NAPAIGTAD sa gulat si Sulyka nang bumungad sa kanya ang nakasimangot na mukha ni Axton pagbukas niya sa pinto ng bathroom. Kakatapos lang niyang maligo at nakasuot na rin siya ng damit pero basa pa ang nakalugay niyang buhok.
Kunot-noo niya itong tinignan. Hindi pa rin siya komportableng kasama ito pero wala siyang choice. Pinipilit na lang niya ang sariling pakisamahan ito sa ngayon. Sigurado naman kasing babalik sa dati ang buhay nila kapag bumalik na ang alaala nito.
“May problema ba, Axton?” takang tanong niya.
Nakapuot itong lumapit sa kanya at biglang yumakap ng mahigpit na ikinagulat niya.
“Why did you lock the door?”
“H-Ha?”
“Sasabay sana akong maligo sa'yo pero hindi ko mabuksan ang pinto.”
Napalunok siya at muli na namang kinabahan. Seryoso ba ito? Sasabay sa kanya na maligo? Matatawa na sana siya dahil mukha itong batang hindi napagbigyan sa gusto nito, pero hindi nakakatawa ang gusto nitong gawin.
Taking a bath with him is crazy!
Kinabahan siya para sa sarili niya. Hindi niya naisip na mangyayari ito. Ang dami palang pwedeng mangyari sa kanya bilang asawa nito.
Tama ba itong pinasok ko?
“H-Hindi ko n-namalayan na nai-lock ko pala ang pinto,” nauutal niyang sabi. Paano na bukas? Sasabay ba talaga itong maligo sa kanya? Baka mas pipiliin na lang niyang hindi maligo ng isang buwan o kahit isang taon…. o habangbuhay!
Hindi niya inasahan ang kilos nito. Gusto nitong sabay silang maligo! Hindi maaari iyon! Mag-asawa sila sa papel lang, hindi sa totoong buhay!
“Axton!” napahiyaw siya nang maramdamang kinagat nito ang balikat niya.
Lalayo sana siya pero mahigpit na nakapalibot sa bewang niya ang braso nito.
Oh my God! Ganito ba talaga ito ka-clingy?! Palagi na lang itong yumayakap sa kanya at nangangagat pa! Hinding-hindi siya masasanay sa pagiging clingy nito!
Bigla tuloy siyang nagsisi na isang buwan siyang naka-leave sa trabaho. Sana pala isang linggong leave lang ang finile niya.
“We're married, wife. We're supposed to do everything together including taking a bath,” he whispered to her seriously.
Sulyka nervously gulped again, regretting her decision about taking care of Axton until he fully recover. Sana pala hindi siya pumayag na siya ang mag-aalaga rito.
“O-Okay,” ang tanging sagot niya.
Lumayo ito ng kaunti sa kanya pero nakapalibot pa rin sa bewang nito ang braso niya kaya magkadikit pa rin ang katawan nila.
Napatingin siya sa mga mata nito at tila muli siyang nahipnotismo ng mga mata nito. Axton is extraordinarily handsome. Kapag napatingin ka sa mukha nito ay hindi mo na magawang alisin ang paningin mo sa kanya.
Tila dinala siya nito sa kalawakan ng ilang segundo dahil sa titig nito. Parang nakalutang siya sa ere, tila hindi maramdaman ang paa sa sahig.
Kinakabahan siya at tumitibok ng mabilis ang puso niya. Umiwas siya ng tingin pero muli niyang sinalubong ang mga mata nito nang magsalita ito.
“I'm a little bit disappointed.”
“H-Ha?”
“You're so close to me, wife, but it felt like you're so far from me.” Nagulat siya nang mapansin ang bakas ng lungkot sa boses nito.
“A-Anong ibig m-mong sabihin?”
“Pakiramdam ko napakalayo ng loob mo sa akin. Did I do something wrong before?”
“Wala naman, Axton.”
Napansin siguro nito na hindi siya komportableng kasama ito. At dahil wala itong maalala ay nagtataka ito kung bakit ganito ang kilos niya.
Kating-kati na siyang sabihin ang totoo rito pero natatakot siya at baka mabinat pa ito. Siguradong maguguluhan ito. Mukhang naniwala pa naman ito na talagang ikinasal sila, lalo na dahil sa wedding portrait nilang dalawa na digitally edited lang naman.
Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nasa pisngi niya. “Pakiramdam ko may nagawa akong mali bago ako naaksidente, Sulyka.”
Agad siyang umiling. “No, stop thinking like that. You did nothing, Axton.”
“Really?”
“Yes.”
Mahina itong nagbuntong-hininga na parang hindi naniniwala sa kanya. Muli siya nitong niyakap ng mahigpit at hinayaan lamang niya ito.
Nakakapanibago ang sitwasyong ito. Gusto ko sanang tumakas.
Bigla siyang napakapit sa t-shirt nito nang maramdaman na naman niya ang mainit nitong labi sa balikat niya. Gusto sana niyang umatras pero hindi siya makawala mula sa bisig nito.
“A-Axton, magluluto pa ko ng agahan,” sabi niya habang mahina itong itinutulak palayo.
Pero hindi ito nakinig at naramdaman niya ang labi nitong gumapang papunta sa leeg niya, dahilan para tumayo ang balahibo sa batok niya. “I'm addicted to you, Sulyka. Gusto kong palaging naamoy ka.”
