Chapter Five

2419 Words
Chapter Five   Ella’s Point of View   Sabi ko na eh, kapag iniwan ko ‘tong mga ‘to magsisisi ako pagkagising ko! Ang kalat! Ang Kill Joy kasi ni Madam kagabi! Hindi kasi umuwi si Madam kagabi, pero tinawagan niya ako. May inutos siya sa’kin, pinadala niya sa’kin sa bahay ng Amiga niya. Kahit gabi na lumabas pa rin ako at hininto ang pakikipag inuman sa tatlong weak na ‘to. Pagkabalik ko, may mga tama na ‘yong tatlong nag iinuman. Si Kuya Japz naka topless na, si kuya Jez naman sumasayaw na may iniimagine pa yatang kapartner? Tsk. Si Ashley naman, kumakanta na at ginawang mike ‘yong bote. Potek!   Hindi na ako nagpakita sa kanila. Ayo’ko kasing kumausap ng lasing. Lalo na ‘yong si Ashley, ang pula na ng mukha, parang pinagsasampal na eh! Hahaha. Kaya eto, habang tulog pa silang tatlo dito sa sala, niligpit ko na ‘yong mga kalat nila. Nagsimula na muna akong magwalis. Tapos nagpunas ko ng ginamit na lamesa kagabi. Hanggang sa matapos ko lahat iligpit, tulog pa rin sila. Kulang na lang, pati sila iligpit ko na rin! Haha.   *i love you, you love me. We are happy family.*   Biglang may narinig ako. Ano ‘yon? Kanino ‘yon? Hinanap ko ‘yong tumutunog. Ayon! Haha, takte. Hindi ko mapigilang hindi matawa! Cellphone pala ni Ashley! Haha. Barney song ang ringtone! Hahaha. Laughtrip!   Maya maya, nagsi-gising na ‘yong tatlo. Umakyat ‘yong kambal na Kuya ko sa mga kwarto nila. Si Ashley naman nakigamit ng banyo. May kausap sa phone, Mommy niya yata?   *Dingdong! Dingdong!   Biglang may nag-doorbell.   "Sandali lang po!" sigaw ko tapos tumakbo ako para pagbuksan ‘yong nasa gate "Ashley!" sigaw no’ng babae sa labas   Pinagbuksan ko agad ng gate ‘yong babae. Saka si Mabelle? Teka?   "Oh? Ella?! Magkasama kayo ni Biboy kagabi?" pagkagulat ni Mabelle "Ha? Naku hindi. Kuya ko ‘yong kasama niya kagabi." agad kong pagtanggi   Baka kung ano pa isipin ni Mabelle nito. Si Ashley at ako magkasama? Utang na loob! Tss. Nakakakilabot ‘yon!   "Ah. Si Mommy kasi nag--" naputol ang sinasabi ni Mabelle "Nandiyan pa ba si baby boy ko? Sabi ko kasi umuwi siya dahil namimiss ko na siya. Pero hindi umuwi! Lokong bata!" pag aalala ng isang babae   What the?! Mommy nila ito? Wow! Goddess! Ang ganda ganda ganda! Hindi mo aakalain na may anak na ‘tong Mom nila!   "Nasa loob po siya," sagot ko "Puwede bang pumasok? Ha?" pakiusap ng Mom niya "Ah sige po." sabi ko   May kasama din silang lalaki. Hmm… Ito ba ‘yong Dad nila? Lintek! Ang gwapo naman?!   Naglakad na sila papasok sa bahay namin.   "Mom! Sabi ko namang uuwi ako eh!" lumabas bigla si Ashley galing sa bahay "Eh ang bilin ko sayo umuwi ka last night! You didn't listen to what I said!" sigaw din ng Mom niya   Teka? Mag aaway ba sila dito?   "Nagkatuwaan lang kaya, hindi ako nakauwi." biglang huminahon si Ashley   Wew. Akala ko aawayin niya ‘tong maganda niyang nanay eh. Haha.   "Naku, sa susunod. Umuwi ka muna bago ka pumunta sa ibang bahay! Paamoy nga ng baby ko? Eeeee! Ang asim mo na. Kaps?! Nadala mo ba yung pulbo at t-shirt pamalit ni baby boy? Nakakahiya sa mga kasama niya kung ganito amoy ng anak ko.Psh." sigaw no’ng Mom niya do’n sa Dad nila "Na kay Jewel yung pulbo Hon. Pinaglalaruan at hinihipan niya kanina. Wait lang puntahan ko sa kotse." sagot nung asawa niya "Mom! Tara na, umuwi na kayo." sabi ni Ashley tapos hinila hila ‘yong Mom niya "Ah, salamat nga pala sa pag intindi sa anak ko kagabi ha? Ano’ng pangalan mo Miss?" tanong ng Mom niya habang hinihila siya ni Ashley "Mom! Siya ‘yong sinasabi ko sayong Ella! ‘Yong bumato sa ulo ni Biboy! Hahahaha." biglang nagsalita si Mabelle   Pinagpawisan naman ako bigla sa sinabi ni Mabelle?! Baka naman pagalitan ako ng Mom nila niyan eh!   "Ay! Siya ba ‘yon! Haha, Sige! Salamat ulit Ella. Magkikita pa naman tayo diba?" sabi ulit ng maganda nilang Mom   Tumango na lang ako, medyo nahihiya kasi ako eh. Hehe. Ayon! Tuluyan na silang umalis. What a family? Buong puwersa pa talaga silang pumunta dito para lang sunduin si Ashley? Nice. Ang saya siguro ng pamilya nila? Hmm, kung mabait ang pamilya ni Ashley? Ba’t gano’n ugali niya? Hindi kaya AMPON LANG SIYA? Wahahahaha, kung anu ano na naman naiisip ko. Makapasok na nga lang sa bahay.   "Ellaaaaaa! Itimpla mo nga ako ng kape!" sigaw ni Kuya Japz galing sa taas "Ako din Ella, Please? Thanks!" sigaw din ni Kuya Jez "Ok po! Wait lang!" sagot ko   ‘Yan kasi, iinom inom tapos hindi halos makabangon kinabukasan?! Tsss. Kahit kailan talaga ‘yang dalawa na ‘yan! Naku! Mga pasaway!  Tsk tsk.   Pagpasok ko sa ALU, medyo nagmamali akong maglakad. Baka kasi ma-late  ako eh.   "Five, Six, Seven, Eight!" narining kong sigaw no’ng cheerleader ng Pep Squad   Dali dali pa rin akong naglakad papunta sa building namin.   "Ellaaaa!"   May tumawag sa’kin banda do’n sa mga nagpapractice. Wala naman akong kilala do’n ah? Baka hindi ako ‘yong Ella na tinatawag. Tumuloy ako sa paglakad.   "Ellaaaa! Waaa! Naabutan din kita! Huuuu!" narinig ko ulit ‘yong tumatawag sa pangalan k   Paglingon ko, nakita ko si Mabelle. Teka? Si Mabelle?!   "Kasama ka ba do’n sa mga nagpapractice? Sumasayaw ka?" pagkagulat ko "Haha, ang cute mo. Parang ang inosente mo sa lahat ng bagay Ella, Oo! Kasali ako sa Pep Squad. Pangpapayat kaya ang pagsayaw! Haha." sagot niya   Nagpapapayat pa siya sa lagay na ‘yan? Paano pa kaya ako?   "Bakit mo nga pala ako tinawag?" tanong ko sa kanya   Ang seksi naman ng suot nito ni Mabelle? Hindi kaya siya pinapagalitan ni Ashley sa mga sinusuot niya? Ahahaha.   "Sama ka ba sa Team Building? Every Second Semester kasi minsan ‘yong Team Building eh. Sama ka ha?" sabi niya "Team Building? Hindi pa nasasabi sa’min ‘yan ng President namin eh. Baka hindi kasama Course namin? Hahaha." sabi ko   Wala pa kasing announcement about diyan sa Team Building na ‘yan eh. "Haha, Gaga. Kasama kaya lahat! Kalaban niyo kaming mga Higher Year! Magkakampi lahat ng First Year, tapos magkakampi din kaming mga third year and so on. Every year daw ang magkakalaban ngayon eh, hindi by section. Exciting ‘yon for sure! Haha." sabi niya   Ramdam ko nga ang excitement sa kanya. Haha, tinawag pa akong 'gaga' eh.   "Ta-try ko, kaso baka hindi ako payagan ni Madam eh. Baka maga-" hindi ko natapos "Mabelle! Magpractice ka nga dito! Kabisado mo na ba ‘yong step, ha? Hindi pa diba?! Balik!" sigaw no’ng cheerleader nila "Ay! Sige! Babye! Kita kits sa team building. Galingan mo!" sabi niya habang tumatakbo pabalik sa practice nila   Team Building? Good Luck naman kung payagan ako ni Madam! Haay.   Ashley’s Point of View   "Mom! Ba’t niyo pa kasi ako sinundo? Nakakahiya kapag nalaman ng tropa ko." reklamo ko   I'm a grown up man! Kaya nga ako humiwalay ng tirahan eh. Yeah. I don't live with them. Pero nasa condo unit naman ako ni Dad. Ayaw niya akong pabilhin ng ibang condo, he said I should use his unit instead. Wala naman daw gumagamit.  