HINALIKAN pabalik ni Sulyka ang Tita Sonia niya sa pisngi nito bago pagbuksan ito ng pinto ng driver's seat ng kotse.
“See you tonight at the party, Sully,” nakangiting sabi nito at saka pumasok sa loob.
“See yah later, Tita,” nakangiti niyang sabi pabalik..
“You don't have to worry again for tonight,” nakangisi nitong sabi.
Mahina siyang tumawa. “Thanks again, tita.”
“No problem, Sully. See yah!”
Kumaway siya rito at sinundan ng tingin ang likuran ng kotse nito hanggang sa tuluyan na itong nakalabas ng gate.
It was a blessing in disguise when one of her aunt's friends called them early this morning, inviting them to attend a birthday party tonight. Agad naman siyang natuwa dahil maiiwasan na naman niyang makatabi si Axton sa pagtulog.
Malakas siyang bumuga ng hininga. Tumingin siya sa wristwatch niya at mag-aalas otso na ng umaga. Pagbaba nila kanina ng Tita Sonia niya ay hindi pa gising si Axton. At mukhang natutulog pa rin ito hanggang ngayon dahil nakatabing pa rin ang kurtina sa bintana ng silid nito.
Pinasadahan niya ng tingin ang paligid. Sigurado siyang nakarinig siyang may nabasag na paso kagabi dito sa labas. Pero maayos namang nakahilera ang mga malalaking paso.
Papasok na sana siya sa loob pero dahil hindi siya mapakali ay nilapitan niya ang mga ito. Agad na kumunot ang noo niya nang mapansing parang bagong tanim ang isang orchid. She examined the soil inside the pot and it seemed like it was new.
“Posibleng nabasag ito kagabi pero pinalitan at itinanim ulit,” mahinang bulong niya sa sarili. “Pero bakit?”
Puno ng pagtatakang muling pinasadahan niya ng tingin ang paligid. Nilapitan niya isa-isa ang mga paso para ikompara ang unang pasong nakita niya.
“Kung nabasag ito kagabi ay sino ang bumasag rito at sino naman ang nagbalik?”
Muling bumalik sa isip niya ang anino ng lalaking nakita niya kagabi. Sino kaya iyon? Alam niya sa sarili niyang hindi lang niya iyon guni-guni.
Malakas siyang bumuga ng hininga at saka napagpasyahang pumasok na sa loob. Dumiretso siya sa may pool area at saka pinasadahan ng tingin ang paligid. At gaya ng paso kanina, may nakita din siyang paso na parang bago lang ipinalit.
“Something's wrong here… o baka nag-o-overthink lang ako,” kagat-labing bulong niya.
Hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Iba kasi ang kutob niya. Sa palagay niya ay nakasunod pa rin sa kanya ang lalaking sumunod sa kanya sa mall noon.
Pumasok rin sa isip niya ang sugat ni Axton sa gilid ng tiyan nito. He seemed off last night too. Nasanay siyang palagi itong sweet at nakangiti sa kanya.
“Wife.”
Hindi niya nagawang lingunin si Axton dahil agad itong yumakap sa likuran niya. Naramdaman niya ang labi nito na dumampi sa balikat niya.
“Good morning, wife.”
“Good morning din, Axton.”
“Umalis na ba ang Tita mo?”
“Hmm, oo. Hindi na siya nakapagpaalam sa’yo dahil natutulog ka pa.”
“It's fine. Did she sleep well last night?”
“Yup.”
Pinakawalan siya nito at hinawakan ang balikat niya at saka inikot siya paharap rito. Agad na tumibok ng mabilis ang puso niya nang magkasalubong ang paningin nilang dalawa.
Here we go again. He's smiling sweetly at her and his eyes were twinkling. Hinalikan siya nito sa noo pababa sa ilong niya hanggang sa gilid ng labi niya.
“My doctor suggested to me that I should go to the places which I think I had been before. He said it might help me regain my memory,” panimula nito.
Natuwa siya sa sinabi nito. Iyan naman ang gusto niya. Ang bumalik na agad ang alaala nito. “That's good. Saan mo balak pumunta?”
“I'm planning to visit one of my properties. Sinabi sa akin ni Atty. Rex na palagi akong pumupunta sa isa sa mga beach house ko sa probinsya. And I want us to go there today. Is that okay with you, Sulyka?”
“Oh, pwede bang sa susunod na araw na lang muna? One of my tita’s friends invited us to her birthday party tonight.”
“Hmm. Okay, fine. We'll go there tonight. And maybe tomorrow, we'll travel to the province?”
“Sure.”
Mabilis na lumipas ang oras. Nang dapit-hapon na ay nagsimula na silang maghanda para sa birthday party na gaganapin mamayang gabi.
Mag-aalas singko na ng hapon nang matapos na sila sa paghahanda. May kalayuan pa kasi ang venue ng party kung kaya't kailangan nilang maghanda ng maaga.
Habang nasa byahe ay tahimik lamang silang dalawa. She wanted to drive the car but Axton insisted on driving, saying he's already well and she doesn't have to worry. Hinayaan na lang niya ito pero pinapakiramdaman niya ito habang nasa byahe sila.
Mag-aalas otso na ng gabi nang makarating sila sa venue. Nakaikot sa bewang niya ang isang braso ni Axton habang naglalakad sila papasok sa mountain resort. Hindi naman karamihan ang mga bisita, mukhang mga kakilala lang din ng birthday celebrant.
“Axton! Sully!”
“Tita Sonia.” Nakangiting lumapit sa kanila ang tita niya na agad naman niyang sinalubong at hinalikan ito sa pisngi. “Ang bagets mo tingnan sa suot mong dress, tita,” nakangiting komento niya.
Ngumisi ito at mukhang kinilig dahil sa sinabi niya. “Naahh. ‘Wag mo nga akong bulahin, Sully. I'm too old para sabihan mong bagets.”
“Hindi kaya, tita.”
“Ikaw talagang bata ka,” natatawa nitong sabi at saka pinisil ang pisngi niya. “Anyway, mabuti at nakarating kayo, Axton. Halikan kayo rito, kanina pa kami kumain ng dinner. Maagang nagsimula ang party at hindi ko na kayo nasabihan. May flight kasi papuntang ibang bansa si Mary Joy,” sabi nito habang tinutukoy ang kaibigan na siyang may kaarawan.
Sumunod sila sa Tita niya at sabay silang kumain ni Axton ng dinner. Pagkatapos nilang kumain ay napagdiskitahan niyang tikman ang mga cake at ice cream na nasa ibabaw ng tatlong nakahilerang pahaba na mesa. Si Axton naman ay nagpaalam na magpapahangin lang sa may terrace.
Habang kumakain ng dessert ay kausap naman niya ang tita niya. Nang umalis ito para kausapin ang ibang kaibigan ay sinimulan naman niyang hanapin si Axton.
Tinahak niya ang madilim na pasilyo papunta sa taas dahil nakita niyang dito dumaan kanina si Axton. Pero kumunot ang noo niya nang makarating siya sa terrace pero wala ito.
“Nasaan kaya siya?”
Babalik na sana siya sa baba pero bigla tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito at kumunot ang noo niya nang makitang unknown number ang nag-sent ng message sa kanya.
Binuksan niya ito at tumayo ang balahibo sa batok niya nang makita ang message. Picture niya ito. Picture kung saan kasalukuyan siyang nasa terrace at nakatayo ng mag-isa.
Kinabahang napalingon siya sa likuran niya pero wala siyang nakitang tao. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang paligid pero wala siyang makita kahit anino.
Muli siyang napaigtad nang tumunog na naman ang cellphone niya. At ganun parin, ang message ay picture pa rin niya. Mas domoble ang kaba niya nang may dalawang picture pa ang magkasunod na dumating.
Naiiyak na pinasadahan niya ang paligid. She couldn't even find her voice to speak because of fear. Ni hindi niya magawang igalaw ang katawan niya mula sa kinatatayuan niya.
Muling bumalik sa alaala niya ang lalaking sumunod sa kanya sa mall at ang aninong nakita niya sa labas ng bahay ni Axton.
N-Nandito k-kaya siya?
S-Siya ba ang k-kumuha ng mga l-larawan na ito?
Muling tumunog ang cellphone niya kaya tinignan niya ito. Napalunok siya ng ilang beses dahil sa message nito.
“Run.”
Mabilis siyang tumakbo at habang tumatakbo ay ramdam niyang parang may nakatingin sa kanya. Nakalimutan na niya ang pasilyong dinaanan niya kanina kung kaya't hindi niya alam kung saang parte siya ng mountain resort napadpad.
Napahiyaw siya sa gulat nang biglang may humawak sa balikat niya dahilan para mapahinto siya sa pagtakbo. Sisigaw na sana siya pero nang makitang ang asawa niya ito ay napaiyak na lamang siya sa tuwa.
“Wife, are you alright? What's wrong?” puno ng pag-aalalang tanong nito.
Kagat-labing umiling siya at mabilis na yumakap rito. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang tumulo ang luha sa pisngi niya.
“Sshh. You're safe with me, Sulyka. Stop crying,” malumanay nitong bulong sa kanya na mas lalo lamang nagpaiyak sa kanya.
Kung hindi ito dumating ay baka ano na ang nangyari sa kanya. Nang maramdaman niyang hinagod nito ang likuran niya ay dahan-dahang nawala ang kaba sa dibdib niya.
Ilang sandali lang, nang huminahon na siya ay kumalas ito para tignan siya. Pinunasan nito ang luha sa pisngi niya at hinalikan siya sa noo.
“Can you please tell me what happened, wife?”
Kagat-labing umiwas siya ng tingin. Kailangan pa bang sabihan niya ito? Baka mabinat pa ito lalo na’t may sugat pa ito sa tagiliran nito. At saka, baka isipin nitong nababaliw siya. Sino ba naman kasi ang mag-aaksaya ng panahon na sundan siya?
“C-Can I tell y-you some o-other time?”
“Sure, wife. Just tell me anytime you want.”
Muli niyang ipinikit ang mga mata niya nang niyakap siya nito.
********