Chapter Four

1226 Words
Chapter Four   Ella’s Point of View   Kinabukasan, bandang break time. Paglabas na paglabas ko pa lang sa room, nakita ko na agad ‘yong mukha ni Ashley. Lumapit na agad ako, ayo’ko nang makipaghabulan. Ang sakit kasi ng binti ko eh.   "Hindi na ako tatakas. Oo na payag na ako sa pinapagawa mo." bungad ko agad sa kanya   Baka kasi bigla akong jombagan nito eh.   "Buti naman, napapagod na ko sayo eh." sabi niya habang nakacross arms siya and nakasandal sa pasamano ng building na ‘to. "Ikaw lang ba? Ako rin naman ah?" reklamo ko din "You will start today. Ikaw ang gagawa ng move para mapansin ka ni Cyrus. You got that?" sabi niya "Are you going to watch me?" tanong ko "Yeah, I'll be watching your moves. Kaya siguraduhin mong hindi ka mabibisto ni Cyrus." bilin niya   Wew. Nakakatakot siya!   "Ahm., wala ka bang ibang ipapagawa? ‘Yong mas madali? Hehe." biro ko tapos lumakad na ko palayo "Bahala ka! Basta, pumayag ka na. Tsh." sagot niya tapos lumakad na siya sa ibang direksyon   *   "AY TIPAKLONG!" sigaw ko   Natapilok kasi ako sa bato, hindi ko nakita. Naglalakad kasi ako malapit dito sa court, may hinahanap lang.   "Ayos ka lang Miss?" tanong ni…..Cyrus? "Ha? Ah, eh... Oo, ayos lang. Thanks." sagot ko tapos lumakad na ko ng paika ika "Ipatingin mo kaya sa Clinic ‘yang paa mo?" suggestion niya "Hindi, huwag na. Ok lang." sabi ko "Sure ka? Sige, ako nga pala si Cyrus. Ikaw?" tanong niya   Grabe, ang bait naman nito? Kaibigan ba talaga siya ni Ashley? Magkaiba sila ng ugali eh, haha.   "Marinella, but you can call me Ella. Salamat sa concern, sige mauna na ako." sabi ko tapos lumakad na ko palayo sa kanya Ang bait bait naman ng kaibigan ni Ashley ah? Ba’t kailangan niya pang itest? Kung tutuusin, dapat kilala niya ang ugali ni Cyrus kasi magkaibigan sila diba? Kaloka! Dahan dahan akong naglakad palabas ng gym na ‘to, ang ingay eh.   "Nice Start. Nakuha mo agad ang atensyon niya." biglang may nagsalita   Napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa gulat, si Ashley lang pala! Tss. Nagpatuloy lang ako sa paglakad.   "Oy, huwag ka nang umarte, wala na si Cyrus. Ayusin mo na paglalakad mo." sabi niya tapos sumunod din siya sa’kin pero may distansya siya para hindi halata na magkakilala kami "Hindi na ako umaarte, natapilok talaga ako kanina." inis kong sagot   Iniwan ko na siya do’n, hindi ko siya maintindihan eh. Kaibigan niya si Cyrus pero.. Tss, hayaan na nga! Hindi ko maintindihan ang mga mayayaman! Naghahanap lang yata sila ng g**o eh! Kapag ako nakaipon ng P50,000 isasampal ko talaga sa mukha ni Ashley ‘yon! GRRRR!     Dahil maaga ang uwi ko ngayon, tatambay muna ako sa BakeShop. Kasama ko si Roxanne.   "Ate Ella! Ate Ella! Ang ganda ganda mo naman!" sabi no’ng isang batang lalaki habang naglalakad kami papuntang shop "Ay naku Dudong! Napaka-Honest mo talagang bata ka! Oh eto piso. Pagpatuloy mo lang ‘yang pagiging mabait ha?" sabi ko   Kinuha na ni Dudong ‘yong piso tapos tumakbo, loko talagang mga bata ‘yon, inuuto ako para makakuha ng piso. Tsk! Ahaha.   "Dex!" sigaw ni Roxanne "Uy! Andito na pala kayo Ella?" natuwa si Dexter no’ng makita kami "Ah ganyan? Ako ang tumawag sayo pero si Ella pinansin mo? Obvious ka boy! Haha." asar ni Rox "Haha, sorry naman. Hi Rox!" bawi ni Dex "Wala na! Nasaktan mo na ako. Hmp! Makapagtrabaho na nga lang." biro ni Rox tapos pumunta na siya sa loob at nagsuot ng apron "Haha, ikaw talaga! Inaasar mo si Rox. Nagtampo tuloy." sabi ko kay Dex tapos sinuot ko na din ‘yong Apron ko "Eh ikaw naman kasi talaga una kong nakita eh. Kamusta? Wala ka pa bang nakakaaway sa school?" tanong niya   Anak ng?!! So nag eexpect na naman pala siya na may makakaaway na naman ako?   "Grabe ka naman." sabi ko "Haha, nagtatanong lang. Pero wala ka pa talagang nakakaaway? Promise?" kulit niya "Wala nga! Gusto mo ikaw na lang awayin ko?! Kulit ah." sabi ko tapos sumunod na ko kay Rox sa loob   Kung alam lang niya! Mas grabe pa sa away ‘yong pinasok ko ngayon! Kahit yata magtrabaho ako ng sampung taon dito sa Bake Shop hindi pa rin ako makakaipon ng P50,000 na pangbayad sa walanghiyang ‘yon! Self supporting kaya ako! Tapos eto pang si Ashley dumagdag! Badtrip! sSamantalang mukha namang sobrang mayaman siya? Ayaw niyang mabawasan ‘yong pera nila? Gano’n? Kaya sinisingil ako? Amp! Nagtrabaho na lang ako, para hindi ko na maisip ‘yong problemang ‘yon, ang sakit na sa ulo eh.   Biglang nagring ‘yong phone ko, si Kuya Japz tumatawag.   "Oy Ella! Umuwi ka na bilis! Nandito tropa ko, walang magluluto nagugutom na ako." utos niya "Ha? Ah sige Kuya! Uuwi na ako." sagot ko tapos binaba na niya ‘yong phone   Dali dali naman akong nagtanggal ng Apron.   "Dex! Tumawag si Kuya Japeth! Uwi na ko, See you Bukas! Rox bhez! Ingat ka sa pag uwi mamaya!" sigaw ko tapos dire diretso na ko sa labas ng Shop   Bago dumiretso ng uwi, dumaan muna ako ng grocery, para bumili ng pang merienda nila kuya. Popcorn saka saka ilang chicha. For sure, mag iinuman ‘yong mga ‘yon eh.   Pagdating ko, dumiretso na agad ako sa kusina para magluto ng popcorn saka ng dinner na rin nasa kwarto siguro sila, wala kasi sila sa sala eh. Buti naman, ayo’ko kasing nagpapakita sa kahit kanino sa mga tropa nila Kuya j**s at Jez eh. Madalas kasi napapasabak din ako sa inuman, tapos sa bandang huli ako nagliligpit ng kalat nila. Haysss…   "‘Yong popcorn daw sabi ni Japeth." may biglang nagsalita sa likod ko "Ay butiki!" sigaw ko   Naihagis ko tuloy ‘yong ilang popcorn na hawak ko. Nagulat ako sa nakita ko.   "Sinusundan mo ba ako?" tanong niya "Baka ikaw ang sumusunod sa’kin?! Dito kaya ako nakatira!" sumbat ko kay Ashley   Tama! ‘Yong lalaking nagpapasakit ng ulo ko, nandito na naman sa harap ko ngayon!   "Asa ka naman. Hindi kita sinusundan. Tropa ko si Japeth at Jezter." sabi niya din "Teka? Paano kayo naging magtropa? Eh kilala ko lahat ng tropa nila na pumupunta dito sa bahay!" sigaw ko ulit   Totoo naman eh, nakainuman ko na ‘yong mga tropa nila kaya hindi ako maaaring magkamali, hindi pa siya nakapunta dati dito! "You don't know anything about MEN. Haha," asar niya   Nyenye, whatever. Kawawa naman si Kuya Jezter, tropa niya ‘tong si Ashley? Eww! Baka mahawaan nila Kuya Japeth at Ashley ng kasamaan si Kuya Jez!   "Nasaan na ‘yong popcorn, Shawe?" biglang sumulpot si Kuya Jezter "Eto na Kuya oh," sabi ko sabay abot sa kanya ng bowl ng Pop Corn "Teka? Magkakilala ba kayo ni Shawe?" tanong niya sa’kin "Hindi!" sabay naming sigaw "Hahaha, relax lang kayong dalawa. Well. Okay lang ‘yan Ella, makikilala mo din ‘tong si Shawe. Tara! Shot na tayo do’n." aya ni Kuya Jez sa’kin   Eto na! Sabi ko na nga ba mapapasabak ako eh!   "Ah, may homework pa kasi ako Kuya Jez. Next time na lang siguro." pagtanggi ko "Homework? Puwede mo namang gawin bukas ‘yan sa school niyo eh. Rush mo na lang ‘yan bukas." sabi ni Kuya Jez   What an Advice! Haha. Grabe, naiimpluwensyahan na siya ni Kuya Japz!   "Hayaan mo na siya Jez, baka takot lang sa alak." parinig ni Ashley   iInaasar ako nitong walanghiyang lalaki na ‘to ah?   "Haha, si Ella takot sa alak? Hindi ‘yan takot! Halimaw ‘yan sa alak eh." pagtatanggol ni Kuya Jez sa’kin   Haha, ano ka ngayon?!! Tinignan ko lang si Ashley.   "Kung hindi nga takot, dapat mapatunayan ‘yan!" sabi niya sabay shot   Tsk tsk, hinahamon ako nito! Kapag ako nainis! Ibabasag ko sa ulo niya itong hawak kong isa pang bowl ng popcorn!   "Naalala ko, wala pala akong homework ngayon! Haha, Tara, shot na!" sabi ko tapos tumabi na ko kay Kuya Jez
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD