Chapter 6

1638 Words
TAHIMIK na humikab si Sulyka habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Pero mukhang napansin ng Tita Sonia niya ang paghikab niya. Nasa driver's seat ito at ito ang nagmamaneho “Hindi ko na mabilang kung ilang beses ka ng naghikab, Sully,” natatawa nitong sabi. “Hindi ka yata pinatulog ng asawa mo kagabi,” kantiyaw na dugtong nito. Napapailing-iling lamang siya. “Naahh. Magkatabi lang kaming natulog pero wala kaming ginawang milagro.” Mas lalong tumawa ang tita niya. “Talaga lang, ha? Eh, bakit kanina ka pa humihikab diyan. May eye bags ka pa. Halatang wala kang tulog.” Kasalukuyan silang nasa gitna ng kalsada at papunta sila sa mall. Bibili sila ng groceries para sa bahay nina Axton at kasama niyang mamimili itong tita niya. Si Axton naman ay kasama nito si Atty. Rex. Dumating kanina ang abogado at pupunta muna ang mga ito sa kompanya ni Axton dahil may importanteng aasikasuhin. “I just couldn't sleep, Tita. Alam mo namang hindi ako sanay na may katabing matulog lalo na at lalaki pa,” inaantok na sagot niya. “Dapat ka ng masanay, iha, ngayon at magkasama na kayo ng asawa mo sa iisang bubong.” “Naahh. Babalik din naman sa dati ang lahat kapag bumalik na ang alaala niya.” “Hindi natin alam, Sully,” makahulugang sabi nito at saka tumingin sa kanya. “Baka mas gugustuhin mo na lang balang araw na magkasama na kayo habangbuhay.” Pagak siyang natawa. “Anong ibig mong sabihin, Tita?” “Baka bigla ka na lang mahulog sa kanya? Malay natin,” kibit-balikat na sabi nito habang nakangisi. Umiling siya. “Malabong mangyari ‘yan, Tita.” “Walang imposible, Sulyka.” Umiling lang siya at muling tumingin sa labas ng bintana. Nakahinto ang kotse dahil naabutan sila ng traffic. At mukhang matagal-tagal pa sila bago makarating sa mall dahil sobrang bagal ng usad ng trapiko. May aksidente kasi sa unahan kung kaya't mas lalong humaba ang traffic. At dahil wala siyang magawa ay inabot niya ang isang magazine na nasa backseat. Bubuksan na sana niya ito pero napahinto siya nang makita kung sino ang taong nasa cover page ng magazine. “What the heck!?” gulat niyang bulalas nang makita ang asawang si Axton na nasa cover page. Gulat naman na napalingon sa kanya ang tita niya. Nawala ang pagtataka sa mukha nito nang makitang hawak niya ang magazine. “Why are you so shock?” natatawa nitong sabi. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang asawa mula sa magazine. “Bakit?” ang tanging bulalas niya. Muling natawa ang tita niya. “Wala ka pa rin talagang ideya kung sino ang asawa mo, Sulyka.” “Bakit? Anong meron sa kanya, Tita?” puno ng pagtatakang tanong niya. “He's just one of the most influential young multi-billionaire businessmen not just here in our country but also abroad,” seryoso nitong sagot. “May mababasa kang article tungkol sa kanya diyan.” Bago niya binuklat ang magazine ay tinitigan niya muna ang cover page. Parang bigla siyang na-intimidate kahit larawan lang ni Axton ang tinititigan niya. Bigla ring tumibok ng mabilis ang puso niya nang mapatitig siya sa mga mata nito. “Why didn't you tell me, Tita?” “Dahil sabi mo wala kang interes na alamin ang tungkol sa buhay ng asawa mo.” Tama nga naman ito. Noon pa man ay wala siyang balak na alamin kahit kunting ideya tungkol kay Axton. “I think the reason why Atty. Rex wanted you to take care of Axton because you're harmless.” Napalingon siya sa Tita niya dahil nagtaka siya sa sinabi nito. “Harmless?” Tumango ito. “Yes. Your husband is a famous businessman. He's very famous, wealthy, and powerful. Madaming gustong maging partner siya sa business at madami ring gusto siyang pabagsakin.” Binuklat niya ang magazine at bumungad sa kanya ang ilang larawan ni Axton. Sa mga larawan na iyon ay hindi man lang ito nakangiti kaya mukhang nakakatakot ito at mukhang mahirap lapitan. “Dahil nawala ang alaala ng asawa mo ay wala silang ibang pwedeng pagkatiwalaan. I think your parents was a good friend of Axton kaya ikaw ang pinagkakatiwalaan nilang makasama niya habang nagpapagaling siya. Total, you're his wife naman,” nakangisi nitong sabi. Wala siyang kaalam-alam sa bagong natuklasan niya. Napaka-busy naman kasi niya sa pagiging nursing student noon kaya hindi na niya inalam kung anong klaseng tao ang papakasalan niya. At saka, nasa isip na niya na hindi na niya ulit ito makikita pa. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling ipinagtagpo ang landas nilang dalawa. At mukhang matagal-tagal pa niyang makakasama ito sa iisang bubong. Muli niyang binuklat ang magazine at napahinto siya nang makita ang isang larawan. Medyo blurry ito dahil mukhang nasa malayo ang kumuha ng larawan. Axton Miller, the young multi-billionaire, was seen in a private beach resort together with the model, Natalie Zeta. They are rumored to be in a relationship, but neither of them confirmed it. Bigla siyang nakaramdam ng insecurity nang mabasa ang article. Isang sikat na modelo si Natalie Zeta at wala sa kalingkingan nito ang mukha niya. Napakaganda nito kaya hindi na siya magtataka kung malalaman niyang naging nobya ito ng asawa niya. Pero wait! Nobya ba ni Axton ito noon? Baka nobya pa rin nito hanggang ngayon!? Anong gagawin ko kapag biglang lumitaw sa harap ko si Natalie? Alam kaya niyang kasal na si Axton? Kagat-labing muli niyang binuklat ang magazine. Tanging mga larawan ni Axton ang nakikita niya na kuha ng mga paparazzi. Axton Miller confirmed he's dating someone, but he didn't mention who he is dating with. He said he wanted to keep his love life private. Tinignan niya ang petsa kung kailan nailimbag ang magazine at nagulat siya nang makitang noong nakaraang buwan lang. Muling tumibok ng mabilis ang puso niya. He's dating someone. Did he mean he's dating Natalie? Kung ako ang tinutukoy niya ay sana sinabi niyang he's already married. Napalingon siya sa labas ng bintana nang biglang huminto ang kotse. Saka lang niya napagtantong nakarating na pala sila sa mall at hindi man lang niya iyon napansin. “We're here,” masiglang sabi ng Tita Sonia niya. Lumabas ito ng kotse at agad naman siyang sumunod. Habang nagpalakad-lakad sila sa loob ng mall ay ukupado ang isip niya tungkol sa asawa niyang si Axton. Bakit hindi ito nawawala sa isip niya? Hindi naman siya apektado sa mga nabasa niyang article tungkol rito. Hindi nga ba? Nakasunod lang siya sa Tita Sonia niya at hindi niya ulit namalayan na nakarating na pala sila sa woman's lingerie section. Napakamot na lamang siya ng sariling ulo. Nilapitan niya ang tita niya at tinignan ang mga underwear. Natatawa naman niyang pinagmasdan ang tita niya nang akmang isusukat nito ang isang bra. “Isukat mo ito, Sully. Siguradong maglalaway si Axton nito sa'yo,” kantiyaw nitong sabi habang ipinapakita sa kanya ang manipis at sexy na night gown. “Never,” natatawa niyang sagot. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang mga naka-display pero napahinto siya nang mapansing parang may nakamasid sa likuran niya. Pasekretong inikot niya ang paningin at napansin niya ang isang kahina-hinalang lalaki na nakatingin sa direksyon niya. Bigla siyang kinabahan. Kanina pa niya nararamdaman na parang may matang nakasunod sa kanya at mukhang meron nga. Mas kahina-hinala ito dahil nakasuot ito ng itim na hoodie at cup. At bakit nasa lingerie section ito eh lalaki ito at wala sa istura nito ang bibili ng women's underwear. Tatawagin na sana niya ang tita niya pero nang tumingin siya sa kinatatayuan nito kanina ay wala na ito. Inikot niya ang paningin pero hindi niya ito makita. “Tita Sonia, nasaan ka ba?” mahinang bulong niya. Nagsimula siyang maglakad paalis para hanapin ang tita niya at habang naglalakad ay ramdam niyang nakasunod sa kanya ang lalaki. Binilisan niya ang paglalakad habang pasekretong sumusulyap sa likuran niya at hindi nga siya nagkamali dahil nakasunod nga ito sa kanya. Why is he following me? Dahil sa kaba ay hindi na niya namalayan kung saan siya dinala ng paa niya. Kung minamalas nga naman ay dinala pa siya ng paa niya sa tahimik na bahagi ng mall kung saan walang masyadong taong dumadaan. Pero nakahinga siya ng maluwag nang makita ang fire exit. Napagpasyahan niyang bumaba na lamang sa parking lot at pumunta sa kotse ng tita niya. Nagmamadali siyang bumaba at habang tinatahak niya ang hagdan pababa ay dinig naman niya ang mabilis na yabag ng mga paa ng lalaking nakasunod sa kanya. Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang pinto at hinanap ang kotse ng tita niya. Natatarantang inikot niya ang paningin habang naglalakad. Mali yata ang desisyon niyang bumaba dahil medyo madilim ang paligid at sobrang tahimik pa. Napalunok siya at sumandal sa isang itim na van para magtago. Habol-hiningang sumilip siya at nagtaka nang hindi na makita ang lalaking nakasunod sa kanya. Dahan-dahan siyang umatras habang nakasilip nang biglang may mabunggo siya sa likuran. Sisigaw na sana siya pero nang lumingon siya at makitang ang asawa pala niya ito ay nakahinga siya ng maluwag. “Axton.” “What are you doing here, wife? You're supposed to be with your tita,” puna nito. “N-Nawala kasi siya. Hinahanap ko lang.” Nabigla siya nang hinawakan nito ng mahigpit ang malamig at namamawis niyang kamay. “You're trembling. Are you alright?” puno ng pag-aalalang tanong nito. Mabilis naman siyang tumango. “Yes.” “Come here,” malambing nitong bulong at bigla siyang niyakap ng mahigpit. Kagat-labing ipinikit niya ang mga mata habang pinipigilan ang sariling mapaiyak. Kung hindi dumating si Axton ay hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya. “You're safe with me, wife.” His voice somehow made her feel calm. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD