NILINGON ni Sulyka ang Tita Sonia niya na katabi niyang nakahiga sa kama. She's very glad her tita came and agreed to sleepover. Nasa guests room sila ngayon habang ang asawa niyang si Axton ay nasa room nila.
Mag-aalas nwebe na ng gabi kaya siguradong natutulog na ito. Mabuti na lang at pumayag ito na matutulog siya sa tabi ng tita niya.
Makakahinga siya ng maluwag ngayong gabi dahil hindi niya katabing matutulog ito. Pero iniisip niya kung paano na naman niya ito iiwasan bukas ng gabi. Malaking problema na naman ito!
“So, ano bang nangyari sa'yo kanina, Sully?” panimula ng tita niya. Kanina pa ito nangungulit sa kanya. Excited itong malaman tungkol sa buhay asawa niya.
Mahina siyang nagbuntong-hininga. Mabuti na lang at may Tita Sonia siyang magpagsasabihan ng lahat ng mga hinaing niya. Kahit matagal ng lumisan ang mga magulang niya ay kahit kailan, hindi niya naramdaman na nag-iisa na lamang siya dahil laging nasa tabi niya ang tita niya.
“Si Axton kasi, tita. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kanya.”
“Hahaha! Why? Ano ba kasi ang ginawa niya?” curious nitong tanong.
“Few weeks ago he mentioned he wanted us to get married again. At kanina lang ay sinabi niyang gusto niyang mabuntis ako. Nagtanong pa siya kung bakit wala pa rin kaming anak, eh matagal na kaming kasal,” kagat-labing sabi niya.
Medyo nagulat ito pero tumawa rin naman. Halatang natutuwa sa pagiging uncomfortable niya. “He completely became a different person after losing his memory.”
Malungkot siyang tumango. “At sana bumalik na ang alaala niya, Tita, dahil hindi na nakakatuwa.”
“Just be patient for now, darling. Siguradong babalik din ang alaala ni Axton,” sabi nito at ginulo pa ang buhok niha. “Hayaan mo lang muna siya,” dugtong nito sabay kindat pa.
Nakasimangot na nagkamot siya ng ulo. “Tita, naman. Anong hahayaan? Hindi pwede.”
Muli itong tumawa at saka hinawakan ang kamay niya. “Nakakatuwang isipin na ang isang Axton Miller ay nagiging isang responsableng asawa. Ayaw mo ba nun? Magkakaroon ka ng anak sa kanya,” kinikilig nitong sabi.
Muli siyang nagbuntong-hininga at kagat-labing tumitig sa kisame. Paulit-ulit siyang umiling. “Naahh. Hindi pwedeng mangyari ‘yang sinasabi mo, tita.”
“And why not?”
“Kaya lang naman ganito ang pakikitungo ni Axton sa akin ngayon ay dahil wala siyang maalala. Kapag bumalik na ang alaala niya ay babalik na rin sa dati ang lahat.”
Patagong ikinuyom niya ang kamao. Bakit parang nakaramdam siya ng lungkot habang iniisip na babalik na sa dati ang lahat kapag bumalik na ang alaala nito?
Napalingon siya sa tita niya nang kumapit ito sa braso niya. Nakangisi ito at tila kinikilig pa rin.
“Paano kung bumalik na nga ang alaala niya pero gusto ka pa rin niyang makasama? Gusto pa rin niyang mabuntis ka? Gusto pa rin niyang magkaroon kayo ng anak?” excited na tanong nito.
“I-Imposibleng mangyari 'yan, tita. We both know the real Axton.”
“Malay natin,” nakangisi pa rin nitong sabi.
Nag-usap pa sila ng ilang minuto hanggang sa nakatulog na ng mahimbing ang tita niya. Siya naman ay nakatitig lamang sa kisame at iniisip si Axton.
Ipinikit niya ang mga mata niya at lumitaw sa isip niya ang gwapo nitong mukha. Axton's godly appearance actually never left her mind since the moment she saw him at the hospital. Until now, a part of her still couldn't believe that she married such a great and handsome man.
Hanggang sa tuluyan siyang nakatulog ay ang mukha pa rin ni Axton ang huling nasa isip niya. She must be getting crazy over him.
“You should come with us, Sulyka. Pupunta din doon ang crush mo.”
Napakamot ng ulo si Sulyka dahil sa sinabi ng ina niya. Nakangisi ito at tuwang-tuwang pumipili ng dress sa closet niya.
“Mama, naman,” sabi niya at muling hinarap ang laptop niya. Kanina pa siya nag-aaral dahil malapit na ang quarterly exam nila.
“I'm serious, Sully. Alam kong gusto mo siyang makita. Don't worry, uuwi din naman agad tayo,” sabi nito. Nakita niyang naglapag ito ng ilang dress sa kama niya.
“Hindi rin naman ako mapapansin nun,” nakapuot niyang sabi.
Mahina itong tumawa. “Kung alam mo lang, Sully.”
Kunot-noong pinaikot niya ang swivel chair para harapin ang ina. “What do you mean, Ma?”
Ngumisi lang ito at ipinakita sa kanya ang dress na kulay navy blue. “You're going to wear this tonight.”
Pumikit siya at isinuot ang dress at nang idinilat niya ang mga mata niya ay wala na siya sa sariling silid. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng ina.
“Your crush is sitting there,” kinikilig nitong sabi habang may tinuturo gamit ang nguso nito.
Ipinalibot niya ang paningin at saka lang niya napagtantong nasa isang birthday party sila. Maraming mga tao at halatang mayayaman ang mga ito base sa mga mamahaling suot na damit at nagkikislapang mga jewelries.
Napako ang paningin niya sa lalaking tinuro ng ina niya. Her heart suddenly beats faster. Nakita na naman niya ulit ang lalaking nagpapatibok ng puso niya.
Pero kumunot ang noo niya habang tinititigan ito. His face slowly became blurry.
Napaigtad si Sulyka nang may marinig siyang parang nabasag sa labas. Idinilat niya ang mga mata niya at nagtaka siya nang mapansing nakapatay ang ilaw sa silid nila. Tumingin siya sa labas ng bintana at wala rin siyang maaninag na ilaw.
May blackout kaya?
Dahan-dahan siyang umalis sa kama para hindi magising ang tita niya na mahimbing na natutulog. Kinapa niya ang cellphone sa bedside table at kinuha ito. Walang ingay siyang lumabas ng guest room at tinahak ang pasilyo papunta sa kusina.
Habang naglalakad ay naisip niya ang napanaginipan niya. Parang totoong nangyari iyon. Siguro dahil kasama niya ang ina niya na matagal na niyang nami-miss.
Pero napahinto siya sa paglalakad nang muli siyang may marinig na kaluskos sa labas. She was about to turn on her cellphone but she saw a shadow of a man lurking outside the window.
Napako siya sa kanyang kinatatayuan at biglang tumibok ng mabilis ang puso niya dahil sa kaba. Pumasok sa isip niya ang lalaking sumunod sa kanya sa mall noong nakaraang linggo.
Did he follow her? Is he going to kill her?
Napalingon siya sa may pool area nang muli na naman siyang may narinig na parang may nabasag na flower vase. Muli siyang lumingon sa may bintana pero wala na ang anino na nakita niya.
Am I hallucinating?
Walang ingay siyang naglakad papunta sa pinto. Lalabas siya para tignan kung may nabasag nga ba sa labas. Pero muli siyang napahinto nang may marinig na naman siyang kaluskos mula sa taas.
Sa pagkakataong ito ay iba na ang pakiramdam niya. Minumulto ba siya? O sadyang may ibang nangyayari? Nagtatalo siya sa isip niya kung babalik ba siya sa taas o hindi.
Baka guni-guni ko lang iyon.
Pinunasan niya ang pawis sa kamay niya habang umiiling-iling. Muli siyang naglakad papunta sa pinto. Bubuksan na sana niya ito pero napaigtad siya sa gulat nang biglang may nagsalita sa likuran niya.
“Wife.”
Mabilis niyang hinarap si Axton na may dalang emergency light. “G-Gising ka p-pa pala.”
“I couldn't sleep.”
Kumunot ang noo niya nang mapansing napakaseryoso nito. Mas lalo siyang nagtaka nang makitang tumutulo ang pawis mula sa noo nito.
“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya.
Tumango ito at ngumiti. Pero iba ang pakiramdam niya sa ngiti nito.
“I'm fine, wife. What are you doing here?”
“Ah— ano— pupunta sana ako sa kusina. May narinig lang ako sa labas at titignan ko sana.”
“It must be a stray cat.”
“Hmm. Siguro nga.”
Hinawakan nito ang kamay niya. “Let's go back upstairs.”
“Okay.”
Maglalakad na sana siya pero napansin niyang may dugo sa gilid nito. “Axton, you're bleeding.”
Kunot-noo itong napatingin sa tagiliran nito. “Nabinat lang siguro. I was doing squats and push ups earlier.”
Nagtatakang itinaas niya ang t-shirt nito para tignan ang sugat pero mas lalo siyang nagtaka nang makitang parang bago ang sugat nito. Kunot-noo niya itong tinignan.
“I'm fine, wife. Can you please clean it so we can go back to sleep again?” nakangiti nitong sabi.
She's a nurse. Alam niya ang pagkakaiba sa isang bagong sugat at sa sugat na nabinat. At ang klase ng sugat na nasa gilid ng asawa niya ay bago lang at parang daplis ito ng bala ng baril.
Hindi na siya nakapagsalita pa dahil hinila na siya nito pabalik sa taas. Dumiretso sila sa silid nito kaya kinuha na lang din niya ang first aid kit para linisin ang sugat nito.
Pagkatapos ay hinatid siya nito sa guest room kung saan mahimbing pa rin na natutulog ang tita niya.
Humiga siya sa kama at lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin siya nakatulog ulit. Hindi mawala sa isip niya ang aninong nakita niya kanina at saka si Axton.
He seemed very distant and cold earlier.
He didn't even kiss me. He didn't say goodnight to me.
Iba talaga ang pakiramdam ko.
********