Muli siyang kinabahan. Heto na naman ito. Ganito ba talaga ito? Gusto sana niya itong sabihan na hindi niya gusto ang ginagawa nito dahil hindi siya komportable. Pero mag-asawa sila at magagawa siya nitong halikan kahit kailan at kahit saan nito gusto.
“H-Hindi ka pa ba m-maliligo?” kagat-labing tanong niya.
Mas lalong humigpit ang kamay niyang nakakapit sa t-shirt nito nang maramdamang dinilaan nito ang leeg niya. Napasinghap siya at muling napaatras. Sumunod naman ito sa kanya hanggang sa mapasandal siya pader.
“Kusang gumagalaw ang katawan ko, Sulyka. I can't stop myself,” hinihingal nitong bulong.
Kagat-labing napakapit siya nang maramdaman ang labi nito sa tenga niya.
“Sa palagay ko ay ganito na ako sa'yo noon pa. Palagi kang hinahanap-hanap ng katawan ko, Sulyka.”
Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dahil hindi siya makapag-isip ng maayos. Umagang-umaga ito ang ginagawa ni Axton sa kanya. Mas lalo na tuloy siyang kinabahan para mamayang gabi.
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at hahalikan na sana siya nito sa labi pero bigla siyang umiwas. Pero desidido yata itong matikman ang labi niya dahil hindi siya nito hinayaang makaiwas sa ikalawang pagkakataon.
Itinulak niya ang dibdib nito palayo sa kanya pero dahil sa halik nito ay tila naglaho ang lakas niya. Ang tanging nararamdaman na lamang niya ay ang labi nitong gumagalaw mula sa labi niya.
Pero for God’s sake, hindi siya marunong humalik. Gumagalaw ang labi nito pero hindi niya alam kung ano ang gagawin. Panay galaw ang labi nito mula sa kanya na parang eksperto ito at minsan ay sinisipsip pa ang labi niya.
Muli niya itong itinulak nang maramdamang kinakapos na siya ng hininga. But Axton kept on kissing her like there's no tomorrow. Puno ng pagkasabik ang halik nito at parang ayaw na nitong huminto.
Mabuti na lamang at ilang sandali lang ay huminto na ito. Hinihingal niyang hinabol ang sariling hininga habang nakapikit pa rin ang mga mata. Ramdam naman niyang nakadikit sa noo niya ang noo nito.
“I couldn't stop myself, wife,” hinihingal nitong sabi habang hinahalikan siya sa pisngi.
Hindi siya sumagot sa halip ay umiwas lamang ng tingin. Ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya at pamamaga ng labi niyang sinipsip nito.
“Atty. Rex will be coming here today. Pag-uusapan natin ang pagiging acting chairwoman mo sa kompanya ko.”
Gulat siyang napatingin rito. “A-Ano?”
“Yes, Sulyka. Kailangan ko pang magpahinga kaya ikaw muna ang uupo sa opisina ko. You will only go there whenever they needed your presence.”
Napalunok siya ng sariling laway. Seryoso itong nakatitig sa kanya kaya talagang hindi ito nagbibiro. Pero magiging acting chairwoman siya ng kompanya nito?
“Pero, Axton, nurse ako at hindi business woman.”
“But you're my wife. You don't have to worry, wala ka namang gagawing mabibigat doon,” sabi nito para pumayag siya.
“P-Pero —.” Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang muli siya nitong hinalikan sa labi.
“I will kiss you whenever I want, wife. Gusto kong masanay ka sa bawat halik ko,” nangungusap ang mga matang sabi nito.
He really made her speechless. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin. Unang araw pa lang nilang pagsasama sa iisang bubong ay nahalikan na agad siya nito. Paano na lang mamayang gabi, bukas, at susunod pang mga araw. Siguradong mababaliw na siya!
Hahalik na naman sana ito sa kanya pero biglang tumunog ang cellphone niya. “Sasagutin ko lang ang tumatawag,” mabilis niyang sabi.
“Sure, wife. I'm going to take a bath now.”
Save by the bell! Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at napahinto siya nang makitang unregistered number ang tumatawag.
“Sino naman kaya ito?” Kahit hindi alam kung sino ang tumatawag ay napagdesisyonan niyang sagutin ito. “Hello?”
Naghintay siya ng sagot mula sa kabilang linya pero sa halip na may sumagot ay hampas ng malakas na alon ang naririnig niya.
“Hello?” nagtatakang sabi niya. “Hello?”
Lumipas ang ilang segundo at wala pa ring sumagot hanggang sa bigla itong naputol. Muling tumunog ang cellphone niya pero sa pagkakataong ito ay ang tita niya ang tumatawag sa kanya.
“Tita Sonia, kumusta?” masiglang bati niya.
“I'm always good, iha. How about you? How's your life being a wife?” kantiyaw na tanong nito.
Lumabas siya ng kwarto at saka naglakad papunta sa kusina. “I think I won't survive another day here, tita,” seryoso niyang sabi pero tumawa lang ito ng malakas.
“Hahaha! You will survive, iha. Maybe it's a blessing in disguise na walang maalala ang asawa mo para magkasama na kayo ulit, Sully.”
“Eh?”
“Ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para magkasama na ulit kayo sa iisang bubong.”
But I never wished na makasama ulit siya.
********