Chapter 11

1574 Words
TAHIMIK lamang na nakatingin sa labas ng bintana ng kotse si Sulyka habang si Axton ang nagmamaneho. Napagpasyahan niyang umuwi na kahit hindi pa tapos ang pagdiriwang. Hindi na rin siya nakapagpaalam sa tita niya dahil gusto na niyang umalis sa lugar. Kahit malakas ang buhos ng ulan dahil sa bagyong paparating ay patuloy pa rin nilang tinatahak ang daan pauwi. Mabuti na lang at pumayag si Axton na umuwi na sila. Mukhang nakita nitong nababalisa na siya at hindi mapakali. Kunot-noong napahawak siya sa gilid nang mapansing parang mas bumilis ang takbo ng kotse nila. Nilingon niya si Axton pero nagulat siya nang makitang napakaseryoso nito habang nagmamaneho. Just like last night, he's very serious now, and somehow, he looks so dangerous. Parang biglang naging ibang Axton ang kasama niya. Napaigtad siya sa gulat nang biglang may marinig na malakas na putok at nabasag ang side mirror ng kotse. Gulat siyang napalingon sa likuran nila at ngayon lang niya napagtantong may nakasunod pala sa kanila. At mukhang hindi lang ito nakasunod, kundi hinahabol sila! Kinakabahang muling napalingon siya sa asawa niya. “A-Axton?” Napapikit siya at mahigpit na napakapit sa seatbelt nang biglang gumiwang-giwang ang kotse. Muli niyang idinilat ang mga mata nang bumilis na naman ang takbo nila. Pero nakasunod pa rin sa kanila ang isang itim na kotse. “W-What’s happening?” kinakabahan at hindi makapaniwalang tanong niya. Pero tahimik lamang si Axton habang nagmamaneho. “Close your eyes, wife,” he suddenly said with a very serious tone. Nagtataka at naguguluhang tinignan niya ito. Bigla itong may inilahad na panyo sa kanya na agad naman niyang tinanggap. “Cover your eyes, Sulyka, and trust me.” Kagat-labing tinignan niya ang panyo. At dahil hindi niya alam ang nangyayari ay sinunod niya kung ano ang sinabi nito. She covered her eyes with the handkerchief Axton gave her. Kahit wala siyang nakikita ay ramdam naman niyang mas lalong bumilis ang takbo ng kotse. Ilang putok din ng baril ang naririnig niya na mas lalong nagpapagulo sa isip niya. What's really happening now!? Sino ang mga humahabol sa amin?! At bakit nila kami hinahabol?! Posible kayang ang humahabol sa kanila ngayon ay ‘yong lalaking sumunod sa kanya sa mall noon? Pero bakit? Anong kailangan nito sa kanya? O di kaya ay si Axton ang sinusundan ng mga ito. Posible nga naman iyon dahil napakayaman ng asawa niya. Maaaring hinahabol rin siya dahil asawa siya ni Axton at akala ng mga ito na may makukuhang pera mula sa kanya. Tinakpan niya ang tenga nang muling makarinig ng malalakas na putok ng baril. Parang hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Panaginip lang ba ito? Parang nasa isang action movie sila. Muli siyang napaigtad nang makarinig ng malakas na pagsabog. Tinanggal niya ang panyong itinakip sa mga mata niya. Nang lumingon siya sa likuran nila ay nakita niyang umaapoy na ang kotse na humahabol sa kanila kanina. Kunot-noo siyang napalingon kay Axton nang maramdamang dahan-dahang huminto ang kotse. “Are you alright?” puno ng pag-aalalang tanong nito. “O-Oo. S-Sino ang mga iyon?” Mahina itong nagbuntong-hininga at saka hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. “I don't know either, wife. Maybe they were after my money.” Dahan-dahan siyang tumango. Iyon din ang hinala niya. “Ayos ka lang ba? Anong nangyari at biglang sumabog ang kotse nila?” “Maybe overheat.” Overheat? Imposible naman. “Nasaan na nga pala tayo?” tanong niya nang mapansing hindi sila rito dumaan kanina. “Still in the mountain area. Pero hindi na natin pwedeng gamitin ang kotse dahil natamaan ng baril ang tangke ng gasolina at naubos ito.” Kagat-labing napalingon siya sa labas. Sobrang lakas pa naman ng buhos ng ulan dahil ngayong gabi dadating ang bagyo o di kaya ay mukhang dumating na. “Anong gagawin natin ngayon?” kinakabahang tanong niya. “We need to walk. Sigurado akong may makikita tayong bahay sa unahan. Makikisilong muna tayo hanggang sa humupa na ang bagyo.” “O-Okay.” Hinubad ni Axton ang jacket nito at pinasuot sa kanya. Magkahawak-kamay silang naglakad sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Sa tantya niya ay aabot ng isang oras ang paglalakad nila bago sila may makitang isang maliit na apartment. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa wakas, makakasilong na rin sila. Kanina pa siya giniginaw at gusto na niyang magpahinga. Pagpasok nila sa loob ay mabuti na lamang at may bakanteng kwarto. Maliit lamang ang silid pero tama lang para sa kanilang dalawa. Pagkatapos niyang maligo ay isinuot niya ang robe at saka nauna ng humiga sa kama. Ipinikit niya ang mga mata pero hindi siya makatulog kahit pagod na pagod ang katawan niya. Mabilis siyang napabalikwas nang biglang namatay ang ilaw. Wala pa sa tabi niya si Axton dahil naliligo pa ito. Bigla siyang napaigtad nang kumulog ng malakas. Umihip ang malakas na hangin dahilan para bumukas ang bintana. Lalapit na sana siya sa bintana para isarado ito pero bigla siyang may nakitang anino. Napaatras siya ng ilang hakbang dahil sa takot at kaba. “Wife.” Napalingon siya kay Axton na nasa likuran niya at nang muli siyang tumingin sa may bintana ay wala na ang aninong nakita niya. Mahina siyang nagbuntong-hininga. Maybe I'm just hallucinating. “Ayos ka lang ba?” tanong nito. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo. Dahan-dahan siyang tumango. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papunta sa may couch. Magkatabi silang umupo. “Pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari sa'yo kanina?” tanong nito habang nilalaro-laro ang daliri niya. Hindi agad siya nakasagot. Nagdadalawang-isip siyang sabihin rito kung ano ang nangyari kanina. She thought they were not close enough for her to tell him anything. Napatingin siya rito nang bigla nitong hinalikan ang likuran ng kamay niya. May bahid ng lungkot ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “I'm your husband, Sulyka, I think you forgot it,” paalala nito. “H-Ha?” “You can tell me anything. Hindi ko alam kung anong klase tayong mag-asawa noong hindi pa ako naaksidente, but right now, I assure you, wife, that you can trust me. I'm not just your husband or partner, I'm your friend, I'm your listener…. I can be your everything,” seryoso nitong sabi. Gusto niyang maiyak. Ngayon lang ulit siya nakaramdam na may kasama siya at hindi siya nag-iisa. Ngayon lang ulit niya naramdaman na may handang poprotekta sa kanya kaya hindi niya kailangang matakot. Muli nitong hinalikan ang kamay niya. “You can trust me, wife. I am with you forever.” Dahan-dahan siyang tumango rito. Kinuha niya ang cellphone niya at saka ipinakita ang mga larawan niya. Napansin niya ang pagkunot ng noo nito at ang pagdilim ng mukha nito. “Hindi ko alam kung sino ang may-ari ng number na iyan,” mahinang sabi niya. “I'll make Atty. Rex investigates this number,” mahinahon nitong sagot. “You don't have to worry, wife. I'm always here.” “Thank you, Axton.” “Can you please promise me that you'll tell me everything that bothers you?” Dahan-dahan siyang tumango. “I promise.” “Good.” Axton smiled at her and kissed the back of her hand. His eyes are promising while staring at her. “Kilala mo ba kung sino ang humahabol sa atin kanina?” pabulong na tanong niya. “Nope. Pero sa palagay ko ay sila ang humahabol sa akin noong araw na naaksidente ako.” Nagulat siya sa sinabi nito. “May naaalala ka na?” “May ilang naaalala ako sa araw na naaksidente ako.” Dahan-dahan siyang tumango. May parte sa kanya na masayang marinig na may naaalala na ito kahit kaunti lang. Pero may parte sa kanya na malungkot dahil babalik na sa dati ang lahat. Bakit siya nakaramdam ng lungkot? Di'ba iyon ang gusto niya? Ang bumalik na sa dati ang lahat? “Bakit ka nila sinusundan?” “Probably because of money.” “Hmmm.” Napalingon siya sa may bintana nang biglang kumulog ng malakas. Hindi pa rin bumabalik ang kuryente kaya sobrang dilim ng paligid. Ang tanging nagsisilbing ilaw sa silid nila ay ang nakasinding kandila. “Are you sleepy?” Tumango siya kahit hindi pa naman siya inaantok. Pipilitin niya ang sariling makatulog para makalimutan ang takot na kanina pa niya nararamdaman. Nang humiga sila sa kama ay agad itong pumatong sa ibabaw niya at isiniksik ang mukha nito sa leeg niya. Hindi na siya nagulat dahil ito naman ang palagi nitong ginagawa kapag matutulog na sila. “You're so close to me but it feels like you're so far from me.” “H-Ha?” Sinalubong nito ang mga mata niya. “Parang ang layo ng loob mo sa akin, Sulyka. It felt like you built a wall between us. And I want to break that wall.” Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. “Marry me again and I will prove to you that I am worthy to become your husband and I will make sure you won't regret marrying me again.” “A-Axton.” “You trust me, right?” Dahan-dahan siyang tumango. “Marry me again, please.” Wala na siyang nagawa pa kundi ang tumango na lamang. Agad naman itong napangiti at sinakop ang nakaawang niyang labi. Sobrang lakas ng pagtibok ng puso niya. Mababaliw na yata siya dahil sa asawa niya. ********

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD