ng pinto, batid niyang may pumasok kaya 'yon tumunog. "Mrs. Francis—" putol na wika sabay lingon dito. Nabigla siya nang makita ang asawa ang pumasok roon at mas lalong kinabigla niya nang makitang hindi ito nagsuot