Chapter Two
Ella’s Point of View
Nagising ako sa isang puting kwarto. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito.
Hala?! May nagasgasan nga pala akong kotse! Tapos ngayon nandito naman ako sa Hospital?! LAGOT AKO NITO KAY MADAM! Umupo muna ako sa kama, kaso hindi ako mapakali. Tumayo ako, pabalik balik sa paglalakad. Bigla kong naisip! Hindi ako pwedeng maabutan no’ng Ashley na ‘yon dito! Wala akong pangbayad! P50,000? Saan ako kukuha no’n? P1,500 lang ang sahod ko sa Bake Shop, tapos ako pa gumagastos sa mga pangangailangan ko. Kapag nalaman ni Madam, baka palayasin pa ako! END OF THE WORLD na ba talaga para sakin?!
Oh no! Dahil sa mga naimagine ko, naisip ko tuloy tumakas sa Hospital. Bahala na! Hindi ako pwedeng makita no’ng lalaking ‘yon! Baka ipapulis niya ako, tapos kapag nakulong ako? Paano na?
Dali dali akong lumabas ng room ko. Dahil hapon na rin naman, hindi na ako pumasok. Tsk, transferee tapos absent agad ako? Libre pa naman ang pag aaral ko. tsk tsk tsk. Teka? Saan ba ‘to? Hmm. OH NO! ‘Yong bag ko naiwan ko sa Hospital! Ang TANGA mo ELLA! Wala akong pamasahe kasi nando’n sa bag ko ‘yong wallet ko. Hindi naman ako pwedeng bumalik sa Hospital kasi baka maabutan ko ‘yong Ashley na ‘yon do’n. Ang saklap talaga ng kapalaran ko. Kainis.
No choice ako, tumawag ako sa landline ng bake shop. Nakiusap na lang ako sa Ale na makikitawag ako kasi nahold up ako. Tss, nagsinungaling pa ako. Ang dami ko nang kasalanan.
"Sorry po Boss," sabi ko sabay tingin sa langit
Ilang minuto, dumating na din si Dex. Pinautang niya ako ng pamasahe saka ng allowance. Hayysss. Ang bait talaga nito eh. Thank God may mga kaibigan akong gaya niya at nakauwi ako ng maayos sa bahay. ‘Yon nga lang, kailangan kong magbonnet, dahil hindi pwedeng makita ni Madam ‘yong sugat sa noo ko.
"Uy Ella! Ganda ng bonnet natin ah?! Pahiram ako!" sabi ni Kuya Japz
"Pahiram ko nalang sayo ‘to next time kuya." pagtanggi ko
"Ay ang damot?" sabi niya tapos tumayo siya at lumapit sa’kin
"Kuyaaaa!" sigaw ko kasi bigla niyang tinanggal sakin ‘yong bonnet
Tumakbo tuloy ako papasok sa kwarto ko. Isusumbong ako no’n kay Madam Kapag nakita niya ‘yong benda sa noo ko! Ang lakas ng tawa niya. rinig na rinig ko hanggang dito sa kwarto ko. Bully talaga ‘yon eh. Amp!
Few days Later...
Hindi ulit ako pumasok kahapon. Tsk. Dalawa na agad ang absent ko. Hayyy. Kainis kasi talaga ‘yong kaskaserong driver na ‘yon no’ng isang araw eh! One way na nga, ang bilis niya pang magdrive! Grrrr! Para tuloy akong kriminal ngayon na nagtatago.
"Ella."
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Dahan dahan akong lumingon.
"Bhez! Ikaw lang pala!" sigaw ko kay Roxanne
"Ba’t parang takot na takot ka naman diyan? Haha." napansin niya pala
"Hindi, wala. Nasosobrahan yata ako sa kape" pagtanggi ko
"Ah, akala ko hindi ka ulit papasok. Tara na nga." yaya niya sakin
Kung puwede lang, huwag na akong mag aral! Bakit ba kasi ang careless ko? Ang hirap lumaban ng ganito kasi alam kong ako ‘yong may mali. Hindi tuloy ako makapalag ng maayos sa Ashley na ‘yon.
Naglalakad na kami nang bigla kong nakita si Ashley! Nagtago ako sa likod ni Roxanne. Grabe, pinagpawisan agad ako.
"Bhez, cr tayo." sabi ko tapos hindi ko na siya hinintay na sumagot
Kinaladkad ko na siya papunta sa pinakamalapit na banyo. LANGHIYA! Ayo’ko sa ganitong buhay!
After ng ilang oras, tuwang tuwa ako, kasi hindi ko na kailangang magtago! Uwian na! Yes! Makakahinga na ako ng maluwag! Nauna akong umuwi kay Roxanne, kasi makikipagkita pa yata siya sa boylet niya. Pasakay na sana ako sa jeep kaso may biglang humila sa’kin.
"Tinakasan mo na nga ako kahapon, tinataguan mo naman ako ngayon?" sabi no’ng naghila sa’kin
Oh no! Ang lalaking tinataguan ko, nandito na sa harap ko!
"Hi-hindi kita tinataguan. Masyado lang malaki ‘yong ALU kaya hindi kita mahanap." palusot ko
"Talaga lang ha? Nasaan na ‘yong pangbayad mo sa kotse ko?" tanong niya
Eto na, kaya nga ako umiiwas kasi wala akong pangbayad eh. P50,000 ‘yon Dudong!
"Wala na bang tawad ‘yong P50,000?" paki-usap ko
"Anong tingin mo sa kotse ko? Ukay ukay?" seryoso siya sa mga sinasabi niya
"Oo," bulong ko
"Ano?!" narinig pala niya hehe
"Babayaran kita. Unti unti. Maghahanap ako ng trabaho. babayaran kita, hindi kita tatakbuhan" sabi ko tapos aalis na sana ako
"Mukhang wala ka talagang pangbayad ah?" sabi niya
Bwisit, nakakainis! Ang yabang nito!
"Wala nga, alam mo naman pala kinukulit mo pa ako!" sigaw ko nakapamewang na, nakakainis eh
"Tss. Paano? Tatakbuhan mo na lang ako buong buhay mo?" patawa tawa pa siya habang sinasabi ‘yon
"Babayaran nga kita, huwag kang excited!" sigaw ko
"Huwag ka nang magpanggap. Saan ka hahanap ng trabaho na malaki ang sahod sa panahon ngayon? Kung wala kang pangbayad......
pwede na kitang pagtiyagaan." sabi niya