GULAT na napausog papalayo si Sulyka mula sa asawa niya, pero nabigo siyang makalayo dahil mahigpit na nakapalibot sa bewang niya ang braso nito.
Kinakabahang napalunok siya habang hindi magawang alisin ang paningin sa mga mata nito. They are so close to each other and she can literally feel his warm breath against her cheek.
“Where are you going, my wife? I'm still sleepy so you should better stay here with me,” he huskily whispered.
When she heard what he just said, it felt like her soul had left her body. Her heart beats even faster, and she finds it hard to gasp for more air. His deep, husky voice made her shiver, and she felt more nervous.
Dahan-dahan nitong hinawi ang ilang hibla ng buhok mula sa mukha niya papunta sa likod ng tenga niya. Nang maramdaman niyang dumampi ang mainit nitong daliri sa pisngi niya, tila sampung beses na mas bumilis ang t***k ng puso niya.
“You're really my wife. No doubt about that,” he said, still with a deep husky voice.
She quickly avoided his gaze and stared at the ceiling. “E-Eh?”
“Do you want to know why?”
She met his gaze. “Why?”
“Because my heart beats faster the moment my eyes meet yours,” he said in a very serious tone.
She gasped when he tightly snaked his arms around her waist and buried his face on her neck. Ramdam na ramdam niya ang mainit nitong hininga sa leeg niya.
“A-Axton—,” she said, stammering and not being able to say what she wanted to say.
“My head was hurting, wife. The doctor said it's because of the medicines that I took. I just needed more sleep,” he whispered.
“I s-should let y-you have your s-sleep again. I will—.”
“Stay here, my wife. I need your presence to make my body relax.”
Muli siyang napalunok nang yakapin siya nito ng mahigpit. She felt his big warm body against her small figure. Even his arms are too big for her to handle.
“Can you stay here with me?” he whispered.
“Y-Yes,” she answered, not wanting to say more words because she's still stammering.
“You smell like strawberry.”
She gasped again when she felt his warm lips touching her neck. She unknowingly grasped his hair when she felt his tongue lick her skin.
“A-Axton, what a-are you d-doing?” she said, feeling shocked at what he did.
Being with a man in one bed is too much for her to handle. Ito ang unang pagkakataon na ganito siya kalapit sa isang lalaki. Oo at asawa niya ito, pero sa palagay kasi niya ay parang isa pa rin itong estranghero.
How much more if that man kissed her and even licked her skin without her permission? Kailangan na niyang umalis ngayon. Itutulak na sana niya ito palayo sa kanya, ngunit napahinto siya nang marinig ang sinabi ni Axton.
“Your husband is admiring his wife.”
Of course, it's natural for a husband to kiss his wife. And she just realized it now!
Wala itong maalala kung kaya't ganito ito sa kanya ngayon. Pero hahayaan ba niya ito? Paano na lamang kung….. kung halikan siya nito sa labi?!
Anong gagawin niya? Hahalikan din niya ito? No way!
Napasinghap siya nang muli itong gumalaw. Naramdaman niyang bumaba ang mukha nito sa ibabaw ng dibdib niya dahilan para muli siyang mapaatras.
Pero dahil mahigpit pa rin na nakapalibot sa bewang niya ang braso nito ay hindi niya nagawang makalayo. Ginawa nitong unan ang dibdib niya at mukhang tuluyan ng nakatulog dahil hindi na ito gumagalaw pa.
The room was cold because of the aircon, but she's sweating a lot. Dahan-dahan niyang pinunasan ang pawis sa noo niya at napalunok ng sariling laway.
Ano ba itong napasok ko?
Sobrang lakas ng pagtibok ng puso niya. Naisip pa niyang baka magising ito dahil sa sobrang lakas ng pagtibok.
Dahan-dahan siyang napalingon sa labas ng bintana nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Akala niya natutulog na si Axton habang nakayakap sa kanya pero gumalaw ito para tumingin sa bintana.
“Can you tell me about us, wife.”
Medyo nagulat siya nang magsalita ito. “A-About us?”
“Hmm, yes. I felt empty when I woke up and couldn't remember even a single thing about us. Pero nang makita kita kanina ay parang biglang nabuo ulit ang pagkatao ko,” seryoso nitong sabi.
Muli siyang napalunok dahil sa kaba. Anong isasagot niya rito? Hindi naman pwedeng sabihin niya agad ngayon ang totoo dahil siguradong maguguluhan ito. Hindi rin naman pwedeng gumawa siya ng kwento dahil malalaman naman nito ang totoo kapag bumalik na ang alaala nito.
“Saan tayo unang nagkita, Sulyka?” mahina nitong tanong.
Muling tumalon ng mabilis ang puso niya dahil sa pagbigkas nito sa pangalan niya. Her name sounds so sweet when he spoken it.
P-Pero saan nga ba kami unang nagkita?
Anong isasagot ko?
“I….. I actually forgot….. where. Pero kilala mo ang mga magulang ko…. kung kaya't nagkakilala tayo,” kinakabahang sagot niya.
“Hmmm. Am I a good husband for the past eight years?”
Kinagat niyang pang-ibabang labi. “Y-Yes.”
“Did I make you cry?”
“N-No.”
Bigla itong gumalaw at muling tumingin sa kanya na malapad ang ngiti. Napaigtad siya nang muli nitong hinalikan ang leeg niya at mahinang kinagat pa.
“I'm glad to know that I'm a good husband to you,” natutuwa nitong sabi.
Domoble ang kabang nararamdaman niya nang gumapang ang labi nito papunta sa tenga niya. Agad siyang lumayo ng kaunti.
“K-Kailangan mong m-magpahinga ulit, A-Axton,” kinakabahan niyang bulong.
Napatitig siya sa mukha nitong sobrang lapit sa mukha niya.
“I want to kiss you,” he whispered with his husky voice.
Tila nakalimutan niyang huminga dahil sa sinabi nito. Sobrang lapit pa nito sa kanya at mukhang hindi ito nagbibiro.
“H-Hindi pwede,” biglang bulalas niya dahilan para kumunot ang noo nito dahil sa pagtataka.
“Why not, wife?”
“B-Baka m-mabinat ka,” seryoso niyang sagot.
Mahina itong natawa dahil sa sinabi niya. “I'm asking for a kiss, wife, not a full time love making.”
Awtomatikong nagsimulang uminit at mamula ang pisngi niya dahil sa sinabi nito. Umiwas siya ng tingin pero ikinulong nito sa kamay nito ang magkabilang pisngi niya.
“You're blushing,” he commented while staring at her, looking amused.
Pinilit niyang tumawa. “Hindi ah— Haha.”
“Then I will kiss you now.”
Talagang hahalik na sana ito sa kanya pero napahinto ito nang biglang tumunog ng malakas ang tiyan niya. Napahinto ito at napatitig sa kanya.
Hindi niya alam kung mahihiya ba siya o matutuwa dahil tumunog ang tiyan niya sa gutom. Pero malaki ang pasasalamat niya’t gutom siya dahil hindi siya nito nagawang halikan.
“G-Gutom ako. K-Kukuha lang ako ng p-pagkain,” sabi niya at saka agad na umalis mula sa bisig nito.
“Come back quickly, wife,” sabi nito bago siya tuluyang pakawalan at agad naman siyang tumango.
Nang makalabas ng silid ay malakas siyang bumuga ng hininga. Sumandal siya sa pader at napatampal sa noo.
Lord, ayoko ng bumalik!
Kagat-labing nagsimula siyang maglakad. May mga bukas na restaurant sa labas ng ospital kaya agad naman siyang nakapag-take our ng masustansyang pagkain.
Habang naglalakad sa loob ng ospital pabalik sa silid na inuukupa ng asawa niya ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kanina.
He wanted to kiss me!
Mababaliw na yata ako!
At dahil ukupado ang isip niya ay hindi na niya napansin ang dinadaanan niya. May nakabungguan siya at natapon ang cold coffee nito sa damit niya.
“f**k! I'm so sorry!” bulalas ng lalaking may-ari ng kape na agad siyang binigyan ng panyo.
Tinanggap naman niya ito at nagpasalamat sa isip na malamig ang kapeng iniinom nito. “Ayos lang. Sorry, hindi kita napansin.”
“I'm really sorry,” concerned nitong sabi. Nang mapatingin sa mukha niya ay tila nagulat ito. “Ms. Guevarra!” tuwang sabi nito.
Kumunot ang noo niya. “Kilala mo ako?”
“Yeah! We've actually met before,” masiglang sabi nito.
Gwapo ito, matangkad, malaki ang katawan na halatang alaga sa gym, at maputi ito. Pero sa pagkakaalala niya ay ngayon lang niya ito nakita.
“Talaga?”
“Well, mukhang ako lang ang palaging nakapansin sa'yo. Tita Sonia is my mom's friend.”
Kaya naman pala kilala siya nito dahil magkakilala ang tita niya at ang ina nito.
“Ganun naman pala.”
“I'm Andrew. Nice to see you again and I'm really sorry,” nahihiya nitong sabi habang nakatingin sa damit niyang nabasa ng kape.
“It's fine. I'm Sulyka.”
“What are you doing here pala? As far as a I know, hindi ka rito nagtatrabaho.”
“Ah— ano— may binibisita lang.”
Biglang tumunog ang cellphone nito at mukhang kailangan nitong sagutin agad iyon kung kaya't siya na mismo ang unang nagpaalam.
“Hope to see you next time, Sulyka.”
“See yah around.”
Ilang sandali lang ay nakarating na siya sa harap ng pinto ng silid. Nagdadalawang-isip siyang pumasok pero siyempre, kailangan niyang bumalik.
Pagbukas niya ng pinto ay naabutan niya si Axton na nakaupo sa gilid ng kama. Tumayo ito nang makita siya at nagulat nang makita ang mantsa sa suot niyang cardigan.
“What happened?” nag-aalalang tanong nito.
“May nakabungguan lang ako sa labas at natapon ang kape niya. Ayos lang naman ako. Malamig naman yung kape,” nakangiti niyang sabi.
“You should change your clothes, wife. Basa ang damit mo,” seryoso nitong sabi.
Naglakad ito papunta sa closet at kumuha ng damit. Malaking hoodie ang kinuha nito at ipinatong sa upuan. Lumapit ito sa kanya at tatanggalin na sana nito ang cardigan na suot niya pero napaatras siya ng kaunti.
“A-Ako na, Axton— Hehe.”
Mabilis niyang kinuha ang hoodie at maglalakad na sana papunta sa restroom pero hinawakan nito ang kamay niya.
“And where are you going, wife? You can change your clothes in front of your husband.”
Nagulat siya sa sinabi nito at muling namula ang pisngi niya.
“E-Eh— I'm not comfortable here. W-Wala kasi t-tayo sa bahay,” palusot niya.
“Hmm. Okay, I understand.”
Mabilis niya itong tinalikuran at saka nagmamadaling pumasok sa restroom. Sumandal siya sa pinto at tinitigan ang sariling repleksyon sa malaking salamin.
Jusko!
********