Gulat na gulat si Angel sa eksenang nasasaksihan, nangatog ang buong katawan dahil hindi alam kung ano ang mararamdaman sa sandaling 'yon. "Nicho—" putol na wika sabay tikhim. "Mr. Santiago," tawag niya kay Nicholas. Ayaw niya lang malaman ng asawa nito na tinatawag niya ito sa pangalan. "Miss Ruiz, hindi ka makakaligtas sa 'kin, lahat ng babaeng lumalandi sa asawa ko ay nasisira," maigting na wika ni Mrs. Santiago. Isang malakas na sampal ulit ang ibinigay ni Nicholas sa asawa nito. "Ah!" hiyaw ni Mrs. Santiago. "Sinabi ko na kasing tumigil ka, hindi mo man lang ako binigyan ng kahihiyan sa business partner ko, Alessandra, ilang beses ko bang sasabihin na wala kaming relasyon ni Angel," giit ni Nicholas sa asawa sabay higpit ng hawak sa braso nito at kaladkad palabas ng kanyang opisi