Kuripot. Tss.   "You're not answering any of my calls anak! What do you expect me to do?" paliwanag ni Mom "Nag aalala lang ang Mommy mo sayo Ash, huwag kang pasaway." si Dad na ang nagsalita "Nagkikita naman kasi kami ni Mom sa school eh, tapos sinasabi niya namimiss niya ako? Ang exagge Dad." sagot ko "Exagge ako Baby Boy? You don't know anything about being a Parent, I'm just a concern Mom. I never knew it would cause you any trouble." sabi ni Mom na naiiyak na   Si Mom talaga iyakin, tsk.   "Witch, tama na ‘yan. Kami na lang ang mag uusap ng anak mo. Sige na, tahan na. Ok? Akyat ka na sa kwarto, hindi ka pa nakakatulog ng maayos eh." pagpapatahan ni Dad   Umakyat naman si Mom sa kwarto, she didn't even looked at me. Nagtampo ba talaga siya? Umupo sa tabi ko si Dad, tapos bigla ding lumapit si Jewel sa’kin. Si Jewel, bunsong kapatid namin ni Taba. Talo kaming magkakapatid.   "Big Bro, don’t make Mommy cry. Don't be a bad guy please?" pakiusap ni Jewel "I'm not a bad guy bunso. Gusto ko lang maging independent." sagot ko kay Jewel tapos kinurot ko ‘yong pisngi niya   "Ash anak, alam mo naman na matapang ‘yang Mommy niyo diba? She doesn't cry easily. Pero kapag anak na namin ang usapan, emotional siya. Nag aalala siya sa inyo, lalo na sayo. Alam ko ang nararamdaman mo anak, gusto mong maging independent at mabuhay nang walang kumu-kontrol sayo, at walang nagagalit." mahinahon na sabi ni Dad   Gusto ko lang naman subukang mamuhay mag isa. ‘Yon nga ‘yong condition ko, kaya ako pumayag na mag aral ulit eh. Huminto ako ng pag aaral, for one year. Wala lang. I just feel like I don't like to study.   "Dad, hindi naman ako mawawala ng tuluyan sa inyo eh. Hihiwalay lang ako ng bahay." paliwanag ko din "‘Yon na nga, hihiwalay ka. Kaya hindi rin mapakali ‘yong Mom mo dito sa bahay, sa gabi hindi agad makatulog ‘yan iniisip kung okay ka ba." nakokonsensya na ko sa sinasabi ni Dad   Ilang months na din kasi akong nakatira sa condo eh.   "As long as we are alive, responsibilidad namin kayo anak. Hindi mo alam kung ano ang mga bagay na sinakripisyo ng Mom mo, para lang masiguro na mapapalaki niya kayo ng maayos. Hindi ko sinasabi ‘to anak para manumbat. I'm just telling you all of these kasi gusto kong maliwanagan ka, hindi O.A ang Mom mo, mahal niya lang talaga kayo. High School pa lang siya, wala na ‘yong mga magulang niya, wala siyang kapatid. Tapos no’ng pinanganak niya kayo ni Mabelle, huminto siya sa pagtatrabaho. She gave up everything to look after the two of you and Jewel. Kakapromote niya lang sa trabaho no’ng malaman niyang pinagbubuntis niya si Mabelle. She was also a Model in a famous Magazine sa New York, alam mo ‘yon diba? She gave up her dreams dahil mahal niya ako, mahal niya kayo. Mahal niya tayo." explain ni Dad "I know how much Mom love us Dad. Ayaw ko siyang nakikitang umiyak, pero sa ngayon, hayaan niyo muna ako sa gusto ko Dad. Kapag nagsawa ako sa kabaliwan kong ‘to, babalik ako sa bahay. I just wanna enjoy my life." sagot ko "I understand, hayaan mo. I will explain this to your Mom. But always remember your limitations, okay?" paalala ni Dad "Yes Dad." sagot ko "Sige pumasok ka na, ibigay mo pala ‘to sa Ate mo. Hindi na naman nagdala ng damit pamalit niya eh. Saka itong mga gamot