Chapter Three

1108 Words
Chapter Three   Ella’s Point of View   "Huwag ka nang magpanggap. Saan ka hahanap ng trabaho na malaki ang sahod sa panahon ngayon? Kung wala kang pangbayad...... pwede na kitang pagtiyagaan." sabi niya   Teka? Ano daw?! Bigla ko tuloy hinarang ‘yong dalawang kamay ko sa bandang dibdib ko. Manyak pa yata ‘to? Tsk!   "Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin! Umayos ka nga!" sigaw niya   Ah, akala ko katawan ko ang kapalit eh. Buti naman. Wew!   "Paano kita mababayaran?" tanong ko sa kanya "Simple lang... Gagawin mo lahat ng ipag uutos ko." sabi niya    Hala, katulong na naman ako? Hanggang dito ba naman katulong pa din ako? Eto ba ang kapalaran ko? Hindi tuloy ako sumagot.   "Kung ayaw mo, bigyan mo na lang ako ng P50,000 ngayon." sabi niya "Oo na! Alam mo namang wala akong pera eh! Ano ba ipapagawa mo?" naaasar kong tanong "I want you to flirt with someone." sabi niya   Napatigil ako sandal. Seryoso ba siya?   "Ha? Flirt with someone? Ako? Baliw ka na? Hahahaha." sigaw ko   Ok lang sa’kin maglinis! Magluto! Huwag lang ‘yan! Putek!   "Seryoso ako, I want you to flirt with my friend. I just wanna test him." sabi niya "Teka, juding ka ba? Hahaha. Bakit gusto mong itest ‘yong friend mo? Haha." Sabi ko habangf patawa tawa ako, potek. Ayoko! "Shut up, I'm doing this kasi nahahalata ko na may something siya sa sister ko. I just wanna know if he's serious and faithful." paliwanag niya "Ah, so gagamitin mo ako? Para itest kung bibigay ba siya sakin? Kasi kapag oo, that means hindi siya seryoso sa sister mo? Gano’n?" hula ko, haha "You got it. You should do your best, hindi ka puwedeng pumalpak. You'll serve me until makagraduate ka." sabi niya "Ano?! Hanggang fourth year ganito ako?!!!!" sigaw ko   Ngumiti lang siya saka lumakad palayo. Tssss! Sinipa ko na lang ‘yong maliit na batong malapit sa’kin.   "Nga pala. Clean my room din mamaya." lumingon siya sa’kin   Nakakainis! Bahala ka sa buhay mo! Napaka imposible ng pinapagawa niya! Nakakainis! Siya gumawa no’n! bahala siya, hahanap ako ng paraan para makakuha ng P50,000. Dumiretso na ako ng uwi, wala na akong pakialam. Isipin na niya ang gusto niyang isipin.   Kinabukasan..   Nasa canteen kami. Nakayuko lang ako habang kumakain kami ni Roxanne.   "Bakit ganyan ka na naman bhez? May problema ba?" pagtataka niya "Wala naman, hehe. Sige kain ka lang." sabi ko tapos kumain na kami ulit "Hoy babae, akala ko ba malinaw usapan natin kahapon?" biglang may nagsalita sa likod ko   Uh-oh. Paktay ako nito! Hinawakan niya ako sa bandang wrist saka hinila hila.   "Aray! Bitiwan mo nga ako." utos ko "Nag usap tayo kahapon ah? Ba’t ngayon nagtatago ka na naman?" sigaw din niya "Kasi naman, isipin mo nga ‘yong pinapagawa mo sa’kin! Ang hirap! Flirt with someone I don't even know?! Tss. That's impossible!" sigaw ko "Pwes, makikilala mo na siya! Look!" utos niya tapos may tinuro siya   Sinundan ko naman ng tingin ‘yong tinuturo niya.   "Cyrus Arevalo, Single, the rest information ikaw na ang bahalang umalam. Flirt with him." sabi niya   Wow! Ang gwapo naman no’ng Cyrus! Haha. Sayang, mayaman kasi. Tss.  Hambog din ‘yan for sure.   "Tsk, hindi ba pwedeng kaibiganin ko na lang? Huwag nang flirt? Hindi ko kaya ‘yon! Pang p****k ‘yong term!" request ko "Do whatever you want, ikaw bahala." sagot niya   Langhiyang mga mayayaman ‘to. Ina-under ako sa pera nila! Tsss!   "Uy! Tignan mo! May lumapit sa kanya na girl, for sure ganyan lang din gagawin niya sa’kin." sabi ko   Rejected kasi ‘yong girl na lumapit sa kanya eh. Baka gano’n din gawin niya sa’kin. Ouch ‘yon! Haha.   "Who knows?" matipid niyang sagot "Sa bagay, kahit ako naman ‘yong lalaki, hindi ko papansinin ‘yong babaeng ‘yon! Halos kita na ang kaluluwa sa pananamit. Tsk tsk," sabi ko habang nakatingin do’n sa babaeng naglalakad na palayo do’n sa Cyrus   Tumingin lang sa’kin si Long hair.   "What?" tanong ko "Bitter ka sa mga seksing babae ‘no?" tanong niya sabay smirk "Paano mo naman nasabi?" tanong ko "Wala, chubby ka kasi eh." sabi niya sabay walk out       Lintek! Chubby daw ako? Walanghiyang lalaki ‘to! Mabilbil ako! Oo, pero hindi ako chubby! Pumulot ako ng maliit na bato tapos inasinta ko sa ulo niya. Tapos binato ko and then tumakbo na ako! Weee! Mahal ko pa buhay ko!   Hihinto na sana ako sa pagtakbo  kaso paglingon ko! Hinahabol niya pala ako! Takte! Hinihingal na ako eh!   "Huwag mo na akong habulin!" sigaw ko sa kanya   Para kaming batang naghabulan paikot sa dito sa ALU.   "Hindi kita titigilan hangga't di kita nahuhuli! Loko ka." sabi niya   Waaaa! Hindi ako pwedeng mahuli nito! Baka bugbugin ako? Oh no! Lumingon ulit ako. Kyaaah! Maaabutan na niya ako! Help me! Ayo’kong mabugbog!   "BIBOY!" sigaw no’ng isang babae sa harap ko "Taba! Hawakan mo siya! Bilis! Yakapin mo!" sigaw ni Ashley do’n sa babae "Yakap? Sige! Yaaaah!" sabi no’ng babae tapos nagulat ako   Niyakap niya ako bigla no’ng magkakasalubong ko na siya. Hindi na tuloy ako nakatakbo.   "Uy! Ba’t ka hinahabol ni Biboy?" tanong sa’kin no’ng babae "Binato ko kasi siya kanina sa ulo. Kaya pakawalan mo na ako! Mahal ko pa buhay ko!" pakiusap ko sa kanya "Talaga? Binato mo siya? Sige akong bahala sayo!" sabi niya tapos tinago niya ko sa bandang likod niya   Hingal na hingal si Ashley no’ng makalapit siya sa’min.   "Oy ibigay mo na siya sa’kin." utos niya sa babae "Hindi puwede! Bleeeeh! Haha, nga pala alam na ni Mommy yung nangyari sa kotse mo. Haha." sabi niya   Teka, magkapatid ba sila?   "Sinumbong mo ko ‘no?" sabi niya "Sabi ko kasi sayo tawagin mo na akong ATE para pagtakpan kita sa mga kalokohan mo! Sige na Biboy!" sabi niya   Ate? Mas matanda ‘tong babae na ‘to kay Ashley? Haha, hindi halata ah? Ang tangkad kasi ni Ashley eh.   "Tigilan mo nga ako sa kakatawag mo sa’kin ng Biboy. Nakakahiya. Tsk." saway niya sa ate niya "Bakit? Mas ok nga ang Biboy kaysa sa tawag ni Mommy sayo eh! Baby Boy! Hahaha." asar ng Ate niya   Lumakad na ako pa unti unti. Bahala na silang dalawa, basta aalis na ako!   "Oy! Tsk, tignan mo ginawa mo! Nakatakas tuloy ‘yong babaeng ‘yon!" sigaw ni Ashley "Haha, hayaan mo na siya. Makikita mo rin naman ulit siya mamaya or bukas." sagot ng Ate niya   Lumingon ako sa kanilang dalawa tapos ngumiti, wala lang pang asar lang.   "Bleeeeeh!" sabi ko kay Ashley   Inisnob naman niya ako, tapos ‘yong ate niya natawa na lang.   "Ano nga palang pangalan mo?!" sigaw no’ng Ate ni Ashley "Tawagin mo na lang akong Ella! ikaw?"-sagot ko sa tanong niya "Ako si Mabelle! Ate nitong Masungit na lalaking ‘to! See you later!" sabi niya sabay kaway   Hahaha. ang cool naman ng Ate niya, parang ang saya saya palagi, kahit hindi niya ako kilala ang bait niya agad sa’kin.   Mabelle... A very beautiful name, bagay sa kanya. So, siya pala ‘yong sister ni Ashley na gusto ng friend niya? Mahal na mahal niya siguro ‘yong Ate niya kaya gusto niyang subukin kung totoo ba sa Ate niya ‘yong kaibigan niya. Well, wala naman sigurong masama kung tulungan siya. Hmm…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD