Nabalot ng tensyon ang loob ng conference room dahil sa pagkikita-kita nina Angel, Trevor at Samantha. Malakas na tikhim ni Marie ang bumasag sa katahimikan nilang tatlo. "Good morning, Mr. Lorenzana, let's go down to the business," seryosong wika ni Marie sa kanilang kliyente. Ilang sandali ay hindi pa rin nasagot ang mga panauhin. "Sorry, I think you, guys are shock. I am Miss Ana Marie Fernandez co-owner of the advertising agency and she is my partner, Miss Angelika Ruiz, have a seat," turan ni Marie sa mag-asawa na napatayo sa kanilang pagdating. Mabilis niyang siniko si Angel na noon ay tila hindi pa rin nahihimasmasan kahit alam na nilang makakaharap nila si Trevor. Sa bagay, hindi nila inaasahan na kasama pala nito ang asawa. Naglakad si Marie papalapit sa mag-asawa at kinamayan