NAGISING si Sulyka dahil sa sinag ng araw na tumatama sa pisngi niya. Kinusot niya ang mga mata niya habang dahan-dahang tumatalikod mula sa bintana para maiwasan ang sinag ng araw. Matutulog pa sana ulit siya dahil inaantok pa siya pero mabilis siyang bumangon nang mapagtantong umaga na.
Kagat-labing napatingin siya sa wall clock at nakita niyang mag-aalas otso na ng umaga. Bumuga siya ng hininga at nilingon ang unan na nasa tabi niya.
“Nasaan kaya si Axton?” mahinang tanong niya sa sarili.
Matagal siyang nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kung anong pwedeng gawing dahilan niya para iwasang may mangyari sa kanilang dalawa ni Axton.
Muli siyang humiga sa kama at saka mahigpit na niyakap ang unan. Hindi niya akalain na sabot sa ganito ang pag-vo-volunteer niyang alagaan ito habang nagpapagaling.
Ang bilis naman kasing lumipas ng pitong araw. Kinakabahan na naman siya para mamayang gabi. Ipinagdarasal niya na sana agad na matulog si Axton at hindi na mangungulit sa kanya.
Bumangon na siya at saka naligo. Pagkatapos niyang maligo ay bumaba siya at naabutan niya si Axton na nagluluto sa kusina.
Malapad ang mga ngiti nitong lumapit sa kanya, at nang makalapit ito ay hinapit nito ang bewang niya at binigyan siya nang mainit na halik sa labi. Sa pagkakataong ito ay hindi na siya nagulat. Para bang nasanay na siyang halikan nito kahit anong oras.
Tumibok ng mabilis ang puso niya at dinama ang mainit nitong labi. Ganito ang palaging ginagawa ni Axton tuwing umaga, o kahit kailan nito gusto. Palagi siya nitong hinahalikan at hindi na siya nagugulat.
Kagat-labing napatingin siya rito. He looked so in love with her and it made her feel special. Kitang-kita niya sa mga mata nito na parang mahal na mahal siya nito, lalong-lalo na sa kilos nito. Kung makatitig pa ito sa kanya ay parang siya ang pinakamagandang babae sa mundo.
Hinalikan siya nito sa noo at saka mahinang pinisil ang pisngi niya. “Did you sleep well, wife?”
Nakangiti siyang tumango. “Oo naman.”
“Nasanay kasi akong maaga kang gumigising. Did you have a nightmare?” may bahid ng pag-aalala ang boses nito.
“Wala naman. Mukhang napasarap lang ang tulog ko.”
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at muli siyang siniil ng halik. Napaatras siya ng kaunti pero mabilis siya nitong kinulong sa bisig nito habang hindi pinapakawalan ang labi niya.
Tuluyan na sana siyang malulunod sa halik nito pero naitulak niya ito nang may maamoy siyang pagkain na nasusunog.
“Oh f**k!” bulalas nito.
Mabilis nitong pinatay ang apoy pero huli na ang lahat dahil sobrang itim na ng itlog at hotdog na sabay nitong niluluto. Nasunog na ng tuluyan at hindi na pwedeng kainin.
“s**t,” bulalas nito habang kinakamot ang ulo.
“It's fine, Axton.”
Napapailing-iling nitong pinagmasdan ang niluluto sana niya.
“Are you hungry?”
“Hindi pa naman ako masyadong nagugutom,” sagot niya at saka binuksan ang refrigerator.
Maghahanap sana siya ng pwede niyang lutuin pero hindi pa pala sila nakapag-grocery ulit.
“Should we order food?” tanong nito.
“Hmm, sure,” nakangiti niyang sagot.
Kinuha nito ang cellphone nito at ibinigay sa kanya. Kunot-noo naman niya itong tinanggap at saka binuksan ang food delivery app.
Habang namimili ng pagkain ay bigla na naman itong yumakap mula sa likuran niya. Paulit-ulit pa itong nagnanakaw ng halik sa batok niya dahilan para tumayo ang lahat ng balahibo sa katawan niya.
Is this really happening?
Ramdam na ramdam niya ang mainit nitong labi. Noong una ay hindi siya komportable kapag yumayakap ito sa kanya o di kaya ay kapag humahalik. Pero ngayon, iba na ang nararamdaman niya. Hindi lang siya dahan-dahang nasasanay kundi parang hinahanap-hanap na rin niya ito.
This is not good. Hindi ito pwede.
Kasal lang kami sa papel. Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya.
Babalik ang alaala niya. Babalik din sa dati ang lahat. Aalis din ako sa bahay na ito.
Maghihiwalay din kami.
Mabilis siyang nag-order ng pagkain at saka hinarap si Axton at ibinalik ang cellphone nito. Aalis na sana siya pero hinawakan nito ang kamay niya.
“Your presence is needed in my company next week, wife,” he said with a serious tone.
“E-Eh? Anong gagawin ko dun?” Ngayon pa lang ay kinabahan na siya. Isa pa ito sa iniisip niya. Wala naman kasi siyang ideya kung ano ang gagawin niya sa kompanya nito.
“Nothing,” nakangiti nitong sabi. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok sa pisngi niya papunta sa likuran ng tenga niya. “Don't be nervous, Sulyka. Your presence is enough there. Wala kang ibang gagawin.”
“O-Okay.”
Ngumiti ito at hinalikan siya sa noo. “May gusto sana akong sabihin sa'yo.”
Napalunok siya nang muli na namang sumeryoso ang boses nito. “Hmm. Ano ‘yon?”
“Panahon na siguro para mag-resign ka sa trabaho mo, wife. I mean, you don't need to work because I can provide and give you everything you need and want.” Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan ang likuran nito. “Please, think about it?”
What he said made her speechless. Anong sasabihin niya rito? Alam naman kasi niyang hindi magtatagal ang ganitong set-up nilang dalawa. Kapag bumalik na ang alaala nito ay babalik na rin sa dati ang buhay niya. Inaasahan din niya na baka ngayong buwan o sa susunod na buwan ay babalik na ang alaala nito.
“I-I’ll think about it, Axton,” sagot niya.
Muling lumapad ang ngiti sa labi nito. “Thank you, wife. Mas madali ka kasing mabubuntis kapag hindi pagod ang katawan mo. Kaya mas mabuting manatili ka lang sa tabi ko rito.”
“H-Ha?” Tama ba ang narinig niya? Mabubuntis?
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at muli siyang siniil ng halik. Hindi pa nga siya nakabawi mula sa pagkagulat, pero heto ito at hinahalikan na naman siya. It seems like he's deeply obsessed with her.
“I just don't understand why we still don't have kids, wife. Wala pa rin akong maalala kaya hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit hindi kita nabuntis. I went to my doctor yesterday and he said there's nothing wrong with me.”
Gulat siyang napatitig rito. Hindi niya akalain na iniisip na pala nito ang pagkakaroon ng anak. Napaka-gwapo nitong tignan habang sinasabi sa kanya na gusto nitong magkaroon ng anak, pero kapag bumalik na ang alaala nito ay siguradong babawiin nito ang lahat ng mga sinabi nito.
“Ah- g-ganun ba.”
“Yeah. Kaya ngayon, sisiguraduhin kong mabubuntis ka na. Nasa tamang edad na naman tayo at saka kasal na din.”
Napalunok siya dahil sa sinabi nito. Napakaseryoso pa naman nito. Sana talaga bumalik na ang alaala nito para matapos na itong pagpapanggap niya. Hindi na niya kaya!
He suddenly kissed her again and she felt love, care, and desire in between his kisses. Muling umikot ang braso nito sa bewang niya at mukhang wala itong balak pakawalan siya.
Ilang sandali lang ay hinihingal silang naghiwalay. Hinalikan nito ang noo niya pababa sa pisngi at leeg niya.
“Your period already stopped, right?”
Nagulat siya sa sinabi nito. Mapupungay ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Para bang ilang araw itong naghintay at nagtiis hanggang sa mawala ang period niya.
Napaigtad siya sa gulat nang biglang tumunog ang cellphone sa bulsa niya. Kinuha niya ito at nakitang ang Tita Sonia niya ang tumatawag sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag. Save by the call!
“Sasagutin ko lang si Tita Sonia saglit, Axton.”
“Sure, wife.”
Nagmamadali siyang umalis sa kusina at nagtungo sa pool area. Sinagot niya ang tawag at saka umupo sa gilid ng pool. Habang nag-uusap sila ng Tita niya ay dumating naman si Axton na naka-boxer shorts lang at nagsimulang lumangoy.
“Salamat naman at napatawag ka, Tita Sonia,” bungad niya rito.
Natawa naman ang tita niya. “Why? What happened?”
“I'll tell you kapag nagkita tayo, Tita. Kailan ka ba ulit bibisita rito?” tanong niya habang pinagmamasdan si Axton na lumalangoy.
“If you want, I can visit you there tonight.”
Lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi nito. Kung bibisita ang tita niya mamayang gabi ay maiiwasan niyang may mangyari sa kanilang dalawa ni Axton. Sisiguraduhin niyang matutulog sa bahay ang tita niya mamaya dahil tatabi siya rito sa pagtulog.
Nag-usap pa sila ng ilang minuto hanggang sa nagpaalam na muna ang tita niya dahil may gagawin pa ito.
Saktong pagbaba niya ng cellphone niya ay nagtaka siya nang hindi na niya makita si Axton na lumalangoy. Kinakabahang tumayo siya at pinasadahan ng tingin ang buong pool.
“Axton?” kinakabahang tawag niya sa pangalan nito.
Muling lumipas ang ilang segundo at dahil hindi na siya mapakali pa ay tumalon na siya sa pool para hanapin ito. Lumangoy siya pailalim at kinakabahang hinanap ito.
Muntik na siyang makainom ng tubig nang biglang may umikot sa bewang niya. Nang hinarap niya ito ay bumungad sa kanya ang nakangiting si Axton.
Hinila siya nito paitaas at agad niyang hinabol ang hininga niya. “You're crazy.”
“Nag-alala ka ba sa akin?” nakangisi nitong tanong.
“Of course,” deritsang sagot niya na siyang ikinagulat naman niya. Totoong nag-alala siya. Bakit?
“Of course, wife, because I'm your husband,” seryoso nitong sabi.
Hinawakan nito ang pisngi niya at muli siyang siniil ng halik. Ipinikit niya ang mga mata niya at hinayaan ang sariling tangayin nito.
Mababaliw na ako!
********