niya, nakalimutan niyang dalhin. Masyado yatang naexcite sa balita na magkakaroon kayo ng team building." utos ni Dad "Papasamahin niyo ‘yon sa Team Building? Paano kapag inatake ‘yon do’n? Buti kung nando’n ako para bantayan siya?" pag aalala ko   Sakitin kasi si Mabelle eh. Mataba siya dati, oo. May sakit siya sa puso at hikain, hindi halata sa kanya no? Kasi masayahin siya. Naiinis nga ako eh, kasi dapat ako na lang ‘yong naging sakitin, nagiging hadlang kasi kay Taba ‘yong sakit niya, marami siyang gustong gawin kaso hindi pwede.   "Pagbigyan mo na ‘yong kapatid mo, nando’n ka naman eh. Kaya panatag kami ng Mom mo." sabi ni Dad   Sabi na eh! Kaya pinayagang sumama si Taba, kasi ipapasama din ako. Ayo’ko ng mga ganyan eh, ang baduy!   Pumasok na ako sa school, binigay ko kay Taba ‘yong mga pinabibigay ni Dad, patawa tawa pa, eh nakalimutan na nga niya ‘yong gamot niya. Tsk. Makalibot nga muna dito sa ALU.   Teka? Si Ella ba yun? Loko ‘yon ah! Si Cyrus naman ang tinataguan niya ngayon! Tsk! Malapit na nga sa kanya iniwasan niya pa!   "Hoy!" sigaw ko "Ay Dambuhalang kulot!" sigaw niya "Ano’ng ginagawa mo ha?!" sigaw ko sa kanya "Ah? Naglalakad! Hindi mo ba nakikita! Bulag ka ba?! Diyan ka na nga!" sigaw niya "Sabi ko, flirt with Cyrus! Hindi ko sinabing taguan mo siya o iwasan mo!" paalala ko "I know, I know. Nahihiya lang ako do’n sa tao. Ang bait bait eh."reason niya "Ang bait bait? Tsss." sabi ko sabay talikod sa kanya   Lumakad na ako palayo.   "Hoy! Umamin ka nga sa’kin! Ano ba kasi talagang problema mo kay Cyrus?!" sabi niya sabay hila niya sa buhok ko "Wala nga," sabi ko "Wala daw?"-ulit niya "Wala nga, gusto mong makita?... Cyrus! Tara!" tawag ko kay Cyrus   Nakita kong medyo nagulat ‘tong si Ella sa ginawa ko. Tss.   "Uy! Shawe! Musta Pre?!" sabi ni Cyrus no’ng pagkalapit niya sa’kin "Ayos lang naman." tipid kong sagot "Teka, ikaw si Ella diba? ‘Yong kahapon?" agad niyang napansin si Ella   Tsss. Sabi na eh, mahilig ‘tong si Cyrus sa chubby.   "Ha? Ah, eh. Haha, oo. Ako nga ‘yon. Hello.." muntangang sabi ni Ella   Kinakabahan ba ‘tong babae na ‘to? Or nagpapacute lang?   "Magkakilala kayo ni Ella Pre?" tanong sa’kin ni Cyrus "Oo!" sagot agad ni Ella   Lintek! Sinisira niya ang plano ko!   "Hindi naman, nagtanong lang sa’kin about sayo." sabi ko   Gusto mong magkagipitan tayo ha, Ella? Tinignan niya ako ng masama.   "About sa’kin? Haha, bakit naman?" natawa si Cyrus   Sus, gusto rin yata nitong lokong ‘to. Tsk tsk.   "Hindi wala, tinanong ko lang kung kilala ka niya tapos kung anong course mo. Sige! Alis na ko." palusot ni Ella tapos nagmadaling umalis   Ang weak naman ng nakuha ko, takte. Akala ko magaling lumandi eh, pero nakakatawa ‘yong itsura niya kanina ah? Namumula na, teka? Hindi kaya magkagusto siya dito kay Cyrus? Well, who cares? Mas ok nga ‘yon kung sila ang magkagustuhan  para ligtas si Mabelle.   "Sige Pre, Manonood muna ako ng practice nila Bianca." paalam ni Cyrus tapos umalis na   Tsk, papanoorin na naman niyang sumayaw si Taba. Si Mabelle naman manhid pa yata? Hindi nakakaramdam sa pinaparamdam ni Cyrus? Ewan ko sa kanilang dalawa! Naglolokohan.   Naglakad na rin ako palayo.   "Ashley baby boy!" may tumawag sakin   Paglingon ko. BOOOG! Tinamaan ako ng ginusot na papel sa ulo. TAKTE KA TALAGA ELLAAAAA! Humirit ka pa ng bato sa’kin?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD