Chapter 4

1558 Words
NAPANGITI si Axton nang makita niya ang asawang si Sulyka na naglalakad sa hallway ng ospital. Kasalukuyang nakaupo siya ngayon sa pocket forest, sa gilid sa labas ng ospital at hinihintay niya ito. Bumili ito ng prutas sa labas at siya naman ay nagpalakad-lakad kanina para mag-exercise. He couldn't stop himself from staring at her. He was completely mesmerized and overwhelmed by his wife's beauty. Isang linggo na ang lumipas simula noong magising siya at masilayan niya ito at araw-araw niyang inaasam na makita at mahawakan ito. Palagi pa niyang nasasabi sa isip niya na napaka-swerte niya dahil sobrang ganda ng asawa niya at napakabait pa. Mamaya ay uuwi na sila sa bahay nila at sobrang excited siya. Hinihintay na lamang nila si Atty. Rex na siyang umaasikaso sa mga babayaran sa ospital at siyang maghahatid sa kanila sa bahay. I couldn't wait to go back home with my wife. Biglang kumunot ang noo niya nang makitang may nakasalubong na lalaki si Sulyka. Huminto ang mga ito at mukhang nag-uusap pa. Awtomatikong nakaramdam siya ng selos. Hindi niya namalayan ang sarili at tumayo na pala siya para lapitan ang dalawa. Hindi niya kasi nagustuhan ang klase ng titig na ibinibigay ng lalaking kausap ng asawa niya. “Wife.” Gulat na napalingon si Sulyka sa kanya pero agad din naman itong ngumiti. “Kanina pa kita hinihintay, Sulyka,” seryoso niyang sabi habang pinapasadahan ng tingin ang lalaking nasa harapan nila. “Medyo natagalan ako sa labas kasi matagal nagbukas ang shop,” paliwanag nito. “Nga pala, Axton. Si Andrew, magkaibigan ang mama niya at si tita.” Walang emosyong binalingan niya si Andrew. “I'm Axton, Sulyka’s husband.” Tumango lamang ito sa kanya at muling binalingan si Sulyka. “Mauna na ako, Sulyka. See you.” Kunot-noong pinasadahan niya ng tingin ang papalayo nitong likuran. He doesn't like the guy. Nararamdaman niyang may gusto ito sa asawa niya base lamang sa klase ng titig nito. He possessively snaked his arms around Sulyka's tiny waist. Napaigtad ito sa ginawa niya pero hinayaan na lamang siya nito habang naglalakad sila. “I haven't seen any wedding ring on your finger, wife,” seryoso niyang sabi habang nakatitig sa kamay nito. “Ah— naiwan ko sa banyo kanina.” Pinagmasdan niya ito habang binabalatan ang isang orange. Nakasuot ito ng simpleng dress at parang isang angel ito sa paningin niya. “I want us to get married again, Sulyka.” Gulat itong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. “Eh? W-Why?— A-Ayos ka lang ba, Axton?” tila hindi makapaniwalang sabi nito. Napangiti siya dahil sa reaksiyon nito. Mahina niyang pinisil ang pisngi nitong namumula. Kinuha niya ang kamay nitong may hawak ng orange at kinain ito. Sinadya pa niyang kainin kasama ang daliri nito na ikinagulat ulit nito. “What's with your reaction, Sulyka? Ayaw mo bang ikasal ulit sa asawa mo?” taas-kilay niyang tanong. “H-Hindi naman sa ganun,” hindi mapakaling sabi nito. “Hindi ko lang inasahan na sasabihin mo ‘yan.” Ibinuka niya ang bibig niya, senyales na gusto niyang subuan siya nito ng orange ulit. Napangisi siya nang maintindihan nito ang kilos niya, at muli siyang sinubuan. He just realized now that it felt satisfying to be cared by his wife. “So what do you think? Let's get married again.” Pinagmasdan niya ang reaksiyon nito at mukhang may gusto sana itong sabihin pero mas pinili nitong manahimik. “Iniisip mo sigurong nababaliw ako, Sulyka,” natatawa niyang sabi. “H-Hindi naman. W-We can d-do that after you fully recover.” Lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi nito. “Really?” “Y-Yes.” Sabay silang napalingon kay Atty. Rex na naglalakad papalapit sa kanila. Nang tuluyan itong makalapit ay malapad itong ngumiti. “You can go back home now, Axton. I already processed everything,” Atty. Rex said, excitedly. Finally, I feel complete. Sumakay sila sa kotse ni Atty. Rex. Habang katabi niya sa backseat si Sulyka ay hawak-hawak pa rin niya ang malambot nitong kamay. Parang ayaw niya kasing malayo ito sa kanya. Gusto niyang palagi itong nakikita at nahahawakan. Natural naman siguro na ganito ang mararamdaman niya dahil asawa niya ito. I must be so in love with her. Hindi niya namalayan kung ilang minuto ang naging byahe hanggang sa huminto ang sasakyan sa harap ng malaking gate. Dahan-dahan itong bumukas at bumungad sa kanila ang tatlong palapag na bahay na may modernong desinyo. While walking, he's still holding Sulyka's hand. Sa tuwing lumalayo ito sa kanya ay nilalapitan niya ito at hinahawakan. Binuksan ni Atty. Rex ang front door at sabay silang pumasok sa loob. Agad na bumungad sa kanya ang wedding portrait nilang dalawa ni Sulyka. Nagustuhan niya ang malaking portrait. But he felt empty while staring at it. Maybe because he couldn't remember it. He didn't remember anything about their marriage, and he badly wanted to remember it. Kahit ang kasal lang sana nila ay gusto niyang maalala. “I actually suggested Sulyka that I want us to get married again,” he said to Atty. Rex. Makahulugang tumawa ito habang nakatingin kay Sulyka. “Well, both of you can do everything. Total, kasal na naman kayo. Kahit gusto ninyong ikasal ng ilang beses ay walang problema iyon.” “We will do that attorney after I fully recover,” he seriously said while eyeing his wife. Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa gumabi na. Sabay silang kumain ng hapunan bago umalis si Atty. Rex. Pagpasok niya ulit sa loob ng bahay ay naabutan niya si Sulyka na naghuhugas ng pinggan. Nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap mula sa likuran nito. “A-Axton,” gulat nitong sabi. Hinalikan niya ang leeg nito at napangiti siya nang muli niyang malanghap ang amoy nitong strawberry. “I really want to know everything about us. Gusto kong malaman kung bakit ka pumayag na magpakasal sa akin noon,” curious niyang sabi. Ipinatong niya sa balikat nito ang baba niya at pinagmasdan ang ginagawa nito. “M-Malalaman mo rin naman l-lahat kapag b-bumalik na ang alaala mo.” “Naah. Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko sanang malaman ang dahilan kung bakit mo ako minahal.” “W-We can talk a-about that s-some other time, Axton. Kailangan mo na munang magpahinga sa ngayon.” Kumalas siya mula sa pagkakayakap rito at hinayaan itong tanggalin ang apron na suot nito. Aalis na sana ito pero hinila niya ito at isinandal sa counter. Hindi ito makaalis dahil nakahawak siya sa countertop. “A-Axton,” mahinang bulalas nito sa pangalan niya. “I'm just curious, wife.” “About what?” “Bakit wala pa rin tayong anak? We've been married for eight years.” Umiwas ito ng tingin at napansin niyang napalunok pa ng ilang beses. “Hmm. We're busy. H-Hindi pa din natin ‘yan napag-usapan,” tila hindi mapakaling sagot nito na siyang ipinagtaka niya. Simula noong nagising siya at nasilayan niya si Sulyka ay napapansin niyang parang hindi ito komportable sa kanya. O sadyang kung ano-ano na lang ang iniisip niya. “How about we talk about it now?” Napatitig siya sa labi nito ng kinagat nito iyon. Parang bigla tuloy siyang nagnasang halikan ito sa labi. Wala namang masama kung magnasa siya sa sarili niyang asawa, di'ba? “We can talk about that later, Axton. Mas mabuting pagtuunan muna natin ng pansin ang recovery mo,” seryoso nitong sabi. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok sa pisngi nito. Muli niyang nasulyapan ang leeg nito na gusto niya ulit halikan at kagatin. “I want to kiss you, wife,” pabulong na bulalas niya na tila nagmamakaawang payagan siya nito. Napansin niyang nagulat ulit ito at tila hindi alam kung ano ang isasagot. Her big round brown eyes are twinkling with nervousness and he couldn't understand why. Her pouty pinkish lips are tempting him and he is already tempted to claim it. Kaya walang paalam na hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at mabilis na dinampi ang labi niya sa labi nito. Napaigtad ito at naramdaman niya ang kamay nitong itinutulak ang dibdib niya palayo. Pero hindi na niya iyon napansin dahil mas nakatuon na ang atensyon niya sa malambot nitong labi. He snaked his arms around her waist and deepened the kiss. But Sulyka kept pushing him away. Baka nagulat lang ito sa ginawa niyang biglaang paghalik rito. Hinihingal niyang hinalikan ito sa noo pababa sa ilong nito hanggang sa gilid ng labi nito. “I couldn't stop myself, Sulyka. You're just so beautiful. I'm so lucky that you're my wife.” “H-Hindi ka pa b-ba i-inaantok?” namumula nitong tanong. “Pwede bang hindi tayo matulog ngayong gabi?” “Eh?” “I'm just kidding,” nakangisi niyang sabi agad at saka pinisil ang namumula nitong pisngi. “Papasok ka ba sa trabaho bukas?” “No. Nag-file na ako ng one month leave.” Napangiti siya. “Then we will cuddle all day this month.” Nagkamot ito ng ulo na ikinatuwa lang niya. He felt his wife is very distant from him. Parang hindi sila close at hindi ito sanay sa kanya. Something's fishy with my wife. But as of now, I want to kiss her. I want to taste her